IMPORTANT: Guys, eto na po ang last edited chapter na ipopost ko dito sa wattpad. Simula KABANATA 20-32 at EPILOGUE po ay REVISED na po (mga binagong eksena), pero hindi ko ipopost dito. Ang mga susunod n'yo pong mababasa ay ang UNEDITED version. Mababasa n'yo lang po ang REVISED version ng KABANATA 20-32 at EPILOGUE sa book version.
*~*~*~*
KABANATA 19
AYY's P.O.V
Nakarating kami ni Sir Gynn sa tapat ng hospital kung saan nakaconfine si Matt para bisitahin siya.
"Sir, sigurado po ba kayong hindi n'yo siya dadalawin?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na, Ayy. Ikumusta mo na lang ako sa kanya." Ngumiti siya ng mapakla.
"Ganun po ba, Sir? Sige po. Salamat po ulit sa lahat ng tulong n'yo."
"Ayy, sandali. Pwede bang humingi ng pabor?"
"Sige po Sir Gynn. Ano po ba 'yon?"
"H'wag mong sasabihin kay Matt na ako ang tumulong sa'yo para madala mo s'ya sa ospital."
"B-bakit po?" Nagtatakang tanong ko.
"Habang pasan ko s'ya n'ong gabing iyon, naririnig ko ang bawat bulong n'ya." Ang lungkot talaga ng mukha niya. Bakit kaya siya biglang nagkaganyan?
"Ano pong binulong ni Matt?"
"Pangalan mo." Napabuntong hininga siya. "Mahalaga ka sa kanya kaya puntahan mo na s'ya. Sigurado ako hinihintay ka na n'ya."
Nagpaalam na siya sa akin at pinatakbo niya ang kanyang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako sa nalaman ko.
Talaga bang si Matt ang nilaan ng tadhana para sa akin kahit na si Sir Gynn ang mahal ko? Hay!
Pagkatapos ng nangyari ay nagtungo na ako sa room 304 kung saan nakaconfine si Matt.
Pagbukas ko ng pinto isang masiglang Matt ang nakita ko. Kumakanta s'ya at napakaganda ng boses n'ya. Siga na may napakalambing na boses. Tila hindi ito dumaan sa sakit.
"Hi Matt." Masayang bati ko sa kanya. "Kamusta? Okay ka na ba?"
"Nandyan ka na pala." Ngumiti siya ng matamis. "Pwede na daw akong lumabas mamaya sabi ng doktor. Pinilit ko talagang magpagaling para sa'yo."
Ngumiti na lang ako sa ibinalita n'ya. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong isagot sa kanya.
"Ayy, nauuhaw ako. Pwede mo ba akong ibili ng tubig sa canteen?" Utos nito.
"Oh sige." Sagot ko.
"Pero ayaw ko ng purified ha. Mineral water ang gusto ko para mas safe sa bacteria. Please?"
"Okay. Paki hintay na lang ha.."
"Salamat." Ngumiti ito ng matamis.
Bumaba ako sa ground floor ng ospital para magpunta sa canteen. Nang makarating ako doon at agad akong pumila sa counter para bumili ng tubig.
"Ate, funeral water nga po isang bote." Sabi ko sa staff ng canteen nitong ospital.
Napatawa naman ang babae ng pagkalakas-lakas- akala mo walang bukas. Kung kaylan naman nagmamadali ako saka siya babagal-bagal? Nakakainis!
"Miss, wala kaming binibentang funeral water dito. Kung gusto mo pumunta ka sa punerarya- sigurado ako marami d'on." Humalakhak na naman siya.
Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Gusto ko lang naman bumili ng tubig ah! Baliw ba siya kaya hindi niya alam ang funeral water?
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...