KABANATA 3
THIRD PERSON'S P.O.V
Ano bang studyante meron 'tong school na papasukan ko? Tanong sa isipan ni Gynn habang naghihintay siya sa labas ng principal's office.
Nababagot na siya sa paghintay sa principal kaya kuna anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya.
"Kanina yung babae galit na galit sa akin at bigla akong sinugod. Tapos pag baba ko naman ng kotse ko, akala mo nakakita siya ng artisa." Bulong ni Gynn sa sarili niya.
Hindi naman sa sinasabi niyang artistahin ang kagwapuhan niya pero parang ganoon na rin 'yon.
Habang naghihintay siya ay may narinig siyang mga yabag ng paa. At dumating na nga ang principal na kanina pa niya hinihintay.
"Good morning sir." Masaya at magalang na bati ni Gynn sa principal.
"Goodmorning pasok ka na lang. Pasensya ka na kung pinaghintay kita ng matagal." Turan ng principal habang binubuksan yung lock ng pinto.
'Pag bukas no'n ay pumasok na silang dalawa sa opisina.
"Have a sit Mr. Orquia." Utos ng principal sa kaniya.
Sinunod naman ni Gynn ang utos sa kaniya. Pagkaupo niya ay inabot sa kanya ng principal ang isang folder na naglalaman ng exam at answer sheets.
"Paki sagutan na lang sa answer sheets. Nanjan ang instructions sa taas. May isang oras ka lang para sagutan yan." Paliwanag ng principal sa kanya.
Ganadong sinagutan agad ni Gynn ang exam. Wala siyang sinayang naoras na ibinigay sa kanya ng principal.
Nakatingin lamang ang principal kay Gynn habang hinihintay itong matapos.
Wala pang isang oras at natapos ni Gynn ang exam. Madali lang para sa kanya ang pagsusulit na iyon.
"Ok tatawagan ka nalang namin if pasado ka sa exam. At kung kelan ang orientation at start ng training mo." Sabi sa kanya ng principal habang tinitingnan yung mga sagot ni Gynn sa answer sheets.
"Cge po sir. Salamat po." At lumabas na si Gynn ng opisina ng principal.
Biglang akaramdam si Gynn ng tawag ng kalikasan. Naiihi na siya. Kaya naman naglakad-lakad siya para hanapin ang c.r.
Madali lang niyang nakita ang c.r, mga ilang hakbang lamang ito mula sa parking lot.
Naimpress si Gynn sa malinis na c.r ng school. Nakatiles din ang sahig nito at may tatlong cubicle sa loob. May mga salamin at lavatory sa loob. At meron ding mga ihian na nakakabit sa pader nito.
Dahil sobrang ihing-ihi na si Gynn ay hindi na siya nag-abala pang pumasok sa cubicle para umiwi. Nagtungo na lang siya sa mga nakakabit na ihian sa pader na malapit sa pinto.
Habang nakatayo si Gynn at sarap na sarap sa kaniyang nararamdamang ginhawa ay laking gulat niya na bumukas ang pinto. Bigla siyang napabalikwas dahil sa nakakabinging tili ng babae.
"Aaah!" Napasigaw na din si Gynn sa nagyaring kahihiyan.
"Bastos bastos bastos!" Sigaw ng babae na namumula na sa sobrang hiya dahil sa ginawa niyang pagpunta sa c.r ng mga lalaki.
Sa isip-isip ni Gynn ay masyadong tatanga-tanga ang babae para pumasok sa c.r ng mga lalaki. Mabilis niyang tinago ang kanyang pagkalalaki sa kaniyang pantalon at hinarap ang babaeng na siyang bumukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...