Lykos
Ang Saphore, Salem, at Lykos ang tatlong bayang bumubuo sa daigdig ng mga supernatural creatures. Saphore, ang bayan ng noo'y mga purong bampira na ngayo'y napasailalim na ng mga tao at hunters limang daang taon na ang nakalilipas. Salem, ang bayan ng mga taong maalam sa mahika at sumpa. At ang huli, ang Lykos, ito ang bayan kung saan naninirahan ang magigiting na mga taong lobo. Mas malawak kumpara sa dalawang bayan at binubuo ng apat na kagubatang pagma-may ari ng apat na pangkat ng mga taong lobo; ang Blood Moon Pack, Crescent Moon Pack, Blue Moon Pack, at ang mga naiwang taong lobo ng Silver Moon Pack, na siyang dating pinamumunuan ng mga Odwolfe bago pa man sila natransport sa Firenze.
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampireBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.