Chapter 127

49 2 0
                                    

Obey

Karina Lancaster

I walked out of that room. Kailangan kong huminga at mag isip.

Tiningala ko ang langit, "Mater, sum ego dōn thes riht?"

"Alam kong kailangan kong ibalik ang balanseng inagaw namin mula sa mundong ito pero...nababahala ako. Paano kung imbes na balanse ay pagkawasak ng mundong ito ang maihatid namin?"

"Talking to our mother again, Karina? We're not even sure if she can hear us, right?"

Nilingon ko si Kaleb saka bumaling ulit sa kalangitan, "It won't hurt to try" sagot ko naman sa kanya.

Tinabihan niya ako kaya nilingon ko siyang muli, "What are you doing here? Bat wala ka sa loob ng kweba?"

My brother frowned at me bago siya humiga sa damuhan, "Performing the spell isn't easy, Karina. Kailangan ko rin naman atang magpahinga"

Umupo ako at tinabihan siya, "Ilang araw pa ba bago matapos ito?"

"Considering Astrid's health, a week?" He answered, "You know Malcolm will have our heads once he saw what we're doing with his girl, right?"

Tumango naman ako, "We have no other choice, Kaleb" I said

Saglit kaming nabalot ng katahimikan, "I wonder why Malcolm didn't use Astrid's blood to resurrect her and that girl Elizabeth nine months ago"

"Astrid was dead. The blood wasn't the same after she died"

"Papaano naman niya nakuha ang ganoon kaespesyal na dugo? She's not Rocco, is she?"

Natawa ako, "Rocco is a guy, and a strygx like us. Hindi siya magiging isang babae at normal na tao or even a tvinnr at that, Kaleb"

"Then what is she?"

"I don't know"

"I'm thinking Karina"

"What?"

"Can we use Astrid's blood to resurrect Kalum? It's not the same without him"

Napaisip ako sa sinabi ni Kaleb. Yes, that's possible.

"Yeah, you're right. Maybe we can do that. After we resurrect all these vampires, si Kalum naman ang bubuhayin natin"

Tumango siya at ngumiti, "I hope this time everything goes well, Karina"

"I'm hoping for that too, Kaleb"

Umaasa akong mabubuong muli ang pamilya ko. Kaming magkakapatid. Simple lang naman ang pangarap namin. Isang buo at kumpletong pamilya na tanggap kami at kung saan alam naming hindi kami itatakwil. We've suffered enough persecution from other people. The curse of being a strygx. Ang pamilya namin ang natatanging naming tahanan. Kaya sinisikap namin itong panatilihing buo. Sinisikap naming manatiling magkakasama at di maghiwa-hiwalay.

Astrid Agatha

Nagtawag si Victoria ng dalawang bampira upang mailipat ako sa kwebang sinasabi niya. Nawawala wala ang malay ko habang ginagawa nila ang paglipat. Alam ko na kung magpapatuloy pa ito ay mauubusan na ako ng dugo na maaaring ikamatay ko. At sa tingin ko ay iyon ang gusto ni Victoria, ang mamatay ako. Kaya gusto niyang tapusin ngayong gabi ang pagbubuhay sa mga natitira pang bampira.

Nang makapasok kami sa kweba iba't ibang mukha ang sumalubong sa akin. Lahat sila ay magaganda at makikisig at sadyang katangi-tangi ang matitingkad na kulay kulay ng kanilang mga mata.

Kung sa Firenze ito, ang may mapupulang matang bampira ay tinatawag na noble. Sila yung mga bampirang kinagat ng mga aristocrat na may matitingkad na mata. Ang mga aristocrat naman ang mga kinagat nina Malcolm at Clad. Mas angat sila kesa sa mga nobles.

Pero ang mga bampirang ito ay purong mga bampira. Kaya imposibleng may classification rin ang uri nila. Liban na nga lang sa tinatawag nilang families.

"Dito niyo siya ilagay" umalingawngaw ang boses ni Victoria. Inalalayan nila ako papunta roon sa tinutukoy ni Victoria. Isa iyong hawla, malaking hawla. Pinasok nila ako roon pero nasa gilid ako para abot pa rin nung nurse.

"Lady Victoria, sino siya? At bakit kahali-halina ang kanyang dugo?"

"Wag niyo siyang gagalawin. Siya ang dahilan kung bakit buhay kayong muli" aniya sa isang bampirang naroon

Nilingon ni Victoria ang babaeng nurse na kanina ko pa kasa-kasama, "Ipagpatuloy mo na ang pagsasalin ng dugo niya" utos niya rito saka tumango ang babae at ginawa ang utos niya

"Victoria" narinig ko ang boses ni Karina

"Bakit narito si Astrid!"

Victoria rolled her eyes, at itinuro si Karina, "Sieze her" aniya sa mga bampirang naroon at agad nilang hinawakan si Karina. Pinukpok siya ng isang bampirang may hawak sa kanya kaya siya nawalan ng malay.

"Karina!" Dumating Kaleb at nang nakita niya ang nangyari sa kapatid ay agad niyang itong sinugod ngunit pinigilan rin siya ng ilang mga bampira na sunod-sunuran kay Victoria

Kaleb tried to chant a spell pero pinigilan siya ni Victoria
"Subukan mong gamitin ang kapangyarihan mo Kaleb. Maaring mas malakas ka kesa sa kung sino man sa aming naririto ngunit tandaan mong hawak namin ang kapatid mo"

"You can't kill her!"

"We can't pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na namin siya kayang pahirapan" ani Victoria at bilang halimbawa ay inutusan niyang saktan ng mga bampira si Karina.

The vampire bit her neck and she screamed.

"Fine! Fine!" Pagsuko ni Kaleb

Victoria smirked, "You know what to do, Kaleb. Pinapangako kong walang masasaktan kung susunod ka lamang"

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon