KABANATA 17

1.1K 22 4
                                    

KABANATA 17

AYY's P.O.V

"Ate, tulungan mo 'ko... Parang awa n'yo na po." Nagmamakaawang sabi ko sa babaeng dumaan sa harap ko.

"Eww! Nakakadiri ka!" Singhal niya. "Umalis ka nga sa harapan ko! Ang bahu-baho mo!" Napabuntong hininga na lang ako sa inasa n'ya.

    Isa-isa kong nilalapitan ang mga bawat taong dumaraan sa harapan ko para humingi ng tulong. Pero kahit isa sa kanila ay walang naglakas loob na pagbigyan ako. Nakakalungkot dahil kasabay noon ay panlalait, pinandidirihan, modus lang daw ito at isa akong kawatan na humihingi ng limos. Nakapamapanghusga!

     Nakakainis kasi eh! Bakit ba ngayon pa ako sinapian ng kamalasan?

     Nakakaramdam na ako ng kawalan ng pag-asa na may taong tutulong sa akin. Ngunit tila isang anghel ang natanaw ko mula sa kalayuan. Agad akong tumakbo at nilapitan ko siya upang humingi ng tulong.

"Chin!" Tawag ko sa kanya. "Tulungan mo 'ko. Parang awa mo na."

"Ay bakit may unggoy dito? Hindi lang 'yon- nagsasalita pa. Teka unggoy ka ba talaga o basura? Confused eh ang dumi mo at ang panget mo." Panlalait nito.

     'Tong bruhang 'to- kung makapagsalita akala mo kagandahan. Mukha namang kinawalang na tansan. Ano kayang magiging reaksyon mo 'pag nalaman mong ako ang kaybigan mo?

"Gaga! Hindi ako unggoy at lalong hindi ako basura. Ako to si Ayy!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Sige nga, kung si Ayy ka talaga- paano tayo nagkakilala?"

"No'ng grade one tayo nagkakilala. Dahil sa katangahan ko, aksidente akong nakapasok sa C.R ng mga lalaki at kitang-kita kita habang umiihi. Suot mo pa nga ang panty ng nanay mo na kulay pink eh!"

"Nakakaloka! Ikaw nga 'yan Ayy." Napatili siya. "Teka... Anong nangyare sa'yo?"

"'Eto nagswimming sa basurahan."

"Bakit, excited ka sa summer?" Pagbibiro niya. "S'ya tara sa amin at aayusin natin 'yang mukha mo."

     Salamat Lord! Akala ko wala na talagang tutulong sa akin.

     Sumama naman ako sa kanya at naglakad kami ng pitong kanto papunta sa bahay nila. Medyo may kalayuan ang bahay nila at masakit sa paa ang mahabang lakaran. Pero ayos lang dahil sa wakas may tumulong na sa akin at mapupuntahan ko na rin si Matt pagkatapos nito.

     Pagkarating namin sa bahay nila ay walang tao. Nasa trabaho daw ang nanay at tatay n'ya habang ang ate n'ya naman ay nasa mall at nakikipag date sa boyfriend nito. Pinapasok n'ya ako sa bahay nila. Maganda ang bahay- kumpleto sa gamit at appliances. Hindi maipagkakaila na may kaya talaga sila Chin sa buhay.

     Pinaligo n'ya muna ako habang s'ya ay abala sa paghahanda ng aming makakain. Kaya sinulit ko na ang pagkakataon para malinis ko ang aking nanlilimahig na katawan.

     Pagkatapos ng dalawang oras sa pag hilod, paglilinis at pagbababad ay lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa kusina kung nasaan si Chin. Tanging tapis lang ng tuwalya ang suot ko. Paglapit ko sa kanya bigla na lang itong nagsisisigaw.

"Aaah! Saklolo rape!" Tinakpan pa n'ya ng kanyang dalawa braso ang kanyang dibdib.

"Hoy 'te h'wag kang assuming! Never kang nagkaroon ng boobs 'no!" Pambabara ko sa kanya. "Isa pa hindi ako baliw para mangrape ng bakla."

"Sorry nacarried away lang, akala ko kasi tinubuan na ako ng instant boobs eh." Napatawa na lamang siya "Anong kaylangan mo?"

"Wala akong dalang extra na damit. Pwede bang akong humiram sa'yo?" Bigla akong nahiya sa kanya.

Crush ko si Teacher [CKST] - completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon