KABANATA 28.01

339 11 5
                                    

KABANATA 28.01

AYY'S P.O.V

Dumating ang araw ng lingo. Eto na ang pinakaabangan naming party. Ang Early Graduation Ball. Pero mamayang gabi pa iyon. Kaya beauty rest muna kaming tatlo ni Nerdine dito sa bahay ni Chin.

"Girls ilagay natin 'tong bodyscrub sa buong katawan natin. Para mamaya pantay-pantay ang kulay ng balat natin." Sabi ni Chin.

"Pwede ba 'yan sa buhok? Hindi kasi pantay-pantay ang kulay ng buhok ko eh. May uban kasi ako eh." Nagtatakang tanong ko kay Chin.

"Ayy bakit ang bobo mo? Sa talangka ka siguro pinaglihi ng nanay mo 'no?!" Natatawang hirit ni Nerdine.

"Hindi ha! Sa buko ako pinaglihi ng nanay ko. Ung maraming maraming sabaw sa loob." Pagtatanggi ko.

"Ay tae kaya naman pala sabaw ang utak mo." Sabat naman ni Chin.

"Hard nyo sa'kin ha!" Sagot ko.

Nagtungo na kami ni Nerdine sa cr para maglagay ng body scrub. Makalipas ang thirty minutes ay lumabas na kami at bumalik sa kwarto para hintayin si Chin na nasa kabilang cr at naglalagay din ng body scrub.

Mga ilang saglit ay may kumatok sa pintuan ng kwarto kaya naman binuksan ko ito.

Nakakahiya naman kung isasarado ko diba?

"Whaaaaaaa!" Takot na takot na sigaw ko nang makita ko ang isang tao na kulay green ang mukha. "Mga kapit bahay saklolo. May allien sa bahay nila Chin!" Dagdag ko.

Nahagip ng paningin ko ang payong na nakalagay sa stand at kinuha ko ito at pinukpo ko ng malakas ang allien.

"Walang'ya kang allien ka! Layas! Umalis ka dito sa bahay ng kaybigan ko!" Sabi ko patuloy pa rin ako sa pag pupok ng payong sa panget na allien na 'to.

"Aray! Bebs! Tama na! Ako 'to si Chin." Sabi niya habang sinasangga ng kaniyang braso ang hampas ko.

Bigla akong natigilan sa narining ko.

"Hala bakla sorry! Hindi ko naman alam na ikaw pala 'yan." Pagpapaumanhin ko.

"Ewan ko sa'yo Ayy! Nakakaloka. Ikaw namang nerd ka bakit hindi mo 'to inawat?!" Sabi ni Chin na binalingan ng inis si Nerdine.

"Bulag ka ba bakla? Kita mong busy ako sa pagrereply ng text sa boyfee ko eh." Sagot ni Nerdine.

"Boyfee.. boyfee.. sus magbibreak din kayo." Bulong ni Chin.

"Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong ni Nerdine.

"Wala! Sagot ni Chin.

"Eh Chin, ano ba kasing nagyari sa mukha mo? Paano ka aattend ng early graduation ball kung kulay green 'yang mukha mo?" Sabat ko.

"'Yan ang sekreto para sa blooming na feslook. Ang avocado face mask." Sagot ni Chin at minodel pa niya ang dala niyang box ng avocado face mask.

"Talaga? Gusto din namin 'yan." Biglang singit ni Nerdine.

"Naku Nerdine sa dami ng black heads mo sa mukha baka maubos 'tong face mask ko. Kaya si Ayy lang ang bibigyan ko." Sagot ni Chin sabay abot sa akin ng box ng face mask.

"Ah ganon? So pag tropa lang ng bida wala ng chance gumanda? Anak ng putspa!" Napaismid pa si Nerdine sa inis.

"Ano ka ba syempre gaganda ka din. Kahit inagaw mo si Man Lee Daw sa akin ayaw kong iwan ka sa ere 'no!" Tinapik ni Chin ang balikat ni Nerdine sabay abot ng isang sachet. "Ayan face scrub at face cream yan marunong ka naman siguro gumamit nyan?" Dagdag niya.

"Aba oo. Panghilamos sa mukha 'to babanlawan after thirty minutes." Masayang sagot ni Nerdine.

"Good." Sagot ni Chin sabay baling ng tingin sa akin. "Ayy ikaw naman ilagay mo lang 'yan sa mukha mo after thirty minutes pwede mo na 'yan tanggalin." Dagdag niya.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon