KABANATA 21

573 13 0
                                    

CHAPTER 21

<Ayy's POV>

Dalawang araw ang nakakalipas matapos ang matinding ensayo ay eto na at gaganapin na ang pinaka aabangan ng lahat. Ang araw ng sports fest. Pinasimulan ito ng dasal mula sa aming lahat na estudyante ng Mata Lino High upang magpasalamat sa panginoon, maging maging matagumpay ang sports fest at para walang masaktan at mapahamak. Sinundan ito ng pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas at pagkanta ng Lupang Hinirang.

Pero ako eto kabadong kabado na sa posibleng mangyari sa akin sa sports fest. Paano kasi takbuha pala yung relay eh alam nyo naman may pagka lampa ako. Hindi ako sigurado kung maipapanalo ko ba ito oh hindi ako pa naman ang pinaka huli ng tatakbo para sa relay. Kaylangan kong maunahan ang mga kalaban ko sa pagdala ng flag namin sa finish line.

Haaay feeling ko hindi ako makakatakbo ng maayos kami pa naman ang pinaka unang sports na gaganapin para sa sports fest na ito goodluck talaga sa akin.

Pagkatapos ng stretching ay pwumesto na kami sa kanya kanyang station. Merong sampung station at may obstacles pa na kasali. Kaya hindi talaga biro ang relay na ito. Para kaming kasali sa amazing race.

*baaaaang!

At tumunog na nga ang gong na hudyat ng pagtakbo ng bawat manlalaro. At sigurado ako na ibinibigay nilang lahat ang buo nilang lakas at bilis para maunahan ang kalaban. Kaylangan ganun din ako. Kaylangan focus lang ako sa pagtakbo ng matulin. Kaylangan wag akong madapa, madulas o mapahamak. Kaylangan hindi ako atakihin nang katangahan ko para sa mga kagrupo ko sa relay na ito at para na rin sa section ko.

Pagkatapos kong palakasin ang loob ko hindi ko namalayan na malapit na sa akin si Nerdine at inaabot nya na ang flag namin kaya walang atubili na ipwenesto ko ang sarili ko at handa ng tumakbo. Hinablot ko ang flag namin kay Nerdine at hindi ko na sya tinabunan ng tingin dahil kaylangan ko ng maunahan ang mga kalaban ko.

Buong lakas at tinodo ko ang bilis ko sa pagtakbo. Walang tigil at tila walang pagod akong tumakbo hanggang sa tanaw na tanaw ko na ang finish line.

Ang saya at ang sarap sa pakiramdam ni hindi ko inaasaghan na malapit na ako sa finish line ng hindi man lang nadadapa o nadudulas. Hanggang sa...

"Ahhhhhhh" malakas na tili ko.

Nagpagulong gulong ako at duguan ang nguso ko dahil sa pagtalapid sa akin ng kalaban. Ang daya nya mandurugas sya!

Nagsimula ng magtubig ng mga gilid mata ko dahil sa nangyari. Alam kong sa pagkakataon na ito sinisisi na nila ako sa pagkatalo namin sa relay.

Pero laking gulat ko ng buhatin akong lahat ng mga team mates ko.

"Ang galing mo Ayy panalo tayo!" Masayang sabi ni Nerdine.

Ang inaakala kong talo na kami ay mali pala. Sa kabila ng pandaraya sa amin ay nakatulong pa ito upang manalo kami at maunahan ko lalo ang mga kalaban ko sa finish line. Ang saya ko sobrang saya dahil sa pagkapanalo namin.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon