Elizabeth MariéNaalimpungatan ako sa pagtulog at sa pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko si Morgan sa tabi ng bintana at may dinudungaw sa labas.
"Morgan?" Tawag ko sa kanya, lumingon siya sa akin saka binitawan ang kurtinang pinanghaharang sa bintana.
"Malcolm and Astrid left" he said saka naglakad papalapit sa akin, naupo siya sa kamang kinauupuan ko.
"Umalis?" Pero kanina lang ay kasama ko pa ang babaeng yun dito? Di na kami nakapag usap dahil sa sobrang pagod ay agad rin akong hinila ng antok. Gaano ba ako katagal na nakaidlip?
"You cried" puna ni Morgan sabay palis ng natuyong luha sa aking pisngi, "I'm sorry" he whispered
"No, Morgan" iling ko, "Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo"
Tumahimik kami. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita hanggang sa binasag ito ni Morgan makalipas ang ilang minuto.
"How did it feel?" Nung una ay di ko pa naintindihan ang sinasabi niya pero parang may kutob ako tungkol sa kung saan iyong tanong niya
"It's strong. The mate bond..." I looked at him and found out he's listening intently to me. Humugot ako ng malalim na hininga bago muling nagpatuloy, "My mind's shouting at me to run to him, hug him and kiss him! I almost did but..." Inabot ko ang kanyang kamay at nilagay ito sa aking dibdib, kung saan ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso para sa kanya
"My heart keeps on reminding me that no mate bond could change to whom and for whom it beats, at ikaw pa rin iyon Morgan. Ikaw pa rin ang sinisigaw ng aking puso"
A small smile appeared on his lips. He pulled me into his arms and I didn't mind. I need this. I need him.
"I'm never gonna give you up" he said
Humiwalay siya sa akin at tiningnan ang aking mukha, "Tell me you want this, miss. Tell me you want me and I swear I'll fight for you until death"
"I want you, Morgan" Walang pag aalinlangang sagot ko, "Mahal na mahal kita"
He cupped my cheeks and rested his forehead on mine, "That's all I need to hear. Ang marinig mula sa iyo na gusto mo ito at handa akong magpatuloy kahit saan pa man ito hahantong" aniya
He took me by surprise when he captured my lips in a sweet and gentle kiss. I kissed him back. But his words kept on replaying in my mind. What does he mean by that?
Kapag ba sinabi ko sa kanyang itigil na niya ang pakikipaglaban para sa akin ay ititigil niya nga ito?
At bigla kong naalala iyong kanyang sinabi nung nakaraan
"...Ang sa akin lang kapag ayaw mo, di kita pipilitin"
He pulled away, breatheless. I stared at him in disbelief.
Gagawin niya ba talaga iyon? Hindi niya nga ba ako pipigilan kung sakaling sabihin ko sa kanyang 'tama na'?
Do I even want him to stop?
No! No, of course not! I don't want him to stop fighting for me, loving me. Tama. Wala namang problema dahil kahit kailanman ay hindi ko hihilingin kay Morgan na tumigil sa pagmamahal sa akin. Hindi ako baliw para hilingin sa kanyang sukuan ako.
"I found a way to get rid of Lyall" he said ng makabawi sa kanyang hininga
Nagpintig ang aking tenga at mas naging attentive, "Paano?"
"You have to reject him, Elizabeth. Reject the alpha"
Astrid Agatha
Pasipol sipol si Vasil habang sinasabayan ang tugtugin sa radyo. Kanina ko pa din napapansin ang pagsulyap sulyap niya sa aming dalawa ni Malcolm dito sa likuran ng kanyang sasakyan. Nakakairita!
"May gusto ka bang sabihin ha, Vasil?" Di ko na napigilan ang singhalan siya. Ngumisi siya sa akin at sinulyapan si Malcolm sa aking tabi ng pahapyaw
"LQ?" Panunuya niya
Inirapan ko siya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Walang kwenta naman kasing kausap.
"Maghihiwalay na ba kayo, Astrid? Magbubunyi na ba ako? Ay mali! Si Clad pala dapat yung magbunyi" aniya at ang walang hiya tumawa pa ng pagkalakas lakas
Narinig ko ang pag ubo ni Kayla sa harapan kaya napatingin ako sa kanyang likuran. Ramdam ko din ang paggalaw ni Malcolm sa aking tabi pero di ko siya lilingunin. Magkamatayan man!
"Vasil, gusto mo bang itapon kita palabas nitong sasakyan mo ng di binubuksan ang pinto?" Banta niya
"Oh bakit ako na naman ang napagdiskitahan mo ngayon, Master" tawa ni Vasil, "Kanina si Astrid, ah? Akala ko ba mahal mo, master bakit naman inaaway mo?" Aniya sabay kindat sa akin mula sa salamin. Kahit ayaw ko, di ko mapigilang di mapangiti sa kalokohan ng lalaking ito. Ginagalit niya lang lalo si Malcolm.
"Mahal ko nga, pero antigas kasi ng ulo" walang alinlangan at mukhang frustrated na sabi ni Malcolm sabay naramdaman kong nakatingin na siya sa akin ngayon
Napanguso ako, "Mahal pero pinaglilihiman mo? Anong klase yun?" Irap ko sa kawalan
Narinig ko ang pag "ooh" ni Vasil na nasundan din ng pagtawa niya.
"Hindi ako naglilihim sa'yo. Pinoprotektahan lang kita" giit niya
Gumalaw ako at hinarap siya. Ngayong magkaharap kami, maayos kong nakikita ang emosyon sa kanyang mga mata.
Manigas ka!
"Oo, pinoprotektahan mo ako sa mga bagay na hindi ko alam. That's how you define paglilihim, Malcolm in case you don't know"
"Kaya nga ipapaalam ko na sa'yo ngayon"
"Kung di pa kita nahuli, di mo sasabihin. At kahit sabihin mo pa sa akin ngayon huli ka na. Naglihim ka na at galit na ako"
Natigilan siya sa sinabi ko. At ganun din ako. Una ko siyang tinalikuran at bumalik sa dating posisyon kong nakatanaw sa labas ng bintana at inaaliw ang sarili sa mga ilaw ng posteng nadaraanan namin.
Muli kaming binalot ng katahimikan. At ang awkward sa pakiramdam. Front row sina Kayla at Vasil sa pag aaway naming dalawa ni Malcolm. Huli man ay nakaramdam pa rin ako ng hiya.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong inabot ni Vasil ang stereo at nilakasan ang volume nito to cover up for the awkwardness in the air, maybe
Ilang sandali pa ang lumipas bago kami nakarating sa isang matayog na gate na binabantayan ng ilang armadong lalaki.
Agad nila itong binuksan at pinapasok ang kotse ni Vasil.
"Nasan tayo?" Naguguluhang tanong ko habang tinitingnan ang aking buong paligid.
Nagawi kay Malcolm ang aking paningin at mataman niya akong tinitigan.
"You want to know my secret? This is what I'm hiding"
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
WampiryBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.