KABANATA 27

378 11 2
                                    

KABANATA 27

<Ayy's POV>

Kinabukasan habang naglalakad kami nila Devon at Chin papunta sa may canteen ay nadaanan namin ang bulletin board. Nakapaskil doon ang mga grades namin sa exam. Syempre sa aming tatlo ay ako lang ang bagsak. Pero okay lang inaasahan ko naman na hindi talaga ako papasa. Napatingin ako sa isang poster na nakaagaw ng atensyon ko.

"Hoy tingnan niyo ito. Seniors Early Graduation Ball. February 26, sunday. The party starts at 8pm. Wear your best formal attire. See you there." Pagbasa ko sa poster.

"Wow tara punta tayo dali!" Masayang pag-aaya ni Chin.

"Oo nga Ayy sumama na tayo. Mukhang mag eenjoy naman tayo eh." Pag-sangayon ni Nerdine.

"Naintindihan niyo? Paki-translate naman oh. Hindi ko kasi nagets." Sabi ko at saka kumamot ng ulo.

"Loka! Sabi may party daw sa linggo alas-8 ng gabi. Magsuot daw ng gown." Pag-papaliwanag ni Chin.

"Ano Ayy sumama na tayo ha?! Please. Sige ka hindi ka na namin bati pag hindi ka sumama." Pangongonsensya ni Nerdine.

"Oo na sige na. Sasama na ako. Pero Chin ipangako mo aayusan mo kami ni Nerdine." Sabi ko.

"Sure 'yon lang pala eh. Tara balik na tayo sa classroom." Pag-aaya ni Chin.

Bumalik kami ng aming classroom at kalat na ang balitang may magaganap na graduation ball. Naghahanap na rin 'yong mga classmates kong lalaki kung sinong pwedeng makadate. Habang ang mga girls naman nag-iisip na kung anong susuotin nila.

"May susuotin na ba kayo?" Tanong ko kila Chin.

"Wala pa nga eh. Mamaya magpunta tayo sa mall para tumingin ng susuotin." Pag-aaya ni Nerdine. Si Chin naman malalim ang iniisip mukhang nalilito yata kung anong susuotin niya.

Bumalik kami sa kanya-kanya naming upuan. Napansin kong nakatingin sa akin si Matt parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"May sasabihin ka ba sa akin Matt?" Nagtatakang tanong ko. May nilapag lang siyang papel na nakatupi at saka lumakad palabas ng classroom.

Binasa ko naman yung laman ng papel. Nakalagay ay "can you be my date?."  Hindi ko alam kung papayag ba ako sa tanong niya. Ayaw ko naman kasi na mamisinterpret niya na naman ako at umasa na naman siya. Ayaw ko siyang saktan sa pangalawang pagkakataon.

Matapos iyon ay balik klase na naman kami dahil dumating si sir Gynn.

"Good day sir!" Bati naming lahat sa kanya.

"Good day class. You may take your sit." Sagot nito.

"Oh balita ko may early graduation ball kayo ah." Panimula ni sir.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon