KABANATA 18
AYY's P.O.V
Nakaramdam ako ng matinding awa para kay Matt. Ang sakit ng dibdib ko at ang bigat ng pakiramdam ko sa mga nakikita ko. Si Matt na nakilala ko bilang siga ay may malambot palang puso.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang suklian ang bawat pinapakita at pinaparamdam n'yang pagmamahal para sa akin. Kahit na alam ko at alam din niya na si Sir Gynn ang mahal ko, hindi pa rin s'ya sumusuko. Umaasa pa rin siya kahit mahirap at masakit para sa kanya.
Nilapitan ko s'ya at nginitian n'ya 'ko na para bang wala akong ginawang nakakasakit sa damdamin n'ya. Nakakagulat dahil buong akala ko ay susungitan n'ya ako tulad ng lagi n'yang ginagawa.
"Bakit ka ba ganyan Matt? Ang lakas ng ulan. Sana hindi mo na ako hinintay! Sana umuwi ka na lang!" Naiinis na sabi ko. Hindi ako naiinis sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sinsaktan ko siya ng hindi ko sinasadya.
"Ayy, salamat dahil nakarating ka. Anong nangyari sa'yo? Bakit may mga sugat ka? Bakit sira ang damit mo?" Nakuha pa niyang mag-alala sa akin kaysa sa sarili niya. Gan'on na ba siya kahibang?
"Hindi mo kaylangan mag-alala sa'kin. Tingnan mo nga ang sarili mo, para kang basang sisiw. Puno ng icing 'yang pantalon mo. Namumutla ka at giniginaw ka pa. Hindi ka ba nag-aalala sa pwedeng mangyayari sa'yo?!"
Ngayon pa lang sinisisi ko na ang sarili ko kung bakit siya nagkakaganito.
"Wala 'to, malakas ako. Masayang-masaya ako ngayon. Sabi ko na nga ba darating ka. Ito ang pinakamasayang kaarawan sa buong buhay ko dahil nandito ang babaeng pinakamamahal ko." Ngitian niya muli ako.
Lalo akong naiyak sa sinabi n'ya. Alam kong mahal n'ya ako- nararamdaman ko 'yon. Kasalanan ko kung bakit s'ya nasasaktan ngayon. Ayaw ko siyang nahihirapan ng ganito pero wala akong magagawa. Si Sir Gynn ang gusto ko. Kung pwede ko lang baguhin ang laman ng puso ko- matagal ko ng ginawa.
"Matt, si Sir Gynn ang gusto ko. Patawarin mo ako kung nasasaktan kita ng ganito." Tumulo na naman ang mga luha ko. Ang bigat-bigat na talaga ng pakiramdam ko. Parang binibiyak na ang dibdib ko sa sakit. "Sana maintindihan mo 'ko."
"Hindi ako tumatanggap ng sorry. Alam kong darating ang panahon- mamahalin mo rin ako, Ayy." Sabi n'ya at saka tumingala sa langit. Ipinikit niya ang kanyang mata at pinapakiramdaman ang bawat patak ng ulan sa kanyang mukha. "Magka-iba ang paghanga sa pagmamahal."
"Hindi ko alam kung anong gusto mong iparating sa sinabi mo. Habang tumatagal mas lalo kong nagugustuhan si Sir Gynn. Sa kabila ng pagiging tanga ko at agwat ng edad namin- alam ko hindi n'ya ako mamahalin. Pero hindi ko kayang dayain ang nararamdaman ko, Matt." Pagpapaliwanag ko.
Tiningnan ako ni Matt sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang tingnan sa gan'on kalagayan. Kaya tumalikod ako sa kanya habang hindi pa rin maawat ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. At gan'on din ang ulan na walang tigil sa pagbuhos.
Ngunit lalong bumuhos ang luha ko sa ginawang pagluhod ni Matt sa harapan ko para magmakaawa.
"Ayy, please pagbigyan mo na ako. Diba pumayag ka- na ligawan kita? Diba may dare tayo na magiging girlfriend kita hanggang third grading natin? Please?" Pinahiran niya ang luha niya. At lalong nadurog ang puso ko.
"Gagawin kong masaya at memorable ang bawat araw nating dalawa. Ibalato mo na sa akin ang maikiling panahon na 'yon para maparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Pangako pagtakapos n'on ay palalayain kita. Para sa ikasasaya mo." Hindi pa rin siya tumatayo at nanatili lang siyang nakaluhod habang hinihintay ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Crush ko si Teacher [CKST] - complete
Humorby: @dolly_eyes23 Date Started: April 19, 2014 Date Ended: soon ♡Synopsis♡ Meet Ayy Tangarin, 17 years old at isang high school student. Hindi tulad ng bida siya ay hindi mayaman, hindi rin katalinuhan. Lagi kasi siyang sablay sa English at Math. Na...