KABANATA 11
THIRD PERSON's P.O.V
Alas syete pasado na at nagmamadaling tumakbo si Gynn papasok ng banyo para maligo. Tanghali na siya nagising dahil napuyat siya sa paggawa ng kanyang lesson plan na gagamitin niya sa kanyang klase. Sa sobrang dami ng gawain niya kagabi ay hindi pa niya natatapos ang iba pa niyang gawain sa school.
Dalawang minuto lamang ang lumipas nang lumabas siya sa banyo. Nagmamadali siyang magbihis dahil malelate na siya sa kanyang klase.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na malelate siya kaya naman bigla niyang naisipan na humanap ng student assistant na pwedeng tumulong sa kanya. Babayaran na lamang niya ito sa serbisyo na matatanggap niya.
Halos hingalin si Gynn sa sobrang pagmamadali. Pakiramdam niya ay para siyang sumali sa minute to win it na laging hinahabol ang bawat minuto sa pagkilos. Bigla nalamang siyang umiling-iling nang makita niya ang kanyang reflection sa salamin.
"Mabuti na lang, kahit nagmamadali ako- hindi ko nakalimutang isuot ang brief ko."
Kinuha niya ang kanyang mga gamit at sumakay sa kanyang black na sports car. Pinaandar niya ito ng mabilis papunta sa school.
Nang makarating siya sa Mata Lino High School ay agad niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa parking area at kinuha niya ang kanyang mga gamit ko. Binilisan niya ang lakad papunta sa classroom ng Fourth Year - Section C nang bigla niyang maalala ang plano niyang pagkuha ng student assistant. May ideya na siya kung sino ang estudyanteng nais niyang kunin.
Pagkadating niya sa classroom ng Fourth Year - Section C ay namangha siya sa ganda at aliwalas dahil bagong decorate ang silid.
"Good morning class." Masayang bati niya sa kanyang estudyante. Nilibot pa niya ang kanyang tingin sa bawat isa.
"Good morning Sir Gynn." Sabay sabay na bati ng mga estudyante niya.
"Wow ang ganda ng classroom ngayon sino ang nag-abala para dito?"
"Sir kami po nila Devon, Ayy at Matt." Sagot naman ng estudyante niyang si Chin.
"Ah okay... Salamat Chin."
Biglang nakaramdam si Gynn ng kakaiba sa reaksyon ni Chin sa kanya. Tila namula ito na parang kamatis at nagpapacute pa sa kanya. Pinalampas na lamang niya ito at itinuon ang atensyon sa ibang bagay.
"Anyway, dahil masyadong tambak ang gawain ko ngayon- kaylangan kong maghire ng isang student assistant." Sabi ni Gynn sa buong klase.
Halos lahat ng kababaihan na estudyante niya ay nag-uunahang mag-taas ng kanilang kamay dahil sa kagustuhan na maging assitant niya. Maliban kay Ayy na namumukod tanging abala sa paglalaro ng flames sa dulong pahina ng kanyang note book.
"Sir Gynn ako na lang po. Kahit walang bayad basta makasama lang kita?" Sabi ng isa sa kanyang estudyante.
"Hindi ko akalain na maraming gusto ang maging assitant ko. Pero may napili na ako." Pabitin na sabi ni Gynn at dinako niya ang tingin kay Ayy. Napansin nito ang pagiging abala ng dalaga kaya naman nilapitan niya ito para tingnan kung ano ang ginagawa ng dalaga.
Bigla naman inangat ni Ayy ang kanyang mukha at nagulat siya na makitang nasa harapan na niya ang kanyang guro na si Sir Gynn. Kaya naman bigla itong namula at pilit tinakpan ang sulat sa kanyang notebook gamit ang kanyang dalawamg kamay.
"Ah... Eh... Nad'yan po pala kayo Sir Gynn." Sabi ni Ayy na kasing pula na ng kamatis ang mukha.
Hindi pinansin ni Gynn ang sinabi ni Ayy bagkus ay hinawakan niya ang malambot na kamay ng dalaga at isinama papunta sa unahan ng kanilang classroom. Nakaramdam ng kilig ang dalaga habang pinagmamasdan ang kamay nila ni Gynn na magkahawak.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...