Chapter 124

41 2 0
                                    

She's safe

Kayla Gabrielle

I focused all my power sa spell na ginagawa ko ngayon. Morgan taught me the spell and I find it very easy. Kaya nga lang...

"Bakit wala pa ring nangyayari?" Naiinip na pahayag ni Malcolm. I've been trying to locate Astrid for the past hour ngunit hindi ko ito magawa. Sobrang dami ng mga lugar na tinuturo ng spell, halatang may nanggugulo nito.

"Someone is interrupting the spell. Kung sino man ang may hawak kay Astrid ay siguradong may kaalyadong malakas na witch" bumaling kaming lahat kay Morgan

"I already checked on the witches of Salem, none of them we're involved in this issue. Liban na lang roon sa Trevor Wang na sinabi niyo. Siya lang ang witch na involve sa sindikato"

"Pero patay na siya" Astrid killed him

"Everything is repeating itself" ani Clad na nasa likuran ko. I blushed. Mula noong sinabi niyang po-protektahan niya ako'y, hindi niya na iniwan ang tabi ko. Para siyang body guard kung makaasta. Sobrang gwapo at kisig na body guard.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Malcolm

"Walang kinalaman ang mga witches ng Salem but for some reasons the enemy has a powerful witch on its side except that they weren't witches but a much higher being"

"The strygx? Ang sinasabi mo ba ay sina Karina ang may pakana ng pagkawala ni Astrid?" Halos di makapaniwalang tanong ni Morgan

Agad binunot ni Malcolm ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at may kung anong dinial roon. Nilagay niya ito sa kanyang tenga at makaraan ang ilang sandali ay itinapon niya iyon

"Karina is not answering!" Sigaw niya at nilingon kami, "Pupuntahan natin sila ngayon din"

Tulad ng nais ni Malcolm, ay nagpunta kami sa mansyon ng mga Lancaster.

I breathe a sigh. Clad is right. Everything is repeating itself. Astrid's gone and now we have to retrieve her, again.

Sinundan ko si Malcolm na nagmamadaling pumasok sa mansyon ng mga Lancaster. Habang sinasabayan naman ni Clad ang bilis ko.

"Karina!" Malcolm called ng tuluyan kaming makapasok

Tiningnan ko ang kabuuan ng mansyon. Napakaganda nito. Dumako ang tingin ko sa babaeng pababa ng hagdan. Napakaganda niya. Para siyang dyosa.

"Alam kong hahanapin mo ako, Malcolm" aniya, lumapit si Malcolm sa kanya at sinalubong siya sa huling baitang ng hagdan.

"Nasaan si Astrid! Ano ang ginawa niyo sa kanya!"

Nakitaan ko ng lungkot ang magandang mukha ng babaeng tinatawag nilang Karina.

"Hindi ko alam na si Astrid ang tinutukoy niya. Pero nakapagdesisyon na kami ni Kaleb, Malcolm. Bubuhayin naming muli ang mga purong bampira. Ibabalik naming muli ang balanse sa mundong ito. This is the realm of the supernatural creatures, at kapag walang bampira walang balanse" paliwanag niya

Nilingon ko si Clad at nakitang mataman niyang pinapanood ang pag uusap ng dalawa.

"I don't understand, Karina! At sinong siya?"

"Hindi na mahalaga iyon. Wag kang mag alala kapag natapos kami ibabalik namin si Astrid sa'yo. Sisiguraduhin kong ligtas at buhay siyang makakabalik sa'yo, Malcolm"

"Tingin mo ba'y makakapaghintay ako!?"

"You have no choice but to wait. Dahil hindi namin pwedeng pakawalan si Astrid hangga't hindi namin nabubuhay'ng muli ang pinakahuling bampirang nahihimlay rito"

"Karina!" Sinubukan hawakan ni Malcolm ang babae ngunit lumagpas lamang siya sa katawan nito, "Bakit di kita mahawakan?" Naguguluhang sabi ni Malcolm

"I'm not really here. This is an illusion. I asked Kaleb to make one for me para makapagpaliwanag ako sa inyo ng maayos. Don't hate me for this, brothers. I'm just doing what I should be doing" bumaling siya kay Clad at muling ibinalik ang tungin kay Malcolm

"Don't worry, Malcolm. I've been making sure that Astrid is safe. Makakaasa kang walang mangyayaring masama sa kanya hanggat nakabantay ako" ani Karina at unti unti siyang naglaho

"Karina! Karina!" Tawag ni Malcolm ngunit huli na. Nawala na si Karina.

Nilingon niya kami. Sa pangalawang pagkakataon, ay nasilayan ko ang frustrated na mukha niya na siyam na buwan na rin ng huli kong makita.

"What the fuck is happening?" He ask, pero tingin ko'y tanong niya iyon sa kanyang sarili.

"I think I know now" ani naman ni Clad, kaya sabay kaming napatingin sa kanya ni Malcolm. Anong ibig niyang sabihin?

***

Karina Lancaster

Huminga ako ng malalim bago binuksan muli ang mga mata. Bumungad sa akin ang aking kapatid na pinapanood ako ng mabuti kanina pa.

"How did it go?" Tanong niya

"He's mad. So mad" naninikip ang dibdib ko tuwing naalala ko ang mukha ni Malcolm. Walang pagdududang mahal niya nga si Astrid.

"Hindi mo naman sinabi sa kanya, hindi ba?"

Umiling ako, "Kapag sasabihin ko sa kanya pipigilan niya lang tayo"

"At sino naman ang pipigil sa atin?" Napalingon kaming dalawa sa bagong dating na si Victoria

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba ay pinangungunahan mo ang mga bampira sa panga-ngaso?" Tanong ko

She smirked, "We already had our fill kaya bumalik kami agad rito. At isa pa kailangan ko pang ituloy ang pagre-ressurect sa mga kauri ko," lumingon siya sa maliit na espasyon at nakita si Astrid Turner na namamahinga sa isang gilid roon. Huminga ako ng malalim

"Hindi pa siya handang muli. Marami ng dugo ang nawala sa kanya, Victoria. Kailangan niya pang magpahinga"

Nilingon ako ni Victoria, at kitang kita ko sa mga mata niyang di niya nagustuhan ang sinabi ko

"She's been sleeping for 14 hours already! At di na ako makapaghintay, tatlong daang bampira pa ang nahihimlay at kailangang buhayin, Karina"

"At bubuhayin natin sila. Pero kung aabusuhin mo ang katawan ni Astrid maaari siyang mamatay at ang tatlong daang bampirang natitirang nahimlay ay di na muli pang mabubuhay"

"You're just so over protective of her"

"Yes, because Malcolm loves her. At hindi ko hahayaang may mangyari masama sa kanya lalo pa't alam kong hindi iyon magugustuhan ng kapatid ko"

"Malcolm is not and should not fall in love with her dahil meron kaming---" nagsalubong ang kilay ko ng di niya tinuloy ang kanyang sinabi at iniba ito, "Basta! Once every vampire has risen, magtatayo akong muli ng panibagong komunidad para sa amin. Isang kaharian na pamumunuan naming dalawa ni Malcolm at mamanahin ng mga anak namin" aniya at umalis na

"What is wrong with that girl?" Tanong ni Kaleb

Nilingon ko siya at nginisihan, "From the looks of it, I think she's obssess with our brother, Kaleb" I said and he shuddered

"That's horrifying"

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon