KABANATA 10
THIRD PERSON's P.O.V
Nasa harap si Matt ng salamin habang inaayos ang kanyang pananamit. Suot niya ang isang navy blue na polo shirt, puting shorts at white leather slip-on shoes.
"Ang pogi mo talaga pare!" Pagpupuri niya sa kanyang sarili. "Pero parang may kulang." Dagdag niya.
Agad niyang kinuha ang black rayban shades niya sa kanyang shades rack at sinuot ito. Bumalik siya sa harapan ng salamin para tingnan muli ang kanyang repleksyon.
"'Yon! Mas lalo kang pumogi." Pagpupuri niya ulit sa kanyang sarili.
Tumingin ito sa kanyang suot na relo at nakita niya na alas otso treinta na. Lumabas siya ng kanyang kwarto at bumaba siya ng hagdanan. Natanaw niya si Devon na nanonood ng t.v habang kumakain ng kanyang almusal na cerials. Palabas na sana siya ng kanilang bahay at papunta na sa garahe nang narinig niyang tinawag siya ni Devon.
"Susunduin mo lang si Ayy pero kung makaporma ka wagas. Para kang pupunta ng MOA." Pang-aasar nito sa kanya.
"H'wag mong sirain ang magandang umaga ng iba lalo na kung naiinggit ka." Turan niya.
Simula pa noong bata sila ay para na silang aso't pusa kung magbangayan kaya sanay na sanay na sila sa ugali ng bawat isa. Para sa kanilang dalawa hindi kumpleto ang araw kapag hindi nagsungit o nagtaray ang isa sa kanila. Ganoon ang pagpapakita nila ng pagmamahal sa isa't-isa.
Lumakad na si Matt ng tuluyan palabas ng kanilang bahay at nagtungo sa garahe para kunin ang BMW na kulay itim na pagmamay-ari niya. Minaneho niya ito hanggang sa makarating siya sa tapat ng bahay nila Ayy.
"Tao po?! Tao po?!" Sigaw ni Matt mula sa gate ng bahay nila Ayy.
Lumabas naman ang babaeng naka green na daster na mga nasa edad treinta pataas.
"Magandang umaga po." Magalang na bati ni Matt.
"Magandang umaga din hijo. Anong kaylangan mo?" Tanong ng Mama ni Ayy sa kanya.
"Kaklase po ako ni Ayy. Susunduin ko po siya dahil gagawa po kami ng decorations sa bahay namin."
"Ah sige, pasok ka iho." Pinatuloy si Matt ng mama ni Ayy.
Hindi naman nag-atubili na pumasok si Matt sa loob ng bahay nila Ayy. 'Pag pasok niya ay bumungad sa kanya ang isang lalaking nakasalamin, katamtaman ang pangangatawan pero ang laki ng tiyan at nagbabasa ng dyaryo.
"Magandang umaga po sir." Magalang na bati ni Matt sa Papa ni Ayy.
"Magandang umaga din sa'yo hijo. Ang aga aga naman yata ng pag akyat mo ng ligaw sa anak ko. Hindi ka naman excited n'yan?" Pagbibiro nito sa kanya at tumawa ng malakas.
"Ay hindi po ak--" Naputol na sabi ni Matt ng mahagip ng peripheral vision niya si Ayy na lumabas ng kanyang kwarto.
Binaling ni Matt ang tingin niya sa dereksyon ni Ayy. Dahan-dahan niyang inalis ang suot niyang shades at kinindatan niya ang dalaga kasabay ng pag-ngiti niya ng matamis nang biglang...
Blaaag!
Natapilok si Ayy sa suot nitong tsinelas na may kataasan ang swelas. Napailing-iling na lang si Matt sa nakita niya habang pilit niyang pinipigilan ang kanyang pagtawa.
Cute pa naman kaso tanga lang, buti na lang gusto kita. Sa isip-isip ni Matt.
"Naku naman anak! Ngayon ka pa inatake ng katangahan mo. Nakakahiya naman dito sa manliligaw mo. Ang gwapo pa naman oh!" Hirit ng Papa ni Ayy habang nakatingin sa kanyang anak na nakasalampak ang mukha sa sahig.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...