Amari
Astrid Agatha
Marahas ang pagbukas ko ng pinto kaya ang mga gulat na mata ni Clad ang agad na bumungad sa akin.
"Clad, something is coming pero ayaw sabihin ni Rocco kung ano ito. At sigurado akong hindi ito maganda. Ang nakakabahala pa ay sa tingin ko'y may kinalaman ito kay Kayla!"
Umigting ang kanyang panga, "Paanong nalaman ito ni Rocco? At paanong nasali si Kayla rito?"
"Rocco is the guardian of fates, that's what he said. He can see what's gonna happen in the future. He kept dropping hints pero hindi ito sapat upang malaman ko ng buo ang mangyayari"
Bumaba ang tingin niya sa teleponong nasa gilid ng kanyang lamesa. Kinuha niya ito at at nilagay sa kanyang tenga, "Someone get me Olivia. May itatanong ako sa kanya" he said at agad ibinaba ang tawag
Ilang minuto pa'y dumating si Olivia kasama si Ezekiel. This is the first time I've seen them since their wedding. Ang alam ko ay kasalukuyang nasa kanilang honeymoon pa ang dalawa. Nakakalungkot lang na walang awang inistorbo ito ni Clad dahil sa sinabi ko sa kanya.
"What's happening?" Tanong ng nag aalalang si Olivia
Tumayo ako bilang pagkilala sa kanilang presensya, after all they are members of the council.
"Nothing yet pero kailangan kita upang silipin ang hinaharap" ani Clad
"Whose future?" Ezekiel interrupted at saka ako nilingon, "Astrid's?" He asked sabay baba ng tingin sa umbok sa aking tiyan
Umiling si Clad, "Kayla's" he said and as if on cue Kayla walked in.
"Pinapatawag mo raw ako?" Bungad niya. She looked a little surprised to see the prodigies pero agad ring nakabawi at yumuko bilang paggalang sa dalawa
"Narito pala kayo Ezekiel, Olivia" aniya at agad naglakad sa aking tabi
"Kayla, I will need Olivia to take a peek of your future. Is it okay with you?" Maingat na tanong ni Clad
Kumunot ang noo ni Kayla at nilingon ako bago muling bumaling kay Clad na nanatiling nakaupo sa kanyang silya, "Why?"
Tumikhim ako at nagpasyang ako ang sasagot, "It's about what Rocco said earlier, Kay" she was there. She should know.
Tumango siya, "Okay"
Naglakad si Olivia papalapit kay Kayla at hinawakan ang mga palad nito. She closed her eyes at alam kong sinisilip niya na ang hinaharap ni Kayla.
Ilang saglit pa ay bumitaw si Olivia. Takot at pangamba ang agad kong nakita sa kanyang mukha.
"It's gonna happen...again" she said habang isa isa kaming tiningnan
Napatayo si Clad, "What's gonna happen, Via?"
"Draeko is coming. And it's coming for her" titigan niya si Kayla, "You're gonna bear it's child, Kayla" she said
Suminghap ako kasabay ng malakas na paghampas ni Clad sa kanyang lamesa.
"Hindi ako makakapayag!"
"It's inevitable, Clad. Wala tayong magagawa. Kayla is a powerful witch at siya ang napili ng Draeko upang dalhin ang magiging anak nito"
Nagkatitigan si Kayla at Clad
"I'll do something. Hindi ko hahayaang mangyari iyon"
"Clad" Gusto ko siyang pigilan o pakalmahin but Kayla froze beside me at alam kong mas kailangan niya ako sa kanyang tabi
"What are you gonna do? It's the Draeko! Do you think you can stop him?" Tanong ni Ezekiel
Draeko
Ang ama ni Lukas, Rocco, Klea, at Morgan. Mystical creature na naglalang sa apat na makapangyarihang strygx. I can never imagine how powerful that creature is. Kaya paanong mapipigilan siya ni Clad o ng kahit sino man sa amin?
"Kailan ito darating?" Kayla's voice was shaky as she asked the question
"When you turn 18" sagot ni Olivia, that is three days from now
Tumango tango si Kayla, "Okay"
"What do you mean okay?!" Parang bombang sumabog ang boses ni Clad, "Hahayaan mo na lamang ang halimaw na iyon sa kung anong gagawin niya sa'yo?" He snorted, "Do you think I'll let you, Kayla?"
"Clad, this is the Draeko. Who knows what it will do once we try to stop him" Kayla tried to reason
"I think we shall leave you two to talk" pumagitna si Ezekiel upang putulin ang tensyon na namumuo sa dalawa, "Via, Astrid" he called at giniya kaming dalawa papalabas ng opisina ni Clad
"Hindi na natapos ang mga problema" iling ni Ezekiel
Intimate namang hinimas ni Olivia ang braso ng kanyang asawa bago kami tuluyang nakalabas.
Pagkasara ng pinto ay agad akong hinarap at nginitian ni Olivia, "You look beautiful as ever, Astrid Turner" she said
Ngumiti ako, "Salamat. How are you two?" Tanong ko sa bagong mag asawa
Malaki ang ngisi ng dalawa, "We're fine. We're great actually"
"Any plans of having a baby?" Panunukso ko at doon napanis ang kanilang mga ngisi
"We...actually have a child now" ani Olivia na labis na ikinagulat ko
"Wh-what? Pero ilang linggo palang simula ng kasal niyo?"
"She was pregnant back then...The child's growth was fast. Ang kanyang gulang ay tulad na sa isang, isang taong gulang na bata na normal ang paglaki" ani Ezekiel
"Wow!" I breathe. Kung ganoon mas malakas ang anak nila kesa sa anak namin ni Malcolm dahil mas mabilis ang paglaki nito.
As a mother I felt insecure. I wanted my child to be the strongest. Lalo pa't ayon kay Rocco ay hindi ko masusubaybayan ang paglaki niya. Gusto kong maging malakas siya upang kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili at malayo sa anumang kapahamakang naghihintay sa kanya dahil naiiba siya.
Ngumiti ako, "I want to meet your child. Sana ay magkasundo sila ng anak ko"
They smiled, "Mikhail's with dad right now. They are really fond of each other. And..." Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan, "And don't worry Astrid, I'm sure magkakasundo si Mikhail at ang anak mo" Olivia said pagkatapos ay makahulugang sinulyapan ang kanyang asawa
"Umaasa ako" I said
"By the way, nalaman na ba ang gender ng baby mo?" Olivia inquired
"Yes. It's a boy" I smiled at hinimas ang aking tyan
Hindi ko makakalimutan ang itsura ni Malcolm noong mga panahong nalaman niya na lalaki ang anak namin
"A boy! Wow! Congratulations!" Masayang bati ng dalawa
"Nakapag isip na ba kayo ng ipapangalan sa kanya?"
Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Tumango ako bago sumagot
"Amari Turner-Bloodworth"
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampiroBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.