They're back
Kayla Gabrielle
"It was you!" Sigaw ni Malcolm na agad ring kinuwelyuhan ang kapatid. Napaatras ako ng matumba ang lamesa dahil sa walang pasabing pagsugod niya kay Clad.
Agad pumagitna si Morgan sa dalawa. Pilit inilalayo si Malcolm ngunit di niya ito matinag.
"Hindi ko alam na gagamitin iyon ni Victoria. At hindi rin naman natin siguradong siya nga ang kumuha kay Astrid!"
"Eh sino pa ba? You told her Astrid's secret, Karina is in a secret mission of resurrecting pureblood vampires at di siya nag iisa. Siguradong si Kaleb at si Victoria ang kasama niya! You put her life in danger, Clad!"
"Pwede bang kumalma kayo at pag usapan natin ito ng maayos. Malcolm!"
Marahas na binitiwan ni Malcolm si Clad, "If something happens to her, I will kill you, Clad. Mark my words!"
"I'm sorry"
"Ano ba Malcolm, sumusobra ka na. Naiintindihan naming nag aalala ka para kay Astrid pero di naman atang pagtangkaan mo ang buhay ng sarili mong kapatid" I said at nanatiling nakatingin lamang siya sa akin, "What?" Tanong ko ng di ko maintidihan kung bakit ganoon niya na lamang ako titigan
Bumaling siya kay Clad at ngumisi, "Alright, I won't kill my brother" nilingon niya akong muli, "Ikaw na lang ang papatayin ko"
Hindi pa ako nakakapagreact ng maayos ay agad namang sinugod ni Clad si Malcolm. Siya ngayon ang may hawak sa kwelyo nito.
"Don't you dare, Malcolm!"
Malcolm smirked, "Makes me wanna do it more" he taunted kaya nasuntok siya ni Clad
Morgan chanted a spell at sunod na nangyari ay napaluhod ang dalawa sa sahig at nagsisigaw sa sakit.
"Can you act civil now? Hindi niyo ba naiisip na sa bawat minutong sinasayang niyo sa pag aaway ay maaaring nailaan na natin para mahanap at mailigtas si Astrid? Malcolm, if you really wanna save her then think with your head. Wag kang magpadala sa emosyon mo. Sa maniwala ka man o sa hindi ay nag aalala kami para kay Astrid at tulad mo gusto na rin namin siyang mailigtas. That's why we want you to calm down, both of you"
Nagkatinginan ang dalawa at mukhang nakinig naman sa payo ni Morgan, saka sila tumayo.
"Fine" Malcolm mumbled.
Inayos nilang muli ang lamesa upang makapag usap kaming muli ng maayos.
Tumabi sa akin si Clad at sinuguradong malayo ako kay Malcolm. Alam kong kahit di niya sabihin ay dinibdib niya ang pagtatangka ni Malcolm sa buhay ko.
Wala sa sariling inangat ko ang mga kamay ko at hinawakan ang nag uugat niyang braso upang mawala ang tensyon dito. Gulat niya akong tiningnan at kahit ako'y nagulat din sa aking nagawa kaya nag iwas na lamang ako ng tingin at itinuon iyon sa kay Morgan na nangunguna sa usapan.
"Ang pangunahing suspek natin sa pagkawala ni Astrid ay sina Victoria, Karina at Kaleb. At ang sabi nila ay bubuhayin nilang muli ang mga bampira. Ang akala ko ba ay sinunog ng mga hunters ang mga bangkay ng napaslang nilang bampira noong kasagsagan ng pureblood hunt?"
"The main families are smart. Maaring naitago nila ang bangkay sa iilan sa aming kauri kaya hindi sila nagawang sunugin ng mga hunters"
"And where did they hid the bodies? Maaring naroon sila at doon nila itinatago si Astrid" I said, nilingon ako ni Clad
"There's this cave, dad told me it was sacred dahil doon hinihimlay ang mga namayapa ng mga bampira. Only the members of the main families know where it is"
"Then there is no doubt na may kinalaman nga si Victoria rito" ani naman ni Morgan, "We need Olivia and Ezekiel, surely they know where it is"
"Olivia and Ezekiel left, ilang linggo na rin ang nakakalipas. They said they wanted to look for Victoria" Malcolm
"Kung ganoon ay magkakasama sila?" I asked at tiningnan ang tatlo
"Before I went here, nakita ko pa sina Via at Kiel sa Saba. Tulad ng sinabi ni Malcolm ay hinahanap nga nila si Victoria. Kung sa Lykos dinukot ni Victoria si Astrid, malabong may kinalaman ang dalawa pang prodigy rito. Magkabilang dulo ang Saba at Lykos" paliwanag naman ni Clad
Tumango ako, malabao nga iyon. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng marahas na bumukas ang pintuan at pumasok si Vasil. Sa itsura pa lamang niya alam kong may nangyaring di maganda.
"What happened?" Napatayo si Morgan sa pag aalala
"M-massacre" he stuttered, "Sinugod ang isang bayan sa kanlurang bahagi ng Saphore. Lahat ng nakatira roon ay pinatay at...at ng marecover ang kanilang mga bangkay napansin naming drained sila ng dugo. Dad thinks it was no ordinary massacre. He thinks it was a vampire attack" aniya
Nagkatinginan kaming apat, saka bumaling kaming lahat kay Malcolm ng magsalita siya
"Bumalik na nga sila"
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampiroBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.