KABANATA 12
AYY's P.O.V
"Grrr!" Panggigigil ni Sir Gynn habang tinatapan niyang pilit ang plato sa mukha ko.
"Araaaay! Tama na!" Angil ko at saka ko tinanggal ang platong nakatapal sa buong mukha ko.
"Alam mo ba ang ginawa mo?! Muntik mo ma akong halikan!" Iritableng sabi ni Sir Gynn. "Ganyan ka ba talaga?!" Dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Muntik ko na siyang mahalikan? Eh diba nga ako ang hinahalikan niya na parang walang bukas?
"E-eh ikaw kaya d'yan Sir. H-hinalikan mo ako tapos--" Naputol na sabi ko.
"Hindi kita hinalikan. Nagdedaydream ka lang." Tinalikuran niya ako at saka humarap ulit. "Nagdra-drugs ka ba? O masyado ka lang high sa kagwapuhan ko kaya kung anu-ano ng naiisip mo?" Ngumisi siya ng nakakaloko.
Bigla kong naramdaman ng hiya sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung anong dapat kong gawin. Parang natataranta ako at gustong magtago at h'wag ng magpakita sa kanya. Mukhang halata na ako. Mukhang alam na niya na gusto ko siya.
Naramdaman ko na lang na may patak ng luha ang tumulo sa mata ko.
"A-Ayy, sorry. Hindi 'yon ang ibig ko sabihin-" Naputol na sabi niya.
"S-sorry Sir Gynn. Aalis na lang po ako. Sa ibang araw na lang po ulit." Sabi ko. Napayuko na lang ako habang pinupunasan ang luha ko. Hindi ko nalamayan na nabunggo ko na pala ang pintuan.
"Aray ko."
"Tulungan na kita."
"Kaya ko na 'to sir. Goodbye po." Sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tuluyan na akong lumabas ng bahay niya.
Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa bahay ni Sir Gynn. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang gusto kong makalayo. Gusto kong makalimutan 'yong nangyaring kahihiyan kanina.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang play ground. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagod at paghingal dahil sa pagtakbo. Kaya naman umupo ako sa swing.
Napatingin ako sa malayo at nakatulala habang tumatakbo na naman sa isipan ko ang nangyari kanina.
Lagi na lang akong napapahiya sa harap niya. Ang tanga-tanga ko kasi eh. Bakit ba ako ipinanganak na malas? Wala ba akong karapatang kumilos ng hindi napapahiya. Puro na lang ba epic failed ang nagyayari sa akin kapag nand'yan siya? Kung ganito ako ng ganito palagi sinong lalaki ang magmamahal sa akin na isang lampa, shunga at epic na tulad ko?
Nasasaktan din naman ako dahil sa walang pagbabago sa buhay ko. Gusto ko lang naman si Sir Gynn eh- masama ba yun? Masama ba ang pangarapin at mahalin ang tulad n'ya? Gwapo s'ya, mabait, matcho at matalino pa. Halos perpekto na s'ya- kaya kahit sino magkakagusto sa kanya. 'Yon nga lang sadyang ang malas ko talaga. Hindi kami bagay ni Sir Gynn. Hindi ang tulad ko na tatanga-tanga ang magugustuhan niya.
Tapos ngayon ginawa pa n'ya akong student assistant. Eh alam naman nyang mahina ako sa Math. Ano namang magagawa ng epic failed na tulad ko para matulungan s'ya? Dapat ko na ba 'yong ikatuwa dahil makakasama ko na siya kahit paano? Parang hindi... Lalo lang akong mapapahiya sa kanya.
Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang panyo ko para ipampunas sa luhaan kong mata. Pero nawawala yata ang panyo ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko at pinunasan ko na lang ang luha ko gamit ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...