Sacred Cave
Olivia Hartford
I nearly screamed when I saw how two vampires bit Karina Lancaster's neck mabuti na lamang at agad tinakpan ni Ezekiel ang aking bibig.
"Shh!" He said at dahan dahan kaming umatras at tumakbo gamit ang aming kakaibang bilis upang makalayo sa kweba.
Nang masiguro naming malayo na kami ay nagsalita na ako
"Paano ito nagawa ni Victoria?" Ani ko habang iniiwasan ang mga punongkahoy
"She wants revenge, Via. We wanted that too, remember?"
"Pero hindi ito tama"
"What's not right Via is that, malaki ang utang na loob ng mga bampirang binuhay ni Victoria sa kanya. The main families are doomed! Wala na silang ibang susundin kundi siya lamang. We no longer hold the power to control those vampires. They will only listen to Victoria"
"We need the Bloodworth brothers. They can fix this"
Huminto si Kiel sa pagtakbo at tumango, "Tama ka" he said at saka nilingon ang gawi ng kweba na ngayn ay natatakpan na ng mga punongkahoy, "Sana nga lang ay di mahuli ang lahat. Halika na, Olivia!"
Tumakbo kaming muli patungo sa syudad, patungo sa mansyon ng mga Bloodworth.
***
Malcolm Seph
"Tahimik ka" puna ni Morgan saka niya ako inabutan ng isang baso ng alak.
Tinanggap ko ito at muling napaisip, "May inaalala lang" kailangan kong maalala kung nasan iyon.
Naalala ko nung maliit pa ako ay napadpad ako sa kailaliman ng kagubatan sa isang bahagi ng Saphore. Sa dulo ay may isang bundok at sa ilalim nito ay may isang kweba. Papasukin ko sana iyon ngunit nahanap na ako ng aking ama.
"Malcolm!"
Napahinto ako sa aking mga hakbang at nilingon siyang humahangos na tumatakbo papalapit sa akin
Agad niya akong kinarga palayo sa kweba. Takang taka ako kung bakit niya iyon ginawa
"Bakit mo ako inilayo roon, ama?"
Dinungaw niya ako ng may pangamba sa mukha
"Di ka dapat tumapak sa kwebang iyon. Tanging ang miyembro lamang ng main families ang maaring pumasok roon, Malcolm"
Mas lalong nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Mas lalo akong nagtataka sa kung anong maaring naroon sa loob ng kweba.
"Bakit di pwede?" Hindi na sumagot ang aking ama. Bagkus ay nginitian na lamang niya ako at sinabing naghihintay na ang aking ina at kapatid sa bahay.
Sa tagal noon ay hindi ko na iyon nabalikan pa
Hindi ko alam kung nagkataon lamang ba o sadyang ang kwebang natagpuan ko noong ako'y bata pa ay ang siya ring sagradong kweba tanging mga miyembro lamang ng main families ang nakakaalam. Kaya kailangan kong maalala kung saan matatagpuan ang kwebang iyon, maaring naroon si Astrid. Kailangan ko siyang iligtas.
Naputol ang linya ng aking pag iisip ng muling magsalita si Morgan sa aking tabi.
"Inaalala mo ba ang masasayang niyong araw ni Astrid" pag aasar niya
Madilim ko siyang tiningnan pero may naisip akong mas makakapag-aasar pa sa kanya, "Ako dapat ang magtanong sa inyo sa iyo niyan, Morgan. Kamusta naman ang pag alala mo sa masasayang alaala niyo ni Elizabeth Taylor?"
Kumuyom ang kanyang panga habang nanunuyang itinaas ko ang aking mga kilay. Nanghahamon ang mga tingin niya kaya hindi ko napansin ng itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak ng basong may lamang alak at ibinuhos iyo sa aking ulo.
Napamura't napatayo ako ng dumampi sa balat ko ang malamig na inumin, "What the fuck, Morgan!" Sigaw ko sa kanyang ng humakbang siya paalis pero agad ring bumalik. Sinundan ko ng tingin ang kilos niya at muli ay nahuli ang reaksyon ko bg ibinuhos niya ang lahat ng laman ng alak sa aking ulo. At saka siya tuluyang umalis
Napapikit ako ng mariin. Tangna! Siya itong umuna tapos siya itong mapipikon sa huli! Gago!
Pumanhik ako sa itaas at naabutan ang witch na may kung anong binabasa sa kanyang spell book at ang aking kapatid na nasa kanyang tabi, pinapanood siya.
Clad felt my presence kaya agad niya akong nilingon. Nang makita ako'y agad nagkasalubong ang kanyang kilay, "What happened to you?" Tanong niyang nakapagpaangat din ng tingin ni Kayla sa akin
I don't understand this girl, really. She hates us but she would also help us. Pero kahit ano pa man kami rin naman ang nakikinabang.
And my brother is a sadist. I smirked. She's giving her false hopes kung ganyang siya kalapit sa babaeng iyan.
"Morgan" ani ko at umalis na sa kanilang harapan upang makapaglinis ng katawan.
Nang matapos ay agad rin akong bumaba at naabutang naroon sina Olivia at Ezekiel sa tanggapan. Nanlaki ang mata ko ng makita sila at dali-daling nilapitan si ang babaeng prodigy
"Nasan si Victoria!" Inalis ni Ezekiel ang pagkakahawak ko sa mga braso ni Olivia at inilayo ako ng bahagya mula sa dalaga
"Calm down, Malcolm. Narito kami para sabihin sa inyo kung nasan si Victoria at para humingi na rin ng tulong" aniya at tiningnan kaming lahat na naroon.
Ikinuyom ko ang aking kamay dahil alam ko, sa itsurang iyon ni Ezekiel at ni Olivia, hindi kaaya-aya ang kanilang mga sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampirBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.