SPECIAL CHAPTER 1
AYY'S P.O.V
"Mommy! Daddy!" Sigaw ng anak kong si Rainbow habang tumatakbo s'ya at papalapit sa'min ng daddy n'ya.
Sinundo kasi namin s'ya sa school. At promise namin sa kanya na pagkatapos ng klase n'ya ay pupunta kami sa Enchanted Kingdom dahil ngayon ang ika-seventh birthday n'ya. Habang ang kambal naman naming sina Sky at Cloud ay binilin muna namin kina mama dahil baby pa lamang sila at hindi sila pwedeng isama dahil baka mawala.
Nang makalapit si Rainbow sa'min ng daddy n'ya ay agad namin s'yang niyakap at hinalikan naman n'ya kami sa pisngi.
"Look, mommy and daddy! I have plenty of stars na naman, oh!" Sabi ni Rainbow habang pinakita pa nito ang braso n'yang may tatak na sampung stars.
"Wow! Very good! Ang galing naman ng baby ko." Sabi ko at hinalikan ko s'ya sa pisngi.
"Syempre! Mana sa'tin, eh. Kaya dahil d'yan pupunta tayo ng Enchanted Kingdom." Sabi ni Gynn.
"Really, daddy." Paniniguro ng bata.
"Yes!" Sagot ni Gynn, sabay buhat kay Rainbow at kiniliti ang tagiliran nito.
Wala namang patid ang pagtawa nilang mag-ama.
"Tama na 'yan. Baka hindi makahinga 'yong bata." Suway ko kay Gynn. Sinunod din naman n'ya ako.
Sumakay na kami ng sasakyan at nagmaneho na si Gynn papunta sa Enchanted Kingdom.
Tahimik kami ni Gynn sa sasakyan habang si Rainbow ay kanta ng kanta ng Let it go. Favorite n'ya kasi ang Frozen at s'ya raw kunwari si Elsa habang ang daddy raw n'ya si Olaf. Nakakatuwanh bata, ang kulit n'ya talaga.
"Mommy." Tawag ni Rainbow sa'kin. Kaya napaligon ako sa kanya.
"Yes, baby?"
"Mommy, do you know teacher Jasper?"
"Your teacher in Math, baby?" Tumango naman si Rainbow. "Yes baby, I know him. Why did you ask?"
"It's because, I like him." Bulong sa'kin ni Rainbow. "He is so handsome like daddy."
Bigla naman akong natawa sa sinabi ng anak ko. Grabe ang bata-bata pa n'ya para magkaroon ng crush.
"Quiet, mommy. Please don't tell to daddy. He's getting mad."
"And why?"
"Because he's jealous."
"Okay baby." Sagot ko at nag pinky swear pa kaming mag-ina.
After thirty minutes ng pangungulit ni Rainbow ay nakatulog s'ya habang nasa byahe pa kami. Napagod na yata s'ya at gigisingin ko na lamang s'ya kapag nasa Enchanted Kingdom na kami.
"Mahal, malaki na talaga 'tong anak natin, meron na s'yang crush, eh."
"Talaga? Sino naman?" Tanong ni Gynn.
"'Yong teacher n'ya sa Math." Sagot ko. Ngumiti naman si Gynn bigla.
"Mana sa'yo."
"Mana sa'tin." Ngumiti rin ako. "Pero, alam mo sana h'wag muna s'yang lumaki para baby pa rin ang nag-iisang prinsesa natin. Darating ang araw maiinlove s'ya at mag-aasawa. Hindi pa ako handang mawala s'ya sa puder natin, Gynn."
"Mahal, matagal pa naman 'yon. Seven years old pa lang ang anak natin. Sa edad na thirty pa lang s'ya pwedeng mag-asawa."
Ngumiti na lang ako sa asawa kong matamis. Alam ko na kung kanino nga talaga nagmana ng kakulitan 'tong si Rainbow kundi sa daddy n'ya.
***
Nakarating kami sa Enchanted Kingdom at doon namin sine-celebrate ngayon ang birthday ni Rainbow.
Masayang-masaya s'ya sa bawat nakikita n'yang rides at mga cute na mascots. At halos lahat ng Eldar's souvenir sa shop ay binili namin ni Gynn dahil turo s'ya ng turo. Minsan lang naman sa isang taon ang birthday ng anak namin kaya hangga't maari gusto namin silang i-spoiled at gawing memorable sa kanila ang lahat. Minsan lang sila magiging bata. At ang bilis nilang lumaki agad.
Kung saan-saan kaming rides sumakay- carousel, flying fiesta, up up and away, ferris wheel, swan lake at marami pang iba. Halos nakakapagod rin kaya kumain muna kami nina Gynn sa isa sa mga food stalls doon. Pagkatapos kumain ay nag-selfie muna kami sa mga madadaanan naming attractions dito sa loob ng theme park. Matapos n'on ay may nadaanan kami ni Gynn na parlor games kung saan magbabayad ka ng one hundread pesos tapos ishoshoot mo 'yong tatlong rings sa mga nakatayong pins. At luckily naishoot ni Gynn ang tatlong rings sa pin at nakakuha s'ya ng malaking teddy bear na kulay puti at binigay ito kay Rainbow.
Mukhang nawili si Gynn sa pagkapanalo n'ya sa parlor games kaya tumaya pa s'ya ng isa pa. At nanalo na naman s'ya ng isang cute na penguin stuff toys at binigay 'yon sa'kin.
"Loyal ang mga penguin sa partner nila." Kinindatan ako ni Gynn sabay halik sa labi ko.
At walang duda, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa bawat ginagawa n'yang paglambing sa'kin.
3
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...