Unang KabanataAYY's P.O.V
Ngayon ang first day of school ko bilang fourth year highschool dito sa Mata Lino High School o MLHS. Hindi ko nga inaasahan na makakarating ako ng ganito kasi pinahirapan pa ako ng teacher ko noong third year highschool ako.Ibinagsak niya kasi ako sa math. Pero dahil sabi ni Isang, ang aking mahal na kapatid, "never say die" daw. Ang gulo niya diba? Hindi naman ako namatay eh. Kaya ang ginawa ko na lang nagpunta ako sa mall at bumili ako ng wendy's pretzel bun burger at binigay ko sa dati kong teacher. Naawa naman siya sa akin kaya pinasa niya ako. Pinapapili pa nga niya ako ng grade kung 98 o 99 eh. Kaso nakakahiya naman yata iyon. Masyadong unfair sa ibang estudyante kaya sabi ko 100 na lang. Pumayag naman siya.
Kasalukuyan akong naglalakad sa malawak na campus ng school ng tawagin ako ng aking bestfriend.
"Ayy!" Tawag sa akin ng isang babae at hingal na hingal papalapit sa akin.
"Uy Nerdine. Anong section mo?" Tanong ko
"Section C. Ikaw?"
"Yes may mapagkokopyahan na naman ako!" Masayang sagot ko.
"Depende kung magkatabi tayo. Alam mo na baka alphabetical ang seating arrangement."
"Oo nga 'no. Letter M apelyido mo. Letter T naman ako. Pero first day pa lang ngayon tabi muna tayo ha?" Tinaas baba ko pa ang kilay ko.
"Oo na. Bilisan mo malapit na mag bell. Balita ko si Ms.Ramos ang adviser natin. 'Yong teacher na matandang dalaga na sikat sa pagiging terror niya."
"Hala! 'Di nga?! Naku mukang lagot ang katangahan ko nito ah. Tara takbo!" Nag aalalang sabi ko at sabay kaming tumakbo papunta sa classroom.
Pagkadating namin sa classroom ay bumungad sa amin ang mga grupo ng maarteng babae. Mga lalaking nagbabatuhan ng crumpled paper. Isang grupo ng nerd na may makakapal na salamin at nagbabasa ng libro. Mukhang ang sakit siguro sa ulo na maging estudyante ang section namin.
Naghanap kami ni Nerdine ng upuan hanggang sa makita namin ang dalawang bakante sa dulo. Uupo na sana kami ng mag biglang may siga na nag salita. Isang lalaking mukhang siga.
Ang sarap kutusan! Sa isip-isip ko.
"Hoy upuan ko 'yan. Maghanap kayo ng iba!" Pagyayabang niya.
Parang ngayon ko lang to nakita dito. Sayang gwapo pa naman kaso siga.
"S-sory." Nauutal na turan ni Nerdine.
"Teka, teka. Nauna kami dito 'no! Ikaw na lang ang lumipat kung gusto mo. Saka anong karapatan mong paalisin kami? Bakit ikaw ba ang may-ari nitong school?" Naiinis na sabi ko.
"Pano kung sabihin kong oo? Aalis na ba kayo?" Tanong nya.
Tss! Hindi lang pala 'to siga kun'di hambog pa. Sayang talaga yung kagwapuhan nya.
"What's happening here?!" Biglang sigaw nung teacher at lahat kami ay napatilig sa aming mga ginagawa at agad umupo sa kanya kanyang armchair.
Agad kaming umupo ni Nerdine sa bakanteng silya na pinag aagawan namin nung lalaking siga. Samantalang siya naman ay napilitang umupo sa unahan. At mukang sasabog ang muka sa inis dahil hindi nya kami napaalis.
"Ok seating arrangement tayo. Hindi ito aphabetical tulad ng ibang section." Sabi nung teacher naming terror na si Ms. Ramos.
"Yes! Hindi daw aphabetical ang cheating arrangement" Nagagalak na bulong ko kay Nerdine.
"Hahaha cheating arrangement? Panay kalokohan ka. Makinig ka baka mahuli tayong nagdadaldalan." Natatawang sabi ni Nerdine.
Ano ba 'yan nerd na nga kill joy pa!
Pinaupo kami alternate ang boys at girls. Si Nerdine ay pinaupo sa unahan katabi 'yong kapwa n'ya nerd na lalaki. Ako eto sa may gitna banda nakaupo. Kamalas malasan katabi ko 'tong lalaking siga kanina. Mukang di ako mag eenjoy sa school year na 'to graduating pa naman ako. Isa pa saan ako mangongopya pag exam na?
Ano ba 'yan! simula na ba 'to ng kamalasan ko? Jusme h'wag naman sana agad.
"Ok. We're done. Gusto kong makilala ang section C ng 4th year high school. Introduce your selves in english. Mga gusto nyo at expectations sa klaseng ito." Sabi nung teacher namin na may kasungitan talaga parang si miss Minchin lang peg.
Nag simulang magpakilala ang mga estudyante di ko naman naintindihan dahil busy ako sa pag dukdok ng lapis ko sa desk ko.
"I am Nerdine Makapalente 16 years old. I love reading books. I'm expecting to learn more on each subject." Pagpapakilala niya.
At nag pakilala ulit yung iba hanggang sa ako naman ang dapat magpapakilala.
"Mabuhay I'm Ayy Tangarin. S--" Naputol na sabi ko dahil nag tawanan ang mga kaklase ko.
Walang'ya naman kasing pangalan 'to oh! Sa dami daming pangalan at apelyido Ayy Tangarin pa. Ang saklap!
"Don't laughing like hahaha to me ha! I'm nerbus breakdown here. Can't you see china sea?" Tinaas ko ang mga kamay kong nanginginig sa kaba. "My hands are very very vibrating mode." Dagdag ko. Tawa pa rin sila ng tawa sa akin.
Tama naman gramming ko ah? Mga baliw yata 'tong mga classmates ko.
"Okay, Im 16 years old. Hmm.. I like... I like... I like all of me loves all of you. Love your curves and all your edges. All your perfect and imperfections." Feel na feel ko pa ang pagkanta ko dahil wala akong naisip na sasabihin.
"Miss Tang-- I mean Miss Ayy.!" Suway sa akin ni Ms.Ramos kaya naman napatigil ako sa pagkanta. "Ganyan ba talaga apelyido mo, Tang- whatever, continue." Dagdag niya.
Bakit kaya hindi niya maituloy ang apleyido ko?
"I expect nothing pating." Pagpapatuloy na sabi ko at bumalik na ako sa arm chair ko.
Whooo! Natapos din.
Lahat ng classmate ko tawa parin ng tawa lalo na 'tong si Mr.Siga. Sige lang mautot sana kayo.
Bigla naman bumulong 'tong siga kong katabi.
"Bagay sa'yo pangalan mo. Muka ka talagang tanga." Bulong nya na halatang natatawa pa rin. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpakilala naman sya sa lahat.
"I'm Matt Lino. 16 yrs old." Sabi nya.
Lahat kami ay nagulat dahil kaapelyido n'ya ang may ari at principal nitong school na si Mr.Matta Lino. Mukang totoo nga yung sabi nya kanina.
Eh ano naman kung siya nga ang may-ari nitong school? Basta ang alam ko hindi ako ang may-ari nito.
"I'm the grandson of the owner and principal of this school. I hate special treatment so dont bother." Pagtutuloy nya.
Sus maniwala naman ako pahambog effect lang niya yan para sumikat siya sa mga girls.
"Actually, wala akong gusto pero ayaw ko sa mga stupid-ent." Sabi n'ya habang nakatingin sa akin.
At bakit sa akin siya nakatingin? Mukha ba akong stoofid? Kainis 'to ang yabang.
"Expectations, maybe to improve my calculating skills. Math is my favorite subject." Dagdag pa nya.
Ang yabang, math daw! Hirap kaya n'on. Saka wala namang nagtatanong kung anong favorite subject niya. Etchozero much ha!
Tapos noon ay bumalik sya sa kanyang desk. Syempre pagkakataon kong gumanti.
"Yabang mo! Paimpress ka pa! Siguro crush mo ko 'no?!" Bulong ko sa kanya.
"Naimpress ka naman? Mahirap ang umasa. Lalo kang nagmumukhang tanga." Ganti niya sa akin.
Sasagot sana ako pero sadyang ang malas ko ngayong araw dahil tumunog ang bell. Dismissed na ang klase. Irregular classes pa kasi kaya maaga ang uwian.
Umuwi na lang ako ng bahay dahil hindi naman ako makagala kasama si Nerdine the nerd kill joy.
Mukhang magiging worst ang school year na ito para sa akin. Sana magbago ang cheating arrangement ni ma'am Ramos.
Habang abala ako sa pag-iisip kahit wala naman akong utak para makapag-isip. Biglang may dumaan na isang itim na sports car na may sticker na G.W.A.P.O sa likuran. Tyempo naman na mabilis ang takbo at dinaanan pa yung putik sa daan dahilan para tumalsik sa akin.
"Arrrrrgh!" Sigaw ko. Bigla na lang may nag salita at tumawa ng malakas.
"Haha patanga-tanga ka na naman." Panlalait sa akin. Lumingon ako para tingnan kung sinong empakto ang nagsabi noon. Pero nagulat ako sa nakita ko.
"Nagulat ka ba Tangarin?" Sabi ng siga na si Matt at kinindatan pa 'ko.
Infairness ang lakas ng dating. Parang bagyo!
"Pakialam mo siga! Yabang!" Sigaw ko.
"Hahaha nakakatawa ka talaga Ayy certified shunga mo ever!" Hirit naman ni Devon.
Magkakilala pala sila nitong si siga.
Kainis ang panget panget talaga ng first day ko. Puro kamalasan ang inabot ko. Ano 'to katangahan overload? Sabagay eh Tangarin ang apelyido ko kaya h'wag na akong magtaka.
"Hoy Devon bagay kayo nitong si Matt! Diyan na nga kayo!" Iritableng sabi ko at tumakbo palayo sa kanila.
Siya pala si Devon Ñita dati ko na siyang naging classmate noong third year high school ako at maldita talaga s'ya. Infairness bagay sila ni Mr.Siga na si Matt.
Humakbang na lamang ako palayo sa kanila dahil ayaw ko ng makinig sa pambubully nila. Mga ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay isang kamalasan na naman ang nangyari.
*booogsh!
Shocks ang sakit! Nabunggo ko lang naman 'yong poste ng traffic sign. Napaupo pa ako sa kalsada sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko. Na naging dahilan para ma-out balance ako.
Hay Ayy! Nakakahiya ka talaga!
"Hahaha! Super shunga!" Sigaw ni Devon na humahalakhak na parang kontrabida sa isang teleserye.
'Di kaya sinusundan ako ng mga 'to?
Hindi ko na lang sila pinatulan. Naglakad na ako muli ng dahan-dahan para makauwi ako ng buhay sa amin. Baka atakihin na naman ako ng pagiging shunga ko mahirap na kota na ko ngayong araw.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni mama at ng tuta kong si potchi.
"'Nak ano yang nasa ulo mo at bakit ang dumi mo? Inatake ka na naman ba ng katangahan mo?" Tanong ni mama na nagawa pa akong asarin.
"Ma, bukol po. Nabangga ko yung traffic sign sa may kanto eh. Saka natalsikan po ako ng putik dahil may dumaang sports car na kaskasero ang driver." Walang ganang sagot ko. Agad naman umalis si mama para kumuha ng yelo.
"Ate mukang ang panget ng first day mo sa school ah." Sabi ni Isang, ang aking bunsong kapatid.
Oo 'di ka nagkakamali Isang Tangarin ang buo niyang pangalan. Pero matalino siya at laging first honor. Dahil grade seven na s'ya, mukang malaki ang chance n'ya maging valedictorian. Kumpara sa akin na Ayy Tangarin talaga ako.
"Halata diba?!" Inis na sabi ko.
Nakakainis kasi itatanong pa, halata naman!
"Oh ate suotin mo." Nakangiting sabi ni Isang at saka inabot sa akin ang isang sanitary napkin.
"Ano 'to?!" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa binigay niya.
"Hay ate napkin 'yan! Shunga shunga ka na naman." Pang-aasar niya.
"Alam ko! Kitang kita naman ng two singkit and pretty eyes ko! Ang ibig kong sabihin para saan ito?" Tanong ko ulit.
"Ate kaylangan talaga iisa isahin ko pa? Ilagay mo sa noo mo kapag nabunggo ka ulit. Hindi kasi kaya ng band aid 'yang noo mo dahil kasing laki 'yan ng dalawang airport." Sagot ni Isang sabay tawa ng malakas.
"Aray!" Pagrereklamo ni Isang dahil binatukan ko siya.
"Oh tama na yan. 'Eto ang yelo ilagay mo dyan sa bukol mo." Nag-aalalang sabi ni mama. Sinunod ko naman ang pinapagawa niya.
"Ma nagugutom ako. Dun muna po ako sa kusina." Pagpapaalam ko habang hawak ko pa rin 'yong yelong nilagay ko sa noo ko.
Ilang hakbang ako papunta sa kusina ay nadulas ako. Grabe lamog na katawan ko sa sobrang kalampahan ngayong araw.
"Hahaha! Sabi ko sa'yo ate ilagay mo 'yang napkin sa noo mo." Hirit ni Isang na tuwang tuwa pa sa nagyari.
"Ma! Sinong kumaen ng saging? Nakakainis pakalat kalat yung balat." Naiinis na sabi ko.
"Sino pa ba? Edi si Isang." Sagot ni mama.
"Hoy unggoy ka! Matuto kang magtapon ng kalat mo!" Sigaw ko kay Isang.
"Ate sorry tulungan na lang kita tumayo." Seryosong sabi ni Isang. At nilahad ang kamay para tulungan akong tumayo.
Nang kukunin ko na ay bigla nya kong binitawan dahilan para sumubsob ang maganda kong face sa sahig. Hinabol ko lang s'ya dahil sa inis.
Sana naman sa susunod na araw hindi na ganito kamalas.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...