Chapter 132

48 2 0
                                    

I'm a Vampire

Malcolm Seph

"Nasan siya?" Tanong ko ng makalapit kina Morgan, si Kayla ang sumagot

"When I tried to locate her, wala nang humarang kanina at parang gusto pang ituro kung nasan si Astrid" she paused, "Nasa mansyon na siya ng mga Lancaster"

Suminghap ako, "I need to go there now" sana nga lang ay maayos siya at ligtas tulad ng ipinangako ni Karina dahil kung hindi ay hindi ko na alam.

"I'll take you there" ani Morgan at nilingon ang dalawang mortal naming kasama, "All of us"

"Ay! Talagang sasama ako. Di ako magpapaiwan dito. Nakita niyo ba yung mga bampira dun sa loob ng kweba? Nakakatakot!" Vasil shuddered at napangiwi na lamang ako sa kaduwagan nito

"Teka, aalis tayo? Pa-pano si Clad?" Ani naman ni Kayla

"Maiiwan siya rito. Kailangan niyang imonitor ang mga bampirang ito, lalo na si Victoria" sagot ko naman

"Kung wala na kayong tanong pa, aalis na tayo" ani Morgan at binigkas ang isang spell na kailanman ay di ko pa naririnig kahit saan.

Sa isang kisapmata nawala sa paningin ko ang matalahib ng labasan ng kweba. Napalitan ito ng mga mamahalin at antigong muwebles na sa bahay ng mga Lancaster ko lamang makikita.

"I'm really getting a hang on this teleportation spell" masayang sabi ni Morgan. Ngumiwi ako at ipinagsawalang bahala ang pagkakabalik ng lakas niya upang magawa ang magic na ito

"Umuna na kayo, Morgan. Iuwi mo na sila" sabi ko sa kanya habang tinitingnan ang bawat sulok ng bahay, hinahanap ang mga may ari nito

"Sigurado ka ba?"

"Oo"

"Sige"

"Master, babalikan kita dito kukunin ko lang yung kotse ko---" aniya ngunit agad ring natigilan ng may mapagtanto, "Ah! Yung kotse ko! Naiwang nakapark roon sa may kweba!"

Ngumisi si Morgan at muling ginawa ang spell hanggang sa naglaho na ang tatlo mula sa aking harapan.

Napalingon ako nang makarinig ng mga yabag na pababa ng hagdan, "Malcolm" rinig ko ang boses ni Karina

"Nasaan siya?" Tanong ko sa kanya

"Sumunod ka" she said at muling pumanhik sa taas

Inakyat ko ang bawat baitang na hagdan upang sundan ang aking kapatid. Iginiya niya ako sa isang napakahaba at napakadilim na hallway. May mga pinto rin akong nadadaanan. Huminto ako ng humito siya sa harap ng isa sa mga pintong naroon.

"Nasa loob siya, nagpapahinga"

"Salamat Karina"

Umiling siya na agad ipinagsalubong ng aking mga kilay, "Wag mo muna akong pasalamatan"

"Anong ibig mong sabihin?" Ngunit imbes na sagutin ako ay binuksan niya ang pinto ng silid at pumasok roon. Sinundan ko siya at nang makitang mapayapang natutulog si Astrid sa gitna ng kama ay nakahinga ako ng maluwag. Sa sinabi ni Karina kanina ay akala ko ay may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kaya ang makita siyang mapayapang natutulog ay lubhang ikinagalak ko.

Nilingon ko ang aking kapatid na tahimik na pinapanood si Astrid. May kung ano sa mga mata niya ang di ko mawari. Di ko maintindihan kung ano ang problema niya. Tinupad naman niya ang usapan naming dalawa ah. Ligtas si Astrid at mukhang maayos naman ang lagay niya. Kung may napapansin man akong pagbabago, iyon ay mas maganda at makintab ang kutis niya. Pulang pula ang kanyang labi at parang buhay na buhay at maayos ang pagkakatikwas ng buhok niya. Sa madali salita mas lalo siyang gumanda sa loob ng ilang araw na di ko siya nakita. Kaya...bakit ganito ang ikinikilos ni Karina?

"She'll wake up soon" she said and turned her gaze at me, "At kapag nagising siya ipainom mo ito sa kanya. Paniguradong hahanapin niya ito" inabot niya sa akin ang isang paper bag at kinuha ko naman iyon nang  may pagtataka

"Nagising na siya kanina at iyan ang hinahanap niya. Umalis si Kaleb upang kumuha pa ng maraming ganyan"

Kunot noo kong binuksan ang nakasilid na paper bag at kinuha ang loob nito. Ng makuha ko ang laman agad nangamoy ang mabango at matamis na aroma ng dugo ng tao.

Isa iyong blood bag

Matalim akong nag angat ng tingin kay Karina, "Anong ibig sabihin nito, Karina!" Sigaw ko, tiningnan niya ako at kitang kita ko sa mata niya ang guilt. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko.

"She's dying. She lost too much blood, Malcolm ayon na rin sa kagustuhan ni Victoria. And I promised you that I'll bring her back to you alive. We have no choice. We have to turn her into a vampire"

Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha, "She doesn't want to be a vampire!"

"And you won't want her dead again, will you? Ginawa ko ang sa tingin ko ang tama, at ang iwasang masaktan ka iyon ang tama para sa amin ni Kaleb, Malcolm. Patawad pero kinailangan namin itong gawin kay Astrid"

"Pumayag ba siya?"

Umiling siya at lihim ako napamura, "Nag aagaw buhay na siya ng isagawa namin ang spell upang maging isa siyang bampira"

Napalingon ako sa gawi ni Astrid ng mapansin ko ang paggalaw niya, "Baby..." Ani ko

At dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata

Bloody red

Ang dating kasing itim ng hating gabi'ng kulay ng mga mata niya ay naging 'sing pula na ngayon ng dugo.

"Why does she have red eyes? Is she thirsty?" Dahil sa aming mga purong bampira ay nagiging pula lamang ang aming mata kapag nauuhaw kami sa dugo ng tao

"She is but that's because she's also an original vampire, turned not because she was bitten or born as a vampire but because she was cursed," sagot ni Karina, "We turned her using our mother's magic spells nang isumpa niya ang mga mamamayan ng Saphore. The original vampires have bloody red eyes at...hindi mo siya pwedeng ilabas sa sinag ng araw, Malcolm dahil masusunog ang balat niya at maari niya itong ikamatay. She's also primal, solely driven by instinct. She has the tendency to kill for blood kaya wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya"

Napapikit akong mariin. She's an original vampire, cursed not bitten or born as. Iba siya sa amin. Kaming mga pureblood vampire ay offspring ng mga original. Kahit pare-parehong puro ang aming dugo gumagawa pa rin ito ng pagkakaiba-iba sa amin. Kaya makalipas ang ilang daang taon simula ng masumpa ang nga orihinal na bampirang may mapupulang mata ay nagsimula ang mga henerasyon ng mga bampirang may iba't ibang kulay ang mga mata. Nagsimula rin kaming maadapt sa sinag ng araw kaya di tulad ng nga original vampires ay kaya naming magbilad sa araw kahit ilang oras pa.

"Malcolm" her sweet, sweet voice reached my ear

"Yes baby?"

"I'm thirsty"

"What do you want? I'll get it for you"

"Kaleb made me drink blood, I want that. I'm craving for blood, Malcolm. I'm...I'm a vampire" kasabay ng pagkasabi niya noon ay ang pagtulo rin ng butil ng kanyang luha

"You're going to be okay, baby. It's okay" niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit kasabay ng pagtatahan ko sa kanya

"There's also one thing you must know, Malcolm" Karina interrupted

Muli akong nagpakawala ng ilang mura sa akin isipan, if there is anything worst than this then I'll really have to kill someone, anyone!

"What!" I spat

"Astrid Turner is pregnant"

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon