KABANATA 4

2.3K 47 31
                                    

KABANATA 4

 

THIRD PERSON's P.O.V

 

     Mag-isang nag-agahan si Matt dahil nauna na ang kanyang pinsang si Devon na pumasok sa school. Hindi kasi nakatulog ang binata sa kakaisip sa aksidenteng pagdampi ng mga labi niya sa labi ni Ayy.

     Espesyal para kay Matt si Ayy dahil sa positibong ugali nito kahit na palagi siyang naiirita sa pagiging lampa at katangahan nito. Pero mas lalong nagiging espesyal ang dalaga sa kanya ng maglapat ang kanilang labi. Hindi maipagkakaila na mayroon siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman para sa dalaga.

     Matapos niyang mag-agahan ay nagtungo na siya sa garahe para sumakay ng kanyang kotse upang pumasok sa school. Naisipan niyang daanan ang bahay ni Ayy para makasabay niya itong pumasok. Nag-aalala kasi siya na baka hindi kayanin ng dalaga na pumasok mag-isa dahil sa natamo nitong pilay sa paa noong mahulog ito sa hagdan ng kanilang school.

     Pagkarating niya sa bahay ni Ayy ay pinindot niya ang busina ng kanyang sasakyan. Hinintay niya ang sandali hanggang sa lumabas ng bahay ang dalaga. Lalo siya nakaramdam ng pag-aalala ng makita niyang nakabenta at nahihirapan sa paglalakad ang dalaga. Dali-dali siyang bumaba ng kanyang sasakyan para alalayan ito.

"Sumabay ka na sa akin papuntang school." Tipid na sabi niya kay Ayy.

"Ah hindi na, maglalakad na lang ako. Malapit lang naman eh." Pag-iiwas naman ni Ayy kay Matt. Nararamdaman niya ang pagkailang sa binata dahil ito ang kumuha ng kanyang first kiss.

"Paano ka makakapaglakad ng maayos kung may pilay ka sa paa?" Napakunot si Matt ng kanyang noo dahil sa inasal ng dalaga.

"Oo pero kaya ko na 'to. Sige na, mauna ka na. Salamat na lang sa'yo." Turan ng dalaga sa kanya. Pakiramdam ni Matt ay pinagtatabuyan siya ni Ayy.

     Napilitan si Matt na buhatin na lamang si Ayy na parang isang sako ng bigas. Alam kasi niya na kahit anong pilit niya ay tatanggihan lamang siya ng dalaga dahil naiilang ito sa kanya.

"Hoy ibaba mo nga ko Matt! Ano bang nagyayari sa'yo at bigla ka na lang bumaet sa akin?!" Sigaw ni Ayy habang nagpupumiglas ito sa binata.

"Baka kasi atakihin ka na naman ng katangahan mo. Lampa ka kaya! Tsaka wala kang pakialam kung mabaet ako sayo ngayon o hindi!" Ganting sigaw ng binata. Bigla siyang nakaramdam ng inis dahil gusto niya talagang pakitaan ng malasakit at pag-aalala sa dalaga pero pilit pa rin siyang tinatanggihan nito.

     Hindi na nagawa pang magsalita ni Ayy sa nagyari. Inupo na lamang siya ni Matt sa katabi ng driver's seat na sasakyan nito at pinatakbo ang kotse papunta sa kanilang school.

     Dali-daling bumaba si Matt sa kanyang sasakyan para pagbukasan ng pintuan ang dalaga ng makarating sila sa kanilang school. Binuhat niya muli ang dalaga na parang isa lamang itong sako ng bigas.

"Iba---"Naputol na sabi ng dalaga dahil sa sigaw ni Matt.

"Wag kang maingay!" Sigaw ni Matt at nagbuntong hininga ito. Hindi naman niya sinasadya na masigawan si Ayy. Nadala lamang siya ng kanyang inis kanina. At ayaw na ayaw din niya ang maingay.

     Lumakad si Matt habang pasan niya si Ayy hanggang sa marating nila ang kanilang  classroom. Iniupo niya si Ayy sa kanyang arm chair na katabi din ng sa kanya.

"Wow so kelan ka pa naging prince epal charming nitong certified shunga na 'to?" Biglang paniningit ng pinsan niyang si Devon na walang ginawa kundi ang magmaldita at pagtripan si Ayy. Nakataas ang isang kilay nito sa kanila at cross arms pa. Bakas sa mukha ni Matt ang pag-kainis sa inasal ng kanyang pinsan.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon