Chapter 136

42 3 0
                                    

Elysium

Astrid Agatha

Kinabukasan ay masaya kong nilalaro si baby Logan kasama si Kayla, habang nakikinig kami sa usapan ng tatlo.

Kagabi nang dumating si Morgan ay di namin siya agad makausap. Dahil gabi na at alam naming pagod siya pati na rin ang bata. Kaya ngayon namin ginawa ang pag uusap

"Elizabeth was pregnant with my child at hindi ideal ang Lykos upang doon siya magbuntis. I told her we should leave that stricken place. Damn the consequences, fate and her freakin' mate bond with Lyall! Pero ayaw niya. Gusto niyang manatili roon at makipaglaban para sa mga taong lobong isinusuka siya dahil isa siyang bampira" bakas ang galit at inis sa tono ni Morgan

Hindi niya ata matanggap na ipinagpalit siya ni Elizabeth sa mga taong lobo.

"At sino iyang bata?" Tanong ni Malcolm

"Our child" sagot namn ni Morgan. Hindi na ako nagulat roon. This baby looked so much like Morgan pero kung titigan mong mabuti he also looked exactly like his mother's replica. Napangisi ako. Logan Markus Taylor-Bates is such a handsome boy. Sana ay magkasundo sila ng magiging anak ko.

Nagpatuloy si Morgan sa pagku-kwento habang kami naman ay nakikinig lamang, "Pinabilis ko ang paglaki niya upang maipanganak siyang agad ni Elizabeth. Ayokong mapahamak siya at dahil ayaw naman sumama ni Eliz kaya iyon ang tanging naisip kong paraan para maisalba ko ang aking anak mula sa gulo ng sa Lykos at mapanghusgang tingin ng mga taong lobo"

"I hope Elizabeth's fine" I said outloud, ramdam ko ang paglingon ng tatlo. Hindi ko naman inaalis ang tingin ko sa baby

"She is fine" ani Morgan, saka lamang ako tumingin sa kanya at agad ay ginawaran niya ako ng isang tipid na ngiti

"Ano na ang plano mo?" Malcolm asked at muli ay bumaling sa kanya si Morgan

He sighed, "I'll help Clad first with the vampires and then we'll leave" anito habang tinitingnan ang magkapatid, tinitimbang ang kani-kanilang reaksyon

"Leave? Where?" Naguguluhang tanong ng aking asawa

"We'll go back to Salem. Salem for now is the safest and quietest place. At isa pa naroon ang aking ama. Iyon o baka ay magpapakalayo-layo muna kami sa mundong ito" he shrugged

"Bakit di na lang kayo manatili rito, Morgan?" Kayla inquired

"Masyadong maraming nangyayari rito sa Saphore. And I don't want my child to get caught up in between" he answered and I admire him sa pagiging ama niya

"Tatay na tatay" komento ni Malcolm.

Nginisihan ni Morgan si Malcolm, "Once Astrid give birth you'll know how it feels, idiot"

Ngumisi rin naman si Malcolm. Kitang kita ko sa mukha niya na excited siyang lumabas ang aming baby. Napahawak ako sa aking tiyan. Ako rin naman. Kaya nga lang...nilingon ko si baby Logan at may bigla akong naalala na kailangan kong ikabahala.

Habang nagpatuloy naman ang tatlo sa pag uusap

"Ano nga pala iyong tutulungan mo si Clad sa mga bampira?"

"I ask for his help. Pati na rin kay Karina at Kaleb para magtayo ng syudad ng mga bampira gamit ang kanilang mahika at ikubli ito mula sa mata ng madla"

At ayun na nga ang pinag usapan nilang hanggang sa matapos ang araw.

Mga araw muli ang lumipas, sina Clad, Kayla at Morgan ay naging abala sa ginagawa nilang vampire city kaya madalas ay kami lamang ni Malcolm ang naiiwan rito sa mansyon. We go out sometimes pero dahil mabigat na ang tyan ko ay ayaw ko na yung masyadong lumalabas-labas.

Morgan and baby Logan stayed with us habang di pa natatapos ang gawain ni Morgan. Kami ni Malcolm ang nag aalaga sa bata kapag wala ang kanyang ama. We had fun at nagsilbing practice na rin naman itong pag aalaga kay baby Logan para kapag ang baby naman namin ang lumabas ay di na kami nangangapa.

Isinuot ko ang aking hikaw aa magkabilang tenga habang pinapanood si Malcolm na isinusuot ang kanyang kurbata. The vampire city is finished, at ngayon ay magkakaroon ng piging sa palasyo ng reyna upang ipagdiwang ito. Morgan left earlier that day, ganoon rin  si Clad at Kayla. I didn't know those two had no plans in staying. Ani Clad ay nararapat lamang na tumira sila sa Elysium, ang syudad ng mga bampira, dahil malapit iyon sa kanyang trabaho bilang parte ng konseho.

Naglakad ako papalapit sa kanya upang tulungan siya sa pagsusuot ng kurbata

"What's the matter, baby?" Tanong niya nang mapansin ang walang sigla kong ekspresyon

"Do we really have to go there? You know, si Victoria" I sighed

"Are you scared of her?"

Nag angat ako ng matatalim na tingin sa kanya, "Takot lang akong may gawin siya sa batang nasa sinapupunan ko"

His face contoured with anger, halatang di nagstuhan ang sinabi ko, "I won't let her do that, Astrid. Mamatay muna ako bago siya makalalapit sa iyo at sa anak ko"

I sighed, "Don't say that please. Hindi ka pwedeng mawala, Malcolm"

He smirked, "I won't. Have you forgotten I'm beyond immortal?" Cocky bastard

"Tch! Whatever"

He laughed, "I love you"

Ngumuso ako at tinalikuran siya, "Let's go"

"Astrid" napahinto ako at nilingon siyang muli ng nakataas ang kilay, "You look beautiful...more than ever" he said

Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng magkabilang gilid ng aking labi. Malcolm really knows how to get to me.

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon