KABANATA 13

1.4K 31 17
                                    

KABANATA 13

AYY's P.O.V

     Umaga noon at nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Naisipan ko itong kausapin katulad ng ginagawa ng kontrabidang makukulam napanood ko sa fairytale na snow white noong bata pa ako. Gusto ko kasing alamin kung totoo bang nagsasalita ang mga salamin.

"Mirror, mirror on..." Napahinto ako dahil nakalimutan ko ang english ng pader. "Ano nga ulit 'yon? Teka ulitin ko ulit."

     Huminga ako ng malalim at saka muling nagsalita.

"Mirror, mirror on pader... Who's the smartest of them all?" Hinintay ko naman kung may mangyayaring kakaiba at kung magsasalita nga ang salamin.

     Mga ilang minuto ko din pinagmasdan ang salamin na hindi man lang nagsalita. Tatalikod na sana ako dahil parang nasayang lang ang oras ko sa wala nang bigla itong mabasag. Tila yata hindi niya kayang sagutin ang katanungan ko.

     Wala palang kwenta 'tong salamin na 'to eh. Weak! Pwe!

     Nilinis ko na lang ang mga bubog pagkatapos n'on. Lumabas ako ng kwarto para makapag almusal. Papunta na ako sa kusina nang marining ko ang katok mula sa pintuan namin.

     Sino naman kaya ito? Ang aga naman yata.

     Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Matt sa harapan ko.

     Oo nga pala... May usapan pala kami ngayon.

"Bakit ka nakatok sa pinto namin ang aga aga pa ah?" Nagtatakang tanong ko.

"'Di ba mas mukhang tanga 'pag kumatok ako sa bintana?" Napaisip naman ako sa sinabi niyang 'yon. Ano kaya 'yon?!

"Nevermind... Papasukin mo nga ako." Tinabig pa niya ako habang papasok siya sa bahay namin. Umupo agad siya sa sofa na parang akala mo siya ang hari ng bahay namin.

"Magsipilyo ka muna bago mo ko titigan. Hanggang dito naamoy ko yang hininga mong amoy panis na laway."

     My gulay! Nakatingin pala ako sa kanya. Nakakahiya naman.

"Hoy! Hindi kita tinititigan 'no!" Sagot ko at saka ko inamoy ang hininga ko. "Hindi naman mabaho ah! Ang sungit nito!"

"Mabaho naman talaga eh."

"Bobo lang ako pero hindi ako burara 'no!" Inirapan ko siya. "Sandali lang mag-aayos na ko para makapag simula na tayo."

***

"Matt kumaen na muna tayo." Pag aaya ko. Nagutom kasi ako sa dami ng nirereview kong subject para sa exam bukas. Tanghalian na rin at nagugutom na ako.

"Sige." Pagsang-ayon niya.

     Nagtungo kami ni Matt sa kusina para kumaen. Nagprito na lang kami ng kanin at nagsangag ng kanin dahil hindi ako masyadong marunong magluto.

     Pagkatapos namin kumaen ay nagligpit kami ng kinainan. Infairness kay Matt, marunong din pala s'ya sa gawaing bahay kahit na mayaman sila.

"Teka, paano mo natutunan ang maghugas ng pinggan?" Nagtatakang tanong ko.

"Inaral ko." Patuloy lang siya sa kuskos ng mga pinggan. "Hindi natin hawak ang posibilidad na baka maging mahirap kami kaya bago mangyari 'yon, inaral ko na."

"Ahhhh." Tumango-tango lang ako at tinulungan ko siyang magsalansan ng mga pinggan sa lalagyan.

"Naintindihan mo ba?"

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon