Rocco Ravenscroft
Marahas ang pagbagsak ng ulan habang tumatakbo ako sa loob ng kagubatan ng Dryad. Nakita ko na ang kaganapang ito sa aking mga panaginip, ang pagtakas ko mula sa Salem- mula sa malulupit na kamay ng mga witches at ang makakatagpo ko sa kagubatang ito.
Napangisi ako. Sinong mag aakalang mangyayari ngang talaga ang mga panaginip na iyon?
Huminto ako sa sentro at naghintay ng ilang minuto hanggang sa makarinig ako ng yabag kaya nilingon ko ito.
Nanginginig akong tumayo, yakap yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang lalaki. Siya iyong nakita ko rito sa kagubatan ayon na rin sa panaginip ko.
"Sino ka?" Tanong niya, "Hindi ligtas para sa isang batang katulad mo ang manatili rito sa kagubatan"
Hindi pa rin tumitila ang ulan ngunit sa di malamang kadahilanan ay di nababasa ang lalaki. Para bang may proteksyon siya mula rito.
"Sino ka?" Balik kong tanong sa kanya
Ngumiti siya, "Ako si Lukas"
"Ang pangalan ko naman ay Rocco Rocco Ravenscroft nagmula ako sa Salem" pagpapakilala ko sa kanya,
"Ikaw ang anak ng punong babaylan ng Salem, tama ba?"
Umiling ako, "Hindi ako anak ni Raoul Ravenscroft, anak ako ng kanyang asawa...sa isang halimaw. At sa maniwala ka man o sa hindi ay nakita ko na ang tagpong ito, Lukas. Alam kong makikita kita rito ngunit hindi ko maintindihan kung bakit"
Kumunot ang noo niya, "Totoo ba ang iyong sinabi?"
Tumango ako at sumagot ng "Oo" ng di bumibitiw ng titig sa kanya
"Kung ganoon ikaw ay katulad ko" aniya at hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat roon, "Ikaw ay kapatid ko sa ama, Rocco"
Dun pa lamang ako nagulat ng husto, "Anong sinabi mo?"
Naniwala ako kay Lukas. Dahil ramdam kong nagsasabi siya ng totoo. Sumama ako sa kanya. Tinuruan niya akong gumamit ng mahika na kahit kailan ay di pinahintulutan ng kinilala kong ama. Inalagaan niya akong mabuti hanggang sa dumating ang araw na kinailangan niyang umalis
"Rocco, kailangan ko na munang umalis" paalam niya
Natigil ako sa pag-iihaw ng karne ng baboy ramo at napalingon sa kanya
"Bakit? Kuya, iiwan mo ako?"
"May misyon akong kailangang tapusin. Kailangan kong hanapin ang ating ama. Kahit pa gusto kitang isama ay di maari dahil mapanganib ang aking magiging paglakbay"
"Kung ganoon ay saan ako pupunta?"
"May isang tribo, di kalayuan mula rito. Doon ka na muna manatili"
"Paano kung maltratuhin nila akong muli?"
"Mga tao ang bumubuo ng tribong ito, Rocco"
"Tao o isang witch, pare-pareho lamang silang malulupit!"
"May gulang ka na at kaya mo na ang iyong sarili. Hindi habang buhay ay makakasama mo ako, aking kapatid. Kailangan mong mag isa upang mas lalo kang maging maalam, maging matalino at madiskarte. Tayong dalawa ay may kanya kanyang tungkulin. Alamin mo ito at pagyamanin ng mag isa, Rocco"
Gaya ng sinabi ni Lukas, iniwan nga niya ako. Naglakbay akong muli patungo sa sinabi niyang tribo kung saan sinalubong ako ng isang batang babaeng, halos kasing edad ko at may hawak na maliit na espada
"Dayuhan! Anong kailangan mo sa aming tribo" matalim ang titig ko ng mag angat ako ng tingin sa kanya. Itinulak niya ako sa lupa at ipinahinga ang isang paa sa aking dibdib upang di ako makabangon
"Isa siyang musmos! Marumi! Magnanakaw iyan, Alira!" Sigaw ng dalawang batang lalaking kasama niya
"Pagnanakawan mo kami!" Halos di makapaniwala niyang sabi, di pa ako nakakapagsalita ay pinagsisipa na ako ng tatlo bata
"Hindi kita hahayaan! Masama ka!" Aniya ay pinagpatuloy ang pananakit sa akin
Tinuruan ako ni Lukas ng mahika, sapat upang ipagtanggol ang aking sarili ngunit kung gagamitin ko iyon sa tatlong ito tiyak iiyak ang mga 'to at magsusumbong. Baka mas lalong di ako tanggapin ng tribong ito at kailangan ko ng mapaglalagian hanggang sa bumalik si Lukas kaya titiisin ko na lamang ang pananakit nila. Kumapara sa naranasan ko sa Salem, walang wala ang mga ito.
"Alira!" Isang na namang boses ng batang babae ang narinig kong paparating, "Anong ginagawa niyo? Bakit niyo siya sinasaktan?" Isa isa niyang itinulak ang tatlong bata palayo sa akin. Saka niya ako tinulungang makatayo
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya
Hinila siya ng batang ang pangalan ay Alira, "Wag kang lalapit sa kanya, Titania. Masama siyang tao" aniya na sinang ayunan ng dalawang kasama niya
Tinitigan akong mabuti ni Titania, "Hindi siya masama" aniya at inilahad ang kanyang kamay, "Halika. Ipapakilala kita sa aking ama" tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan niya ako papasok ng kanilang tribo
Nagtanong tanong siya ng mga bagay patungkol sa akin at sinagot ko ito ng tapat at totoo. Ipinakilala niya ako sa kanyang ama, na napag alamanan kong pinuno ng kanilang tribo. Tinanggap ako ng pinuno ngunit kailangan akong maglingkod sa kanila.
"Rocco, ipapakilala kita kay Alira" sabi ni Titania isang araw habang nagsisibak ako ng kahoy
Nakasunod sa kanya ang sutil na batang si Alira, bakas sa mukha niya na napipilitan lamang siya.
"Rocco, ito si Alira. Anak ng punong mandirigma ng tribo. Paglaki niya ay gusto niya ring maging katulad ng kanyang ama, hindi ba Alira?" Nilingon niya si Alira at nang makita ang mukha nito ay agad pinagsabihan, "Umayos ka nga Alira. Baka nakakalimtan mo ang kasalanang nagawa mo kay Rocco nung unang araw niya rito?"
Hindi alam ni Titania na hindi iyon ang una at huling beses na pinagmalupitan ako ni Alira at ng ibang bata. Araw araw ay inaabangan nila ako para kutyain at kung anu-ano pang pwede nilang gawin sa akin sa pangunguna ni Alira. Hindi nakikialam ang mga matatanda akala nila ay laro namin iyong mga bata.
Umirap si Alira, "Ayokong makipagkaibigan sa mga panget na katulad niya!" Aniya at mabilis na tumakbo palayo
Napangisi ako. Ikaw ang panget, sutil na bata.
Nilingon ako ni Titania, "Pasenya ka na sa kanya, Rocco. Hindi naman siya ganoon. Mabait si Alira, pangako. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit labis ang pagkamuhi niya sa iyo"
Tinitigan ko ang mukha ni Titania na halatang problemado sa katigasan ng uli ng kaibigan niya, "Ayos lang, Titania. Huwag mo na lamang pilitin si Alira kung ayaw niya"
Tumango siya at wala nang nagawa pa, "Oo sige. Paano? Mauuna na ako" aniya at umalis
Lumipas ang taon na tanging si Titania lamang ang may maayos na pakikitungo sa akin. Dahil doon nahulog ang loob ko sa kanya, ganoon din siya at sinimulan namin ang lihim na pag iibigan naming dalawa.
Natupad ang pangarap ni Alira, lumaki siyang isa sa pinakamagigiting na mandirigma ng tribo. Pinagmasdan ko siya sa hanay ng mga mandirigma. Naghihiwayan ang lahat sa kanilang pagbabalik mula sa isang pakikipaglaban na naipanalo nila. Nagtama ang aming mata at walang pag aalinlangan inirapan niya ako. Hanggang ngayon ay mainit ang dugo niya sa akin. Napailing na lamang ako.
Umalis ako sa kumpol ng mga tao at dumiretso sa batis kung saan lihim kaming nagtatagpo ni Titania.
"Titania!" Sigaw ko nang makita siya roon. Nilingon niya ako at di ko mapigilan ang aking sariling di mabighani sa kanyang ganda.
"Hindi tayo pwedeng magtagal. Hahanapin ako ni ama kapag nagsimula ang piging para sa tagumpay ng mga mandirigma" aniya
Tulad ng sinabi niya ay saglit lamang ang pagkikita naming iyon. Nagkuwentuhan lang kami at agad siyang nagpaalam na aalis.
"Magkita na lamang tayong muli dito mamayang gabi. Hintayin mo ako" aniya at mabilis akong hinalikan sa labi saka siya tumakbo pabalik sa tribo.
Napangiti ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampireBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.