KABANATA 15
AYY's P.O.V
"Matt?!" Gulat na banggit ko.
Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang purple na poloshirt,white shorts at white slip-on shoes. Nakaayos din ang kayang buhok at nakasuot siya ng frameless na eye glasses. Ang linis-linis n'ya at naamoy ko ang mabango niyang pabango.
Mukha siyang papa lalo ngayon. Pero bakit kaya hindi ko siya nagustuhan?
Napansin ko na may dala s'yang isang boquet ng red roses at malaking teaddy bear na kulay puti. May hawak din siyang Ferrero chocolates na nakalagay sa heart na lalagyan at tatlong stick ng makukulay na lobo. Nakakatuwang tingnan.
"H'wag kang tumingin lang d'yan. Nahihirapan na akong magbit-bit nito." Pagsusungit niya.
"S-sorry." Napakamot na lang ako ng ulo. "Pasok ka."
Pinatuloy ko siya sa bahay namin. Binati niya si Papa at Isang, pati na rin si Mama na kakatapos lang maligo at nakatapis pa ng tuwalya. Inalam lang niya kung sino ang bisitang dumating.
"Maiwan na muna namin kayo hijo. Para makapag-usap kayo ni Ayy." Pag-paaalam ni Papa at naiwan kaming dalawa ni Matt sa sala.
"Ibebenta mo ba yan Matt?" Nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan ko ang ganda ng mga dala niya. "Sa totoo lang, wala pa kasi akong pera kaya sa iba ka na lang mag-alok n'yan."
Tiningnan niya ako ng masama.
"Alam mo Ayy, ang hirap magmahal sa taong tanga." Walang ganang sabi n'ya.
Ang gulo! Hindi ko siya maintindihan.
"Ha? A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan."
"Tanga ka nga." Napa-palm face na lang siya.
"Alam mo, ramdam kita." Nahahabag na sabi ko. Iniisip niya siguro na mahirap talagang ibenta lahat ng mga dala niya. Sayang mukha pa namang mamahalin.
"Sige nga, anong nararamdaman ko ngayon?" Napakunot ang noo niya. Hinahamon ba niya ako?
"Nahihirapan kang magbenta ng mga dala mo. Dahil wala pang bumibili sayo. At dahil wala akong pera hindi ko mabibili yan kaya wala ka pa ring benta ngayon." Tinaas baba ko ang kilay ko. "Diba tama ako?"
"Tanga ka talaga." Nanggigigil na siya.
"Hoy grabe ka naman! Slight lang." Huminga siya ng malalim.
"Ayy, hindi ko binebenta ang mga 'yan." Hinawakan niya ang kamay ko. "Lahat ng 'yan- para sa'yo."
Binawi ko naman agad ang kamay ko sa kanya. Ang akward sa pakiramdam. Hindi ako sanay.
"S-salamat."
Hinawakan niyang muli ang kamay ko at nilapit dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Feeling ko tuloy sa sobrang lapit magkakapalit na kami ng mukha. Tiningnan niya ako ng deretso sa mata ko.
"Diba sabi ko sayo handa akong ligawan ka."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinikilig ako hindi dahil gusto ko si Matt. Kinikilig ako dahil firsr time kong maranasan ang ganito. Ang maligawa katulad ng mga napapanood ko sa pelikula.
Pero sa t'wing naisip ko na isa lang 'tong deal sa pagitan namin ni Matt- nalulungkot aq. Hindi ko siya gusto pero nararamdaman ko na parang gusto na niya ako. Sana nga mali ako dahil ayaw kong masaktan ang damdamin niya.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...