Chapter 153

32 2 0
                                    

Clad Alexander

I stood in the rooftop of the tallest tower of the castle, holding a glass of scotch, while waiting for the Draēko to arrive.

And arrive he did. With an explosion.

Nanliliit ang mga mata kong tiningnan ang pinsala ng binugang apoy ng dragon. Isa sa mga tore ang gumuho. Ganoon ito kalakas

Mabuti na lamang at maagang kong pinalikas ang mga bampira dahil kung hindi ay tiyak na marami ang babawian ng buhay sa labanang ito.

"This is not Salem!" Nilingon ko ang dragon na lumilipad sa harap ko nagtataka kung paanong nakapagsalita ito

Saka ko napansin ang lalaking nakasakay sa malapad at makaliskis na likuran nito. Agad nagsalubong ang kilay ko. Sino ang lalaking iyon?

"Why did you come here stupid beast! Hindi ito ang Salem!" Galit na galit ang lalaki habang ang dragon ay matamang nakatitig sa akin

Nang makitang wala sa kanya ang atensyon ng dragon ay saka lamang ako napansin ng lalaki

"Sino ka?" Tanong niya

Kung ilalarawan, matikas at matipuno ang pangangatawan ng lalaking iyon. May balbas siya't mahaba ang kanyang buhok na itinali niya sa kanyang likod. Mukhang ilang taon lamang ang tanda niya sa akin kung pagbabasehan ang itsura namin.

Ngunit isa ang nangingibabaw sa lahat ng kanyang katangian. He has the air of a powerful man na nararamdaman ko lamang sa iilang tao; ang mga magulang ko, mga kapatid ko, si Morgan at sa kay Rocco.

Is he the Draēko?

"I am the king of this city. My name is Clad Alexander Bloodworth, the vampire king of Elysium"

Humalakhak ang lalaki saka ito bumaba mula sa dragon patungo sa aking harapan.

"King of the vampires! Klea's son is hailed king of the vampires? Pathetic!" He insulted

A clear hate towards my kind, hindi nauubos ang taong tulad niya ano?

I chose not to dwell on his words at ignorahin na lamang ito, "Tell me, are you the Draēko?" With that he laugh even more

I'm pissed but I'm trying not to show it

"Son, I am not the Draēko. That's the Draēko" turo niya sa dragong naroon pa rin at lumilipad sa aming gilid

Kung ganoon ay tama ang naunang assumption ko, ang dragong ito ang Draēko. Pero sino ang lalaki ito?

"Kung ganoon sino ka? At bakit napapasunod mo ang Draēko"

Hindi ko alam na may kumokontrol pala sa great mystical creature na tulad ng Draēko.

"I'm the Draēko's first born. My name is Lukas Lancaster. Don't you remember me, Clad Bloodworth? Nagtama ang mata natin noong araw na kinuha ko sa inyo ang inyong ina" he smirked

Tama siya. Naalala ko na ngayon ang lalaking sumira sa aming pamilya. My patience slipped at akmang susugurin ko siya but then the Draēko growled. Natigil ako sa aking mga hakbang. Mas lalo namang lumaki ang ngisi ni Lukas

"Tulad nga ng sinabi mo Clad Bloodworth, I control the Draēko. Ramdam niya kapag nasa panganib ako at agad siyang kikilos upang protektahan ako at sugpuin ang panganib na iyon. So I advice you think twice before you move to threaten my life" he said

I hate to admit it but he is right. Hindi ako basta basta makakakilos lalo na't ang Draēko at si Lukas ang kalaban ko.

Tumayo ako ng matuwid at bumalik sa kaninag kintatayuan ko. Kinuha ko ang bote ng alak at nagsalin sa kaninang baso ko

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon