Chapter 135

44 2 0
                                    

Astrid Agatha

Sinamahan ko si Kayla sa magiging silid niya habang nag uusap ang magkapatid sa ibaba

"Okay na ba sa'yo ito Kayla? Tingin ko kailangan nating magdagdag ng ilang gamit rito" sabi ko habang tumitingin tingin sa paligid

Nang di siya sumagot ay bumaling ako sa kanya at nakitang nakatingin lamang siya sa akin.

"Kayla?" I asked at nagulat ako ng bigla siya umiyak at yumakap sa akin

"Astrid, I'm sorry! I'm sorry sa lahat ng ginawa ko. Patawarin mo ako!" Hagulgol niya

Ngumiti ako at hinimas ang likuran niya, "It's okay, Kayla. You were hurt. Naintindihan kita"

Suminghot siya at lumayo ng kaonti para maharap ako, "Hindi ka galit? I almost killed you"

"But you didn't. At narito ka, humihingi ng tawad sa ginawa mo. And it's enough reason for me to forgive you"

"Are you a saint?" She kid at natawa ako

Kayla and I spent an hour or so para mas maging komportable siya sa silid na iyon. Nagtatanong rin siya tungkol sa pagbubuntis ko. At sa t'wing kinukwento ko sa kanya kung paanong sunod-sunuran sa lahat ng gusto ko si Malcolm ay sobrang lakas ng tawanan naming dalawa.

Having her here brings back memories. Memories with Elizabeth. Hindi ko pa rin makalimutan kung paanong umiyak ako ng sobra ng malaman kong umalis na siya. Tanda kong galit na galit ako kay Morgan noon dahil hinayaan niyang umalis si Eliz. Argh! Blame my hormones.

Bumaba kami ni Kayla ng nagtatawanan pa rin. Nagpunta kaming kusina kung saan naroon ang magkapatid na naghahain ng pagkain. I don't really need food ngayong isa na akong bampira pero iba pa rin kapag nakasanayan na.

Sinalubong agad ako ni Malcolm ng makita niya ako. Sinipat ko ang mga nakahain sa mesa at agad nagpasalamat, "Buti naman at narito si Clad para ipagluto tayo. Malcolm doesn't know how to cook! Kahit pag iinit ng tubig" I said

At nagtawanan kaming lahat, "I don't see the need to learn how to cook, I'm a vampire" depensa niya

"I'm a vampire but I can cook" ani naman ni Clad

Kaya naman nilingon ko si Malcolm at nginisihan. Ngumisi lang rin siya sa akin.

Iginiya niya ako paupo sa hapag. Natatakam ako sa mga pagkaing nakahain.

"Before I forget, nasan nga pala si Morgan?"

Naagaw agad ni Clad ang atensyon ko sa tanong niyang iyon. Tumikhim ako bago siya sinagot, "When he learned about my pregnancy, he concluded that maybe Eliz is too, after all we're the twins of fate. Ever since he left to check on Eliz in Lykos, ay di na siya bumalik"

"Is she?" Nilingon ko si Kayla, "Pregnant, I mean"

"We think so" ani Malcolm, "If Elizabeth Taylor is not pregnant, dapat ay narito na si Morgan. That or may be ay hindi niya pa rin kayang layuan si Eliz"

Wala nang nagsalita hanggang sa napagpasyahan naming simulan na ang pagkain.

I was waiting for Malcolm to finish doing the dishes when Clad approached me. Nasa living room ako at nanonood ng tv ng tumabi siya.

He smiled at me, and I smiled back. I'm happy to see that he's okay now.

"How are you? How's the baby?" He inquired

"I'm fine. We're fine, Clad" dinungaw ko ang aking tiyan, "Baby, this is your tito Clad" ani ko sabay himas nito

Natawa si Clad kaya nilingon ko siya, "You're adorable" aniya

"Ikaw, kamusta ka? Kayo ni Kayla?" Panunuya ko sa kanya

Nagkasalubong naman ang kilay niya, "What about me and Kayla? Guardian niya lamang ako, Astrid"

I pouted, "Guardian!?"

Tumango siya, "She's an orphan and I'm her guardian. Parent? Foster father?"

"What the hell, Clad Bloodworth? Iyan lang ang relasyon niyo?"

He blinked at me while I gaped at him. Unbelievable!

"May iba pa ba dapat?" He asked

Napasapo ako sa aking noo, "Wala ba dapat?" I asked

"You're kind of confusing me. Ano ba dapat?" Aniya sabay kalot sa likod ng kanyang batok

"Dapat ay lumayo layo ka ng konti sa asawa ko, Clad. Asawa ko yan" nilingon namin si Malcolm. Tapos na ata siyang maghugas ng plato

Umurong si Clad palayo sa akin. Agad namang naupo si Malcolm sa pagitan naming dalawa. Kita mo 'to

"I'm not doing anything" depensa ni Clad

"At di ko hihintaying may gawin ka pa kaya dumistansya ka. Kita mong pinakasalan ko na't buntis, lalapit lapit ka pa"

"Ano ba, Malcolm nakakahiya kay Clad"

Matalim niya akong nilingon. Akmang pagsasabihan ako ng bumukas ang pinto. Laglag panga kami ng makita ang pumasok mula roon

"Nandito na pala kayong lahat" aniya na parang wala lang

"Morgan!" At may dala siyang baby? Kaninong anak yan?

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon