Chapter 146

37 2 0
                                    

What's coming

Rocco Ravenscroft

"Ang sinasabi mo ba ay inialay ko ang buhay ko, kaming dalawa ni Eliz, para mailigtas ka?" Nangingiwi niyang tanong

At natatawa akong tumango, "Oo"

Umismid siya, "Bakit ko naman gagawin iyon? Kung si Titania ay maiintidihan ko pa. Mahal ka niya, mahal niyo ang isa't isa. Ngunit ako? Si Alira? Imposible"

"Iyon din ang ipinagtataka ko. Bakit iaalay ni Alira ang kanyang buhay para sa akin?"

Napaisip siya at mukhang may napagtanto. Kumabog ang dibdib ko, eto na ba ang kasagutan sa matagal ko nang itinatanong. Nilingon niya ako at nginisihan

"Hindi iyon ginawa ni Alira para sa'yo. Ginawa niya iyon para sa kanyang tribo. Inialay niya ang kanyang buhay para sa kasaganaan ng kanyang tribo at hindi para sa'yo"

Nagtiim ang bagang ko at kumuyom ang aking mga kamao. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ng babaeng 'to. Hindi iyon ang inaasahan kong marinig na sagot mula sa kasalukuyang katauhan ni Alira.

Humalakhak si Astrid Turner na mas lalong ikinairita ko, "You didn't like my answer" aniya

Umirap ako at nag iwas ng tingin, "I really don't care why Alira did that. It doesn't matter now" at isa pa hindi naman siya si Alira. Magkaiba sila ng pag iisip. Magkaiba sila...

"She loves you" kumabog muli ang aking dibdib at nanlalaki ang matang nilingon siyang muli, "Alira loves you, Rocco. Kaya niya nagawa iyon" aniya saka pinagmasdan ang kawalan,

"Kung tunay na ako si Alira, kung ibabase ko sa ugali ko ang mga ginawa niya, walang pagdududang ginawa niya iyon dahil mahal ka niya. Hindi ko ugali ang magpakabayani. Hindi ko ugali ang magbuwis ng buhay para sa mga taong di ko naman kilala. Pero..." Nilingon niya akong muli at diretsong tinitigan sa mata, "...para sa pag ibig ko, mamamatay ako. Para sa mahal ko magsasakripisyo ako. Kung ako nga si Alira, iyon ang dahilan ko kung bakit inalay ko ang buhay ko...para sa'yo, Rocco" aniya ng di bumibitiw ng titig sa akin

Nalaglag ng bahagya ang aking panga at parang nahihirapan akong makahinga. Kung ganoon ay totoo ngang mahal ako ni Alira? Kaya ba ganoon na lamang ang ikinikilos niya noong mga huling sandali na kami ay nagkasama? Kaya ba nagawa niyang ialay ang sarili niya para ako ay mapalaya at mailigtas na sa unang una pa lang ay dapat hindi niya na ginawa. Hindi na dapat niya iyon ginawa dahil hindi ko naman kailangan iyon. Kaya ko ang sarili ko. Kaya ko ang paghihirap na iyon dahil malakas ako, makapangyarihan.

Napailing ako. Bida-bida talaga ang babaeng iyon kahit kailan

"Rocco, minahal mo ba si Alira?" Hindi ko inasahan ang tanong niyang iyon

Kumurap ako bago tila isang robot na sumagot, "Si Titania ang mahal ko"

Tumango si Astrid at di na nagsalita. Bumaling lamang siyang muli sa libro na kanina niya pa binabasa.

Teka, hindi ba? Si Titania naman ang karelasyon ko noong mga panahon na iyon. Si Titania ang nagpahayag at nagparamdam ng pagmamahal sa akin kay siya ang mahal ko. Si...Titania

Tinitigan ko si Astrid. Siya ba si Alira? Nabubuhay pa kaya sa loob niya ang sutil na iyon? Kahit kaonti ba ay may nabaon sa utak niyang mga alaala namin noon.

Bakit ba sa twing naiisip kong nakalimutan niya ako ay sumisikip ang dibdib ko?

Napangisi ako. Hanggang ngayon ba naman Alira ay ginugulo mo pa rin ang utak ko?

***

Astrid Agatha

Muli akong bumalik sa pagbabasa ng aking libro. Hindi na ako gaanong distracted kay Rocco di tulad kanina. Kahit harap harapan ang panonood niya sa kinikilos ko. Hindi ko na lamang ito pinansin.

Napalingon ako sa pinto ng pumasok roon si Kayla. Bahagya pa siyang natigilan ng makita kung sino ang kasama ko.

Nagkatitigan sila ni Rocco. He smirked.

"Well if it isn't Kayla of the Rivera clan!" He exclaimed too happily. Nangunot ang noo ko lalo na noong di na niya tinaggal pang muli ang titig sa kay Kayla. At base sa mga tingin niyang iyon may alam siyang di namin alam

I wanted to ask what is it but then Kayla spoke.

"Bakit narito ang lalaking iyan?" Ani Kayla at saka naglakad papalapit sa akin

Ngumiwi si Rocco, a bit offended by Kayla's hostility towards him

"Binabantayan ko si Astrid. She's pregnant, can't you see?" Sabay lahad niya sa akin

I frowned at him. Parang kanina lang ay di niya pinagtangkaan ang buhay ng anak ko ah. Ngayon ay nagpapanggap siyang nagmamalasakit

Nilingon ako ni Kayla at inignora ang lalaki sa aming harapan, "Clad ask me to look out for you. He said you'll give birth soon"

Nagulat ako sa sinabi niya at dinungaw ang aking tyan, "Medyo napapadalas nga ang pagkirot" kaya pala

Tumango si Kayla, "Di ka na dapat naiiwang mag isa. Baka kung saan ka abutin ng panganganak delikado kung wala kang kasama"

"Salamat Kayla" ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya iyon bago muling bumaling sa kay Rocco na pinapanood kami

"You should go. We don't need you here" aniya rito

Itinaas ni Rocco ang kanyang kilay saka ngumisi, "You don't need me but I want to be here. At wala kang magagawa roon, witch. Just a little advice Kayla Rivera, you should seriously be more concerned about yourself here. Something big is coming your way"

"Anong ibig mong sabihin?" Kayla and I both said in chorus but Rocco just shrug it off

"We should get you out of here, Astrid" ani Kayla nang hindi tinatanggal ang tingin kay Rocco

Nag aalangan man ay umiling pa rin ako.

"Hayaan mo na siya, Kayla. He's...harmless" Well, sana nga.

Mas ngumisi si Rocco sa sinabi ko. And I kinda want him here too. Katawan pa rin ni Malcolm ang gamit niya, kahit papaano ay napapanatag ang loob ko kapag nakikita ko ang mukha niya.

Bumukas muli ang pinto kaya lahat kami ay bumaling sa isang katulong na sumilip mula roon. Bahagyang lumaki ang mata niya ng dumako ito kay Kayla, "Miss Kayla, magpapatulong po sana kami sa inyo"

Ang mga tagasilbi ng palasyo ay mga tao. Nasa ilalim sila ng kapangyarihan ni Clad. Kapag umalis sila ng Elysium ay hindi nila ito maalala, may pahintulot rin ito ni General Zaragoza kaya ayos lang.

Si Kayla naman ang tinatawag nila kapag may ilang bagay silang gagawin na kinakailangan ng tulong ng isang witch. Hindi ko alam ang mga bagay bagay na iyon pero ang alam ko ay importante iyon.

"Hindi ako pwedeng umalis rito. Walang magbabantay kay Astrid---" hinawakan ko ang braso niya kaya napabaling siya sa akin

Ngumiti ako, "Ayos lang, Kayla. Sige na tulungan mo na sila. Rocco can't harm me"

Kita kita ko ang pag-aalangan niya, "Pero Astrid---"

"Ayos lang. Mas kailangan ka nila roon"

Saglit siyang nag isip ngunit sumuko rin, "Babalik ako agad" aniya at sa huling pagkakataon ay matalim na tinitigan si Rocco bago niya isinara ang pinto

Bumuntong hininga ako

"Masyado kang madaling magtiwala, Astrid Turner" ani Rocco

"Yeah?"

Nagkatitigan kami.

"Those words...Why did you say that to Kayla? Have you seen her future?" Kumabog ang dibdib ko sa posibilidad na iyon. He said something big is happening. Kung ganoon...anong mangyayari? At anong kinalaman ni Kayla rito

"There are things that I'm not allowed to reveal, Astrid Turner. Kahit pa sa'yo" tinuro niya ako

"Kung ganoon ay bakit nagbibigay ka pa ng mga pahiwatig kung di mo rin naman pala sasabihin lahat!"

"Because it's fun that way. Watching all of you worry about what's gonna come"

I gaped at him. Amazed of this bastard. Umiling ako

"Sasabihin ko ito kay Clad" ani ko at tumayo na upang puntahan si Clad.

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon