Chapter 155

32 2 0
                                    

Malcolm Seph

"Pigilan mo siya, Malcolm!" Natatarantang utos ni Lukas sa akin

Humakbang ako upang pigilan ang aking kapatid ngunit di ko magawang makalapit sa kanya kaya sinigaw ko na lamang ng paulit ulit ang kanyang pangalan

"Clad!"

Ngunit naging bingi siya sa mga pagtawag ko. Patuloy na nagpupumiglas ang dragon hanggang sa tumahimik ito bigla at parang estatwang nakaharap kay Clad

"Hindi!" Sigaw ni Lukas mula sa aking likuran

Sa sigaw na iyon ni Lukas alam kong nasa kontrol na ni Clad ang Draēko.

Nahulog si Clad sa kanyang mga tuhod hanggang sa hindi na nakayanan ng kanyang katawan at tuluyan nga itong bumagsak sa lupa.

Mabilis ang naging pagsaklolo ko sa kanyang tabi. Dilat at walang kulay ang mga nagdurugo niyang mata

Halos di ko kaya lapitan o hawakan si Clad. Hindi ko kaya...

"Clad Alexander Bloodworth!" Sigaw ko. Nagagalit ako sa ginawa niya ngunit mas nangingibabaw ang aking pag aalala.

He used his ability too much!

I stared at my brother at agaran kong naramdaman ang paglisan ng aking lakas. Hindi...hindi ito maari!

"Clad?"

Bumagsak ako sa tabi ng katawan ng aking kapatid.

Pinalis ko ang aking luha at chineck ang kanyang pulso. May pulso pa siya ngunit mahina ito.

Hinagkan ko ang kanyang ulo sa aking mga bisig

"Lumaban ka, Clad! P utangina! Wag kang susuko!" Paulit ulit na sambit ko habang pilit na ginagamot siya gamit ang kapangyarihan ko

Damnit! Ayaw pa ring gumaling ng mga sugat niya.

Naubo si Clad at bumalik ang malay niya ngunit di na bumalik sa dati ang kulay ng mga mata niya

"Clad!"

Mahigpit niyang hinawakan ang aking damit, "Malcolm, you have to kill the dragon. It's the only way to make sure that Kayla will be safe"

Tumango ako, "Oo, papatayin ko ang dragon, Clad. Maliligtas si Kayla"

At this moment kahit anong hihilingin bg kapatid ko ay gaawin ko lumaban lang siya!

Pero hindi, I can feel it. He's fading kaya hindi ko mapigilan ang panginginig, ang pag iyak. Lalo na noong ngumiti siya sa akin, "Thank you" aniya

His face was tainted with blood. Parehong nanggaling sa kanyang mga mata at sa bibig. Umabot na rin sa kanyang braso at leeg ang lason na natamo niya mula sa direktang atake kanina ng dragon.

Tinapik ko ang kanyang pisngi

"Clad?"

His eyes were half closed. Pumikit ako ng mariin at mas humigpit ang yakap sa kanyang katawan

"Clad! Clad gumising ka! I need to know that you're still alive. Come on, kuya" halos magmakaawa na ako, sumagot lang siya

Pilit ko mang pigilan ngunit nakakatakas pa rin ang mga hikbi mula sa aking bibig

Itinaas ko ang aking kamay at tuluyang sinara ang kanyang mga mata. Saka ko ibinaon ang aking ulo sa kanyang leeg

"Clad!" Sigaw ko,

"Kuya!" Hagulhol ko

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya tatawaging kuya mula noong naglaho si mama. Sabi ko sa sarili ko na kailangan kong magtanda dahil hindi habang buhay ay aasa ako sa kanya.

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon