KABANATA 16
AYY's P.O.V
Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay bigla na lang nag-walkout si Nerdine. Nag-alala ako para sa kanya. Kaya nag-paalam ako kay Ms. Ramos na baka kung pwede ay sundan ko siya. Pinayagan naman niya ako basta bumalik din daw kami agad.
Hinanap ko si Nerdine kung saan-saan lupalop nitong school. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya sa rooftop. Nagsesenti ang loka! Nakuha pa n'yang magpatugtog ng malakas gamit ang ang kanyang mp3 player.
Kahit Sandali by: Jennylyn Mercado
Bakit ba hindi ko mapigilan ang nadarama ng puso ko?
Kahit na alam kong mayr'on kang iba, nadarama pa rin ang init ng pagmamahal mo.
Nilapitan ko si Nerdine iyak pa rin siya ng iyak.
"Bakit ka ba umiiyak d'yan?" Nag-aalalang tanong ko. Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit at humagulgol s'ya.
Kaya kong ialay ang lahat sa'yo. Kahit ako'y 'di mo gusto.
Nais lang na minsa'y makapiling ka. At minsa'y madama...
"Mahal ko s'ya. Mahal na mahal." Hinagod ko ang likod niya. "Ngayon ko lang 'to naramdaman. Ang sakit pala na may ibang mahal ang taong mahal mo."
Kahit sandali pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang.
Mayakap ako at mahagkan kahit 'di mo mahal.
Ang pag-ibig ko'y sa'yo lamang.
"Teka Nerdine, tomboy ka? Mahal mo si Ms. Ramos?" Naguguluhang tanong ko.
"Ayy naman eh! Hindi ako tomboy. Mahal ko nga s'ya diba?" Humagulgol lalo siya. Paano ko ba siya i-ko-comfort kung hindi ko naman siya maintindihan. Sino ba talaga ang mahal n'ya?
'Di ako aasa at maghihintay sa pag-ibig nang tulad mo.
Tama na nang minsa'y nakapiling ka at nadama ang init ng pagmamahal mo.
"Sino ba 'yong mahal mo Nerdine?" Hinahagod ko pa rin ang likod niya. Bumitaw siya ng pagkakayapa sa akin.
"Si Chin. Matagal ko na siyang gusto kahit alam kong bakla s'ya. Mahal ko na nga s'ya eh. Pero, ano pang magagawa ko? May iba siyang gusto."
Kaya kong ialay ang lahat sa'yo. Kahit ako'y 'di mo gusto.
Nais lang na minsa'y makapiling ka at minsa'y madama...
"'Yon na nga diba? Bakla s'ya kaya hindi ka talaga n'ya magugustuhan. Lalaki ang type n'on eh." Sabi ko. Inabutan ko siya ng panyo at ipinunas niya iyon sa kanyang mga luha.
"Kaya nga ang sakit-sakit eh. Expected ko lalaki ang gusto niya. P-pero... Pero si Ms. Ramos pala ang type n'ya." Humagulgol na naman siya.
Kahit sandali pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang.
Mayakap ako at mahagkan kahit 'di mo mahal.
Ang pag-ibig ko'y sa'yo lamang.
Halatang nahihirapan s'ya sa nararamdaman n'ya ngayon. Siguro gan'on din ang nararamdaman ni Matt ngayon. Kaya siguro hindi sya pumasok dahil sinaktan ko siya. Ang tanga tanga ko kasi.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...