KABANATA 9

1.7K 33 22
                                    

picture of Devon sa side

 ***

KABANATA 09

THIRD PERSON's POV

     Gigil na gigil si Matt sa pagpindot ng kanyang tablet dahil naglalaro siya ng flappy bird at hindi man lang siya maka-score kahit isa.

"Bwisit na ibon 'to! Ang laki kasi ng bunganga kaya lagi akong natataya!" Sigaw ni Matt at inihagis nito ang kanyang tablet.

"Hahahaha!" Bigla naman siyang napakunot ng noo dahil sa pagtawa ng kanyang pinsan.

     Ano na naman kaya ang tinatawa-tawa nito? Ilang araw na siyang ganyan eh. Sa isip-isip ni Matt.

"Psst!" Sitsit ni Matt kay Devon, lumingon naman ito sa kanya. "Anong problema mo? Ang saya mo yata." Dagdag nito.

"Ah wala... May kausap lang kasi ako at nakakatawa ang mga text nya." Sagot nito sa kanya. Patuloy lang ito sa pagtawa.

     Ngayon lang nakita ni Matt na nagkaganito ang pinsan niya. Dati naman hindi ito nakikipag-textmate kung kani-kanino at tsaka masyadong moody ang personalidad ng pinsan niya para tumawa ng ganito kadalas.

"Kilala kita. Ganyan ka lang kapag may pinag lalaruan ka. Umamin ka nga?!" Pagdududa ni Matt at kinilatis niya ang reaksyon ng kanyang pinsan.

"Wala! At teka, ano namang pakialam mo kung meron nga?!" Tinaasan ni Devon ng kilay si Matt. "Mag laro ka na lang ng flappy bird d'yan nang maka-score ka naman." Dagdag niya at tumawa na naman ito ng walang patid.

     Tumunog naman ang cellphone ni Matt at agad nitong pinindot ang accept button kahit na unregistered number ang nakalagay sa screen. Itinapat nito ang kanyang cellphone sa tainga niya at saka sinagot.

"Hello, sino 'to?" Nagtatakang tanong ni Matt.

"Si Ms. Ramos 'to Matt. Nakalimutan kong sabihin sa inyong mga class officers na gumawa ng decorations para sa classroom natin ." Sabi ng teacher niya sa kabilang linya.

     Decorations? Anong okasyon? Tanong sa isip ni Matt.

"May okasyon po ba ma'am?" Tanong ulit nito sa teacher niya sa kabilang linya.

"Wala naman. Gusto ko lang presentable ang classroom natin, just in case may dumating na bisita. Sige 'yon lang at kayo ng bahala." Sagot nito sa kanya.

"Sige po ma'am." At pinindot na ni Matt ang end button ng kanyang cellphone.

     Teka ano namang alam ko sa pag dedecorate? Eh kahit nga ata mag drawing hindi ako marunong. Sa isip-isip ni Matt.

     Agad niyang binaling ang kanyang tingin kay Devon na patuloy parin sa pag tetext. Nilapitan ito ni Matt para ibalita ang pagtawag ni Ms. Ramos sa kanya.

"Hoy Devon, tumawag si Ms. Ramos sa akin. Gumawa daw tayo ng decorations para sa classroom natin." Sabi ni Matt.

"Ah 'yon lang ba? Okay." Nagkibit balikat pa ito. "Wait I almost forgot, tayo lang dalawa ang gagawa? So paano 'yong secretary?" Tanong ni Devon at patuloy pa rin sa pagtetext.

"Sa ayaw at sa gusto n'ya sasama s'ya sa ating gumawa. Bukas na bukas ay dadalhin ko s'ya dito. Gusto ko by monday- tapos na lahat. Ayaw kong patagalin pa 'yan." Bossy na pagkakautos ni Matt.

"Whe! 'Yon ba talaga ang dahilan, Matt?" Tiningnan ni Matt si Devon ng masama. "If I know, may gusto ka kay Ayy at nagpapakitang gilas ka lang sa kanya." Pang-aasae nito at nilapag nito sa glass table ang kanyang cellphone na kanina pa niya hawak.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon