KABANATA 6
THIRD PERSON's P.O.V
Inis na inis si Devon kay Ayy dahil sa ginawa nitong pag-utot sa loob ng kanilang classroom. Diring-diri siya sa ginawang kabastusan nito. Isa pa sa kinaiinisan niya ay napapanasin niya na may gusto si Ayy sa bago nilang Math teacher na si Sir Gynn. Ayaw kasi ni Devon na nasasapawan siya ng kahit sino lalo na ng mga kaklase niyang hindi daw niya ka-level.
Wala naman talagang galit na nararamdaman si Devon kay Ayy- sa ngayon. Sadyang masaya lang siya kapag pinagtritripan niya ito. Medyo kinaiinis din niya ang pagiging lampa at mahina ang ulo kaya mas lalo niya itong gustong pagtripan.
Biglang napatingin si Devon sa mukha ni Sir Gynn na tila sinusuri ito. Kaya naman may pagtataka din siyang tiningnan ni Sir Gynn. Naiisip ni Devon na parang pamilyar ang binata sa kanya. Hindi lang niya maalala kung saan. Kaya naman hindi na n'ya inabala ang kanyang sarili na alalahanin pa 'yon at binigyan na lamang niya ng atensyon ang sinasabi ng kanilang guro na si Ms. Ramos. Inirapan niya lang ang nakatinging si Sir Gynn, bagay naman na mas pinagtaka ng binata.
"Okay class kaylangan natin magkaroon ng class election. So pwede na kayo mag nominate." Nagpapacute na sabi ng kanilang guro na si Ms. Ramos.
Tila na love at first sight si Ms. Ramos kay Sir Gynn kaya feel na feel niya ang kanyang mala-exotic na ganda na dinaig pa ang inihaw na isaw.
Eew! Kadiri! PBB teens lang ang peg!
Agad namang tinaas ni Devon ang kanyang kamay para mag-volunteer.
With poise pa ang gaga! Ang sarap kutusan!
"Sir, Ma'am I nominate Matt for president." Sabi ni Devon at nginitian pa niya ng malapad ang pinsan niya.
"Ok.. another?" Turan ni Ms. Ramos at nilibot ang tingin sa mga estudyante n'ya para maghanap ng magtataas ng kamay.
"Dahil walang tumaas ng kamay. Si Matt ang president of the class. Palakpakan n'yo sya." Hirit naman ni Sir Gynn na taga-bilang ng boto.
Proud na proud naman si Matt sa sarili niya dahil naging class president na naman siya. Wala pang nagtatakang tumalo sa kanya. At deserving din naman siya sa titulong 'yon dahil sa katalinuhang taglay niya.
"For vice president, sinong gusto nyo?" Sabi ulit ni Ms. Ramos na pasulyap-sulyap pa kay Sir Gynn.
Ambisyosa masyado ang lola feeling may asim pa!
"I nominate myself as the vice president of the class." Proud na proud na turan muli ni Devon.
'Eto pa ang isang ambisyosa. Iboto ba naman ang sarili!
"O-okay miss Devon. Another?" Naautal na sabi ni Ms. Ramos.
Bigla namang naisip ni Ayy na makisali sa ginaganap na botohan. At para maki-uso na rin.
"Ma'am! Ma'am ako po!" Tawag ni Ayy sa kanyang guro habang nakataas ang kanyang kanang kamay.
Tinuro lang si Ayy ni Ms. Ramos at tumayo naman s'ya.
"I minonate Nerdine for vice president." Proud na proud na sabi ni Ayy na dinaig pa ang best in english sa sobrang pagbilib sa sarili.
"Hahahahahha!" Sabay-sabay na tawanan ng mga kaklase niya. Mali kasi ang english ni Ayy. Naiisip rin nila kung saang dictionary nakuha ni Ayy ang salitang minonate.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...