Chapter 154

32 2 0
                                    

Checkmate

Clad Alexander

"Rocco!" Pagalit na sigaw ni Lukas mula sa itaas

Tumayo ang aking kapatid at sumigaw pabalik sa kay Lukas, "Nope! Not Rocco!" Sabi niya rito at saka niya ako nilingon,

"You look pathetic, Clad" aniya at saka inabot ang kamay ko. Ngayon ay pareho kaming nakatayo na sa nguso ng dragon na halatang naiinis dahil doon.

It opened its mouth again pero bago pa siyang makapagbuga ng apoy ay tumalon na kami ni Malcolm papasok sa pinakamalapit na bukas na bintana ng tore.

When we got inside the tower saktong nawasak ang pader sa aming likuran. Some of its debris hit us pero maagap kaming nakatayo at tumakbo papasok pa sa loob habang sunod sunod na pinatatamaan ng dragon ang tore kung san kami naroon.

"Kailangan nating makaalis sa toreng ito. Kapag nagpatuloy pa ang pag atake rito ng dragon ay guguho ito at kasama tayo roon, Clad" ani Malcolm na siyang nauuna sa paglalakad

Bumagal ang paglakad ko ng maramdaman ang sakit mula sa aking tyan kung saan ako tinamaan kanina ng dragon

"What's wrong?" Nag aalalang tanong ng aking kapatid na binabalikan ang mga hakbang pabalik sa akin

Hinawi ko ang aking coat at doon tumambad ang pinsalang natamo ko mula sa direktang atake ng dragon sa akin kanina bago pa ako mahulog mula sa rooftop

Malcolm cursed when he saw my wound

Tinakpan ko itong muli at nagpatuloy sa paglalakad

Tulad nga ng sinabi niya kailangan naming makaalis mula rito

"The dragon hit me bad" I chuckled to lighten the mood

"Let me heal it, Clad" pigil niya sa akin

Umiling ako, "We have to get upstairs. Kailangan kong masakyan ang dragon. Ikaw naman ang bahala kay Lukas"

"Anong plano mo?" He asked

"Aagawin ko ang kontrol ni Lukas mula sa Draēko"

That was my initial plan. And I'm sticking to that plan. I will use all my power to gain the control over that dragon

"What about your wound, Clad?"

"Well, it'll just heal itself" I guess

We went back to the tallest tower ngunit wala na kaming naabutan roon. Hinanap ko ang dragon sa himpapawid ngunit wala ito

"Nasaan sila?" Tanong ni Malcolm and as if on cue may sumabog malapit sa amin

It was Draēko. On its back is Lukas Lancaster

Nagbuga pa ng apoy ang dragon kaya todo iwas kami ni Malcolm. Ngunit naramdaman kong muli ang hapdi mula sa aking sugat kaya bumagal ang kilos ko at muntik ng maabutan ng pagsabog mabuti na lamang at agad akong nasaklolohan ni Malcolm.

Nagtago kaming muli sa ilalim ng mga statwang naroon sa itaas ng tore

"Sabi ko naman sa'yo kailangan nating paghilumin muna ang sugat mo" aniya sabay hawi ng damit ko upang makita ang sugat na kumalat na hanggang sa dibdib ko

Malcolm tried to heal it but it was no use. He tried and tried again but the wound won't heal. Nagpakawala siya ng ilang mura ng mawalan ng pasensya dahil hindi gumagana ang ability niya sa sugat ko

Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya.

"Tama na, Malcolm" sabi ko sa aking kapatid

Namumula ang mga mata niyang nakatitig sa akin

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon