KABANATA 14

1.3K 31 9
                                    

IKA-LABING-APAT NA KABANATA

AYY'S P.O.V

Matapos ang nakakahilong bar exam este, first periodical exam pala. Shutang iners naman kasing exam na 'yon, napakahirap. Mabuti na lang wala akong buwanang dalaw kung hindi naku baka na-menopause na ako ng hindi oras. Nakakaubos kasi talaga ng dugo, eh. Hindi lang nosebleed ang aabutin mo, pati un perlas ng silanganan duduguin din.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at katext ko si Sir Gynn. Sila Mama, Papa at Isang naman ay nakuwi na kaninang tanghali mula sa pinuntahan nila. Abala sila ngayon sa baba sa panonood ng teleseryeng Forevermore. Panigurado kilig na kilig na naman sila sa bidang si Agnes at Xander.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko na Nokia 3310 Ayy-Phone at dali-dali kong binuksan ang text na iyon.

Sir Gynn: Bakit kayo magkaholding hands ni Matt? Akala ko pa naman crush mo 'ko.

OMG! Hindi kaya galit na siya sa akin? Kasalanan ko 'to, eh. Bakit pa kasi ako nakipag-deal sa kanya? Paano na 'to? Ano ng gagawin ko? Sasabihin ko na ba ang totoo?

Ayy: Sir, alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang crush ko.

Pagkatapos magsend ng message ko para kay Sir Gynn ay sinubukan ko munang mag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin. Kaya lang biglang sumakit ang ulo ko kaya itinigil ko na lang.

Bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Sir Gynn na, 'yon pala si Matt- tumatawag siya. Sinagot ko naman 'to.

"Hoy! Bakit ba ang tagal mo sumagot?" Iritableng sabi ni Matt na nasa kabilang linya.

"Wala bang hello muna, Matt?"

"Sorry." Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Bakit ka pala napatawag?"

"Kasi 'yong resulta ng exam, bukas na."

"'Yon lang ba? H'wag kang mag-alala hindi ka babagsak d'on- ang talino mo kaya." Nilagay ko naman sa kabila kong tainga ang cellphone ko. "Isa pa, alam ko na ang tungkol d'yan. Bakit mo pa sinasabi sa akin?"

"Tanga! Hindi ako ang babagsak. Ikaw!" Tumawa siya ng malakas.

Bwisit 'to!

"Wow, ha! Sorry naman!"

"Sorry, nabigla lang kasi ako. Iniisip ko kasi kapag bumagsak ka baka hindi ka tumupad sa deal natin."

Naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya. Bigla tuloy akong nalungkot kahit na naiinis ako sa t'wing maaalala ko ang tungkol sa deal na 'yan. Ewan ko ba. Siguro dahil na rin sa tono ng boses n'ya.

"Itutuloy pa rin natin 'yon. Ang usapan ay usapan basta tumupad ka rin sa usapan." Sabi ko.

"Salamat. I-i love you." Nauulat siya. Nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yon.

Nakadrugs ba 'to?

"A-no ba 'yang joke mo- ang sakit sa tiyan." Napatawa na lang ako ng peke. "Sige bye na, may gagawin pa ako." In-end call ko na ang tawag.

Nakakakilabot naman 'yon. Ang weird talaga ng taong 'yon minsan. Paiba-iba ng mood.

Bigla na namang ulit tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Matt na naman 'yon. Si Sir Gynn pala. Mabuti naman.

Sir Gynn: Nagseselos kasi ako sa inyo ni Matt.

Grabe! Ang lakas ng tibok ng puso ko sa text ni Sir Gynn, halos gusto ng kumawala ng nito ko sa dibdib ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon