KABANATA 7

1.8K 33 8
                                    

KABANATA 7

AYY's P.O.V

Habang himas-himas ko ang aking noon ay nakarating ako sa gate ng aming school. Dere-derecho at taas noo akong naglalakad papasok.

Syempre sayang ang ganda. Yaan nyo na ang bukol ko. Basta maganda ako at yun lang ang maipag mamalaki ko 'no.

Nang biglang kong naramadan na may humatak sa bagpack ko. Napalingon ako para tingnan kong sinong allien ang gumawa noon sa akin. At nanlaki ang mga mata ko dahil hindi pala siya allien, kundi isang sirena.

"Remember me, Tangarin?" Tawag niya sa akin.

Anak ka ng putspa oh! Pwede namang Ayy na lang ang itawag n'ya sa akin- bakit 'yong apelyido ko pa?

"Chin ikaw ba 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Gwapo pa rin siya at mapupungay na singkit ang kanyang mga mata.

"Yes Ayy! Its me. The beautiful, the one and only Chin Nito a.k.a Megan Young." Sagot niya at nag beauty queen wave pa bago nakipagbeso-beso sa akin.

Siya si Chin Nito ang aking kababata. Almost four years na kaming hindi nagkikita dahil lumipat sila ng bahay sa Manila dahil doon nakadestino sa trabaho ang kanyang mga magulang. Habang kami dito sa Laguna. Gwapo siya, chinito, matangkad at maputi pa kaya tinitilian at pantasya siya ng lahat ng mga batang babae noong elementary pa kami. Sa kabila ng magandang katangian bilang isang lalaki ay mapagkakalaman mo talaga na matinik siya sa mga babae. Pero isang sekreto ang pinakatatago-tago niya. 'Yon ay ang pagiging bakla niya. At para sa kanya isa siyang tunay na babae na natrapped sa katawan ng isang lalaki. Pero kahit gay s'ya ay hindi ko pa s'yang nakitang nag-suot ng damit pambabae. Ang alam kasi ng tatay n'ya ay straight siya.

Sus! Grade three pa nga lang kami hilig na niya maglaro ng barbie at chinese garter eh.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sa Manila kayo nakatira?" Tanong ko.

"Nagpatransfer na ako dito sa school mo. Dahil balik Laguna na kami at dito na ulit madidistino ang parents ko." Sagot niya na halatang halata ang kasiyahan sa mukha niya ng magkita kami.

"Wow talaga? Ang saya naman! Lagi na tayong magkikita ulit." Napangiti ako ng malapad.

"Tama ka d'yan. And guess what kung ano pa ang mas magandang balita ko sa'yo." Pambibitin niya.

"Anong guess what? Naku Chin! Hindi ako nagsusuot ng branded na damit." Paglilinaw ko.

"Jusme ka naman Ayy! Wala pa ring nagbago sayo, brainless ka pa rin." Pagbibiro niya. "Hindi brand ng damit ang tinutukoy ko. Ok sasabihin ko na nga- mag classmate tayo dahil nalaman ko sa list of student ang section mo kaya sabi ko doon ko gustong pumasok at 'eto ready na akong rumampa sa classroom natin today!" Masayang pagbabalita ni Chin. At nagtatatalon kami sa sobrang tuwa.

Pagkatapos namin mag-usap ay naglakad kami papunta sa classroom ni Chin para pumasok. Mga ilang minuto pa hindi pa rin dumadating si Mrs Ramos. S'ya kasi ang first subject eh kaya naghihintay na lang kami para sa advance lesson ni crush este ni Sir Gynn pala.

"Good morning class." Bati ni Sir Gynn. "Nabalitaan ko may bago tayong estudyante dito sa section n'yo. So, kung sino man 'yon pwede ka bang pumunta dito sa unahan at magpakilala ka sa aming lahat?" Dagdag ni Sir Gynn na hindi ko nalamalayan na dumating na pala siya dahil busy ako sa pag laro ng FLAMES.

Gusto ko kasing malaman kung compatible ba kami ni Sir. Yiih landi much!

Itinigil ko ang paglalaro ko ng flames at itinuon ko ang atensyon ko sa klase. Tumayo naman si Chin at naglakad papunta sa unahan malapit kay sir Gynn para magpakilala.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon