KABANATA 8
THIRD PERSON's P.O.V
My gulay! Nabungo ko yung pinaka gwapo at pinaka HOT kong classmate na si Matt. Sa isip-isip ni Chin.
Nakatatak na agad ang pangalan ni Matt sa isipan ni Chin dahil kanina pa niya sinusulyap-sulayapan ang binata sa klase nila.
Nararamdaman ni Chin na parang gusto niyang sunggaban at tadtadin ng halik si Matt dahil sa pula ng labi nito.
Ang landi ng loka! Inuna pa ang makipag-boy hunting kesa sa mag-aral mabuti.
Biglang kinilig si Chin dahil kay Matt. Akit na akit siya sa mapungay at magandang kutis ng binata. Idagdag mo pa ang kagwapuhan at malakas na dating ng binata.
Hay, Matt! Sana dalawa ang puso ko dahil crush ko rin si Sir Gynn eh. Unang kita ko pa lang dun gusto ko na talaga magladlad sa hotness na dala niyo. Sa isip-isip ni Chin.
Napabalikwas naman itong bigla ng ipitik ni Matt ang kanyang mga daliri malapit sa mukha niya.
Snap!
"Ay talong mong malaki!" Pabading at gulat na sabi ni Chin na nagpabalik sa kanya sa realidad.
"What?!" Kunot noong tanong sa kanya ni Matt. Hindi inaasahan ng binata na magiging ganoon ang reaksyon nito sa ginawa niya.
"Ah wala." Pagdadahilan niya. "Pasensya ka na pare." Nilakihan at inangasan ni Chin ang boses niya para hindi magduda ang binata sa kasarian niya.
Pare ba talaga o mare? Aba matindi!
"Ayos lang." Nag-aalangang sagot ni Matt. At tiningnan niya si Chin ng parang kinikilatis ito.
"Sige salamat. Una na ako sa'yo pare." Nagmamadaling sabi ni Chin at kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.
Pakiramdam ni Chin ay para siyang natutunaw at unti-unting nauubos na parang upos na kandila.
Marupok ang loka sa mga gwapong nilalang.
Habang kilig na kilig si Chin ay bigla niyang narinig ang pangalan niya. Kaya nilingon niya kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Hi Chin." Bati sa kanya ng babae.
Pilit inaalala ni Chin ang pangalan ng babae na pamilyar ang mukha sa kanya. Nakita na niya ito noong isang araw na may natabunan siya ng hawak niyang juice. Kamukha rin ito ng babaeng katabi niya kanina na panay ang titig sa kanya.
Abot tainga naman ang ngiti ng babae sa kanya. Dahilan para mailang at mandiri siya. Nararamdaman kasi niya na parang may gusto ito sa kanya.
Hindi pa rin niya maalala ang pangalan ng babae sa harapan niya kaya naisip niya na iba na lang ang itawag dito.
"Hi class ma---" Naputol na sabi ni Chin dahil ininterupt siya ng babae.
"You can all Devon." Nagpapacute na sagot nito sa kanya at nag-flip hair pa. Lalo tuloy nakaramdam ng matinding pandidiri si Chin.
"Ah hi ulit De---" Naputol ulit na bati niya sa dalaga dahil pinigilan ulit siya nito.
"Hmm, may kasama ka ba?" Nag-iinarteng tanong nito sa kanya.
My ghad ha! Hindi ba talaga obvious na mag-isa lang ako ngayon? Jusme tinanong pa ako! Wala kang mata ate?! Sa isip-isip niya.
"Wala na----" Sa pangatlong pagkakataon naputol na naman ang pagsasalita niya.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...