Only this
Karina Lancaster
I held Astrid Turner in my arms. Mahinang mahina na siya at maputlang maputla. Ang bruhang si Victoria ay sinagad ang katawan niya upang buhayin ang lahat ng mga bampira. Wala siyang pakialam kung mamamatay man si Astrid o hindi.
"Astrid, Astrid" I tried to wake her up at medyo nakakahinga ako ng maluwag dahil may malay pa naman siya kahit papaano.
Bumukas ang isa pang hawla sa tabi ng hawla namin ni Astrid at nakita ko ang kapatid ko roon na ipinasok ng dalawang bampira.
"Kaleb! Ayos ka lang ba?" Kahit gusto kong lapitan si Kaleb ay hindi maaari dahil magkaiba kami ng hawla at di ko siya maabot sa mga rehas na naghihiwalay sa aming dalawa. At isa pa hawak ko si Astrid.
"Malcolm will kill us" aniya ng makita ang babae sa bisig ko
"Hinang hina na siya Kaleb. Anong gagawin natin? Kung magpapatuloy ito mamamatay siya" at kapag nangyari iyon maaring magdilang anghel ang aking kapatid at patayin nga kaming talaga ni Malcolm.
Huminga ng malalim si Kaleb at nag isip. Saka ko napansin ang kagat sa kanyang braso.
"Who bit you!"
"A vampire. Iniutos ni Victoria" nilingon niya ang marka ng pagkakakagat, "She made sure I won't be able to use my magic after I finish performing the resurrection spell. Pinaparalisa ako ng kagat na ito, Karina. At tantya ko ay ilang minuto lamang ay kakalat ito sa buong katawan ko kaya di ako makakagawa ng spell ng tuluyan"
"Panghabambuhay ba ang epekto ng kagat na iyan?"
"Hindi ilang oras lang pero kapag wala akong magic sa loob ng ilang oras na iyon, maaring may hindi magandang mangyari sa ating tatlo" sabay tingin niya sa kay Astrid na hawak ko bumaling muli siya sa akin at sinabi ang kanyang plano, "Kaya makinig ka Karina, ibabalik ko sa'yo ang magic mo"
Sa linya niya palang na iyon ay pumalag na ako
"Nababaliw ka ba? Ang magic ko ang bumubuhay sa'yo Kaleb"
"Hindi lahat, kaonti lang," aniya, "Gamitin mo iyon para makatakas tayo rito" inilahad niya ang kanyang kamay, tinitigan ko muna itong mabuti saka dahan dahang inabot
Nagkatinginan kaming magkapatid at saka ako tumango. Tumango rin si Kaleb sinimulan ang spell
"Drān revertere!"
Isang pamilyar na init ang dumaloy sa aking katawan mula kay Kaleb. Pamilyar na pamilyar ito sa akin dahil ito ang magic ko.
Bumitaw si Kaleb at humahangos ng napaatras. Walang pag aalinlangang kinuha kong muli ang kamay niya kasabay ng paghigpit ng pagkakayakap ko kay Astrid. Kailangan naming tumakas agad rito upang maibalik ko ang magic ko sa katawan ni Kaleb.
"Gān!" Unti unti kaming naglaho, nang buksan kong muli ang aking mata ay nasa loob na kami ng aming mansyon.
I used a protection spell around the house at nang matapos ay nilapitan ko ang aking kapatid.
"I'll heal you first" I said. I concentrated my magic on my palm at idinikit ito sa kanyang dibdib, "Beōn hælan"
Nagliwanag ang aking palad at kasabay noon ang paglaho ng maitim na lason na kumakalat sa katawan ni Kaleb. Magaling na siya ngunit humahangos pa rin dahil kailangan niya na ng aking mahika o kung hindi ay hindi siya bubuti ng tuluyan.
"Salamat" aniya
Tumango ako at muling pumikit, binigkas ko ang mga salita ng maayos at maingat upang maibalik ito sa katawan niya.
Pagkadilat ko ay tuluyan ng naging maayos si Kaleb. Napangiti ako dahil roon.
"Salamat, Karina" aniya at saka lumagpas ang paningin niya sa aking likuran, "Karina!" Nababahala niyang tawag kaya't napalingon na rin ako
"Hindi" I whispered at agad lumapit sa kay Astrid, kaming dalawa ni Kaleb.
"Hindi ito maganda" ani ng aking kapatid ng makita namin ang lagay ni Astrid
"Hindi natin siya pwedeng hayaang mamatay, Kaleb. Nangako ako kay Malcolm na ligtas kong ibabalik si Astrid sa kanya"
"Imposibleng makaligtas pa siya Karina. Maraming dugo na ang nawala sa katawan niya. Tao lamang siya" umiling siya at bahagyang umatras, "Wala na siyang pag asa"
"Tumitibok pa ang puso niya. May paraan pa, Kaleb" pagpupumilit ko
Huminga siya ng malalim at sinalubong ang titig ko, "Isa lang ang naiisip kong paraan"
Tumango ako at sumang ayon, "Isa lang ring paraan ang naiisip ko upang mailigtas natin siya"
"Ngunit hindi natin sigurado ang mahikang iyon" ani ng aking kapatid na nababahala pa rin.
Naiintindihan ko siya. Kailanman ay di pa namin nasubukan ang mahikang iyon. Ang mahikang natutunan namin mula sa aming ina. Ngunit kailangan pa rin naming subukan dahil...
"Masasaktan si Malcolm kapag hinayaan nating ganito ang babaeng pinakamamahal niya"
Nagkatitigan kami ng mabuti ni Kaleb. Alam ko, sa nakikitang niyang determinasyon sa aking mga mata ay papayag siyang gawin namin ang mahikang iyon kahit di sigurado
Tumango siya, "Hawakan mong muli ang aking mga kamay, Karina. Channel your magic from my body para magamit mo ito. Ito lang ang tanging paraan"
Tumango ako. Ito lang.
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampireBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.