KABANATA 5
AYY's P.O.V
Naglakad ako papasok ng school. Hindi ko kasabay si Nerdine dahil nauna na siyang pumasok, may gagawin pa daw siya. Nagmadali naman ako sa paglalakad dahil baka sunduin na naman ako ni Matt sa bahay namin. 'Di naman sa assuming ako 'no, hindi lang talaga ako sanay sa ganoon kasi nga NBSB ako o no boyfriend since birth.
Pagkarating ko sa school at naglalakad na ako paakyat ng hagdan ng biglang...
*blaaaaaaag!
Nahulog yung mga props ko este yung mga libro ko pala dahil sa binunggo ako ng isang lalaki. Pinulot namin ng sabay ang libro na nabitawan ko. At nahawakan ko ang kanyang maputi, malambot at magandang kamay.
Grabe! Parang babae ang kamay niyan dinaig pa 'yong kamay ko.
"So-sory." Malanding sabi ko.
Dahan-dahan kong tiningnan 'yong lalaki para naman malaman ko naman kung sino.
Jusme! Makalaglag panga talaga ang kagwapuhan niya.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang isang tulad niya na gwapo, macho at yummy. Kung hindi ako nagkakamali siya 'yong nakita ko nung nakaraan sa c.r at sya din yung may ari ng sports car na itim na walang ginawa kundi sirain ang araw ko sa kamalasang hatid nito.
"Ikaw?!" Sabay naming sabi. Halata sa rekasyong ng aming mukha ang gulat na makita ang isat-isa.
Pakunwari ko siyang tiningnan ng masama at bumalik na ako sa classroom ko. Pero deep inside kilig na kilig na ko. Mabuti na lang ay hindi pa ako kota sa katangahan ko. Kundi ay nakakahiya naman sa kanya 'no!
Pagkarating ko sa classroom ay agad kong binati si Nerdine kaya pala siya naunang pumasok ay dahil mangongopya siya ng notes sa katabi n'yang nerd din.
When Ms. Nerd meets Mr. Nerd ba 'to? Yes! Lakas maka-love team ang peg! Pang wattpad ang dating.
Pagkatapos n'on ay umupo na ako sa aking armchair. Mga ilang minuto ay magkasabay na dumating sina Matt at Devon. Tiningnan lang nila ako ng masama habang papunta sila sa kani-kanilang armchair.
Anong problema ng mga 'to? Samantalang kahapon todo concern 'tong si mr. sungit sa pag hatid sa akin. Hay life! Parang buhay ang hirap i-spelling.
Habang naghihintay kami sa pagdating ng teacher naming si Ms. Ramos ay naisipan ko na lamang na maglaro ng flames sa likod na pahina ng aking notebook. At aliw na aliw ako sa paglalaro dito dahil married ang resulta ng flames sa pangalan naming dalawa ni Daniel Padilla.
Taray ng beauty ko 'no?! Taob si Kathryn Bernardo.
Nasakalagitnaan ng kasarapan ako ng paglalaro ko ng flames at nasasabik akong malaman ang resulta sa pangalan naming dalawa ni James Reid nang dumating ang kontrabida este, ang teacher pala naming si Ms. Ramos. Kaya naman tumayo kaming lahat upang batiin siya ng magandang umaga.
"Magandang umaga din class. Take your seat." Umupo naman kaming lahay tulad ng sinabi niya. "Nandito na 'yong bago n'yong teacher sa Math maging mabaet kayong lahat sa kanya." Dagdag niya.
Bakit parang ang bait bait niya ngayon? At bakit siya nag-b-blush? Ano 'to PBB- Teens lang ang peg?
Tapos ay sumenyas si Ms. Ramos na tila pinapapasok at tinatawag niya ang bagong teacher na tinutukoy niya. Kaya naman pumasok ito sa loob ng aming classroom. At lahat ng kaklase kong babae ay tila malaglagan ng panty sa kagwapuhan at lakas ng kanyang dating.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...