KABANATA 2

2.7K 53 21
                                    

KABANATA 2

THIRD PERSON's P.O.V

     Hindi mawala sa isip ni Matt ang dalagang si Ayy na first day of school pa lamag ay bukod tanging na kanyang karisma sa binata. Kakaiba ang dalaga para sa kaniya, ngayon lang kasi siya nakakilala ng ganoong klase ng tao. Kahit na pinagtatawanan dahil sa kanyang pagiging laampa o kakulangan nito ay nakukuha pa rin niyang ngumiti. 'Yung ngiti na kakaiba sa lahat.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Devon habang hinahalo yung kape nya. Sa isang coffee shop sila dumeretso pagkatapos ng kanilang klase.

"Wala ka na dun." Iritableng sagot ni Matt.

"What the hell. Nice answer cousin." Tinaasan lang siya ng kilay nito.

     Biglang naalala ni Matt ang sinabi ni Ayy na bagay sila ni Devon. Iniisip niya na marahil hindi nakikinig ang dalaga kanina sa klase kaya niya ito nasabi.

"Umuwi na tayo." Sabi ni Matt at hinila si Devon sa kinauupuan nito. Kinuha naman nito agad ang kanyang iced cold coffee na nakapatong sa mesa.

     Nag pumiglas si Devon dahil sa madiin na paghawak ni Matt sa kanyang braso at ayaw pa din niyang umuwi. Kaya naman natapon ang kanyang hawak na iced cold coffee sa damit ng napakagwapong binata na naroon din sa coffee shop.

"Sh*t!" Nabiglang sigaw ng gwapo binatang si Gynn habang pinagmamasdan ang kanyang suot na royal blue na polo na namantsahan ng iced cold coffee.

     Interview pa naman niya sa isang school para sa kaniyang ojt bilang isang trainee teacher doon.

"Ay sorry ayaw mo kasi tumabi d'yan kaya ka niya natapunan." Walang galang na sabi ni Matt sa kanya.

"Ay sorry naman ha!" Sigaw ni Gynn sa binata.

     Nararamdaman niya ni Gynn ang labis na inis dahil sa walang galang na pananalita sa kanya. Siya na nga 'tong natapunan siya pa 'tong nabastos. At mas lalo siya nainis dahil sa tinawanan lang siya ni Devon na hindi alintala ang ginawa nito sa kaniya. At nakuha pa nitong umalis ng hindi man lang humihingi ng paumanhin sa kaniya.

     Iniisip niya na iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Hiling niya na sana ay hindi katulad ng mga batang 'yon ang magiging estudyante niya.

     Bumalik siya sa kotse para makapagpalit ng malinis na polo para presentable siyang makakaharap sa kanyang interview. Pagkatapos ay pinatakbo niya ang kaniyang kotse papunta sa school na kung saan siya nakaschedule ng interview.

Matta Lino High School

     Kasalukuyan ipinarada ni Gynn ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng school. Napansin niya na wala ng estudyante ang naroon dahil kanina pa nag-uwian ang mga ito.

     Nag lakad siya papunta sa office ng principal. Pagkadating niya ay kinatok niya ang pinto.

"Tuloy!" Isang sigaw galing sa loob ng opisina ng principal.

     Agad naman pumasok si Gynn sa loob ng principal's office tulad ng pahintulot sa kaniya.

"Good afternoon sir." Magalang na bati niya sa principal. Siguro mga nasa 50+ na yung edad. Mejo may puting buhok na. Hindi s'ya masyadong matangkad, nakasalamin at mukang masungit.

"Good afternoon, have a sit." Sabi sa kaniya ng principal.

     Napansin niya ang pangalan na nakasulat sa glass na nakapatong sa kanyang mesa- Mr. Matta S. Lino, MBA, Ph.D. (Principal / Owner)

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon