Akala ko sapag lipas ng mga araw ay magagawa kong makalimutan ang kung ano mang meron sa amin ng vampire lord, minsan naiisip ko din bakit ko nga ba hinangad ang mas malalim pang ugnayan sa kanya noon? kung pwede namang mag pasalamat lamang ako ng pormal sakanya. Hindi ko din naisip ang posibilidad na kilala ko na siya noon pa, na siya pala ang bampirang nag alaga at nag aruga saakin noong bata palamang ako bago mamatay ang lolo ko at ng aking mga magulang. Dumating siya sa buhay ko nang biglaan at malugod ko naman siyang pinapasok sa normal kong buhay na unti unting na haharap sa mga panganib ng dahil sakanya. Natutunan ko siyang mahalin, higit pa sa inaasahan ko ang mga kilos at pag sasalita niya ang humuli ng tiwala ko at pagmamahal para sakanya.
Pag katapos ng ilang buwan simula noong mag karoon ng pag pupulong sa tower of elders marami ng nag bago.
Ang tungkol sa mga bampira ay nag mistulang isang alamat katulad ng iminungkahi ko noon sakanila. Ang lahat ay sumang ayon sa sinabi ko at pag katapos ay dumaan ang mga araw at linggo unti unting nawala ang takot sa puso ng marami dito horizon nakatulong din ang kasulatang pangkapayapaan ng mga bampira sa ngayon ay matiwasay na ang horizon matapos naming makabawi sa matinding pinsala na nagawa ng king.
Ngunit.
Sa twing aalalahanin ko ang mga pangyayaring iyon ay may kung anong tumutusok sa puso ko ang lamat na sadyang hindi ko kailanman magagawan ng lunas.
Aaminin kong nagawa kong lumuha noon sa harapan nila sa pag pupulong isang buwan na ang nakakalipas at hindi ko ikinakahiya ang mga bagay na iyon. Dahil mahal ko si alexander ng higit pa sa inaakala ko, araw-araw palagi akong pumupunta sa area 11 kung nasaan ang bahay ko noon at nag titirik ng kandila para sa mga namatay na, umaasa din ako na makikita ko pa si george kung sakaling mag pabalik balik ako sa distrito na iyon ngunit walang noble vampire ang bumabati sa akin doon. Masakit para saakin ang nangyayari kung kailan nagawa ko ng ibalik ang memoryang kinalimutan ko dahil sa matinding takot noon ay siya namang pag kawala ng mga itinuring na akong pamilya. Hinding hindi ko makakalimutan si Alice na palagi akong kinakarga at hinahagkab sa pisngi palagi kaming na mimitas ng bulaklak at ginagawang mga kwintas. Si george naman palagi din siyang nakasunod saamin noon sa twing aalis si alexander na tinawag kong "kuya" .Maamo ang muka ni alexander noon at hindi nagbago, ngunit ang kalungkutan sa kanyang mga mata ay nandoon parin palagi niyanh sinasabi na ako ang reyna niya na hindi ko naman maiintindihan noon dahil bata palamang ako.
Totoo palang kapag nag mahal ang isang bampira sadyang pang matagalan, akala ko din noon puro lamang pag paparaos sa mga babae ang alam nila ngunit nabago ang pananaw ko noong nag tagpo muli ang landas naming dalwa kahit kailan hindi siya gumawa ng hakbang para kuhanin ang pag kababae ko. Isa siyang matipunong lalaki na may respeto sa katulad ko.
Himinga ako ng malalim at sinuklay ang aking buhok hawak ko ngayon ang camera na pagi kong ginagamit kinuha ko din sa drawer ang treasure box na nakuha ko noon sa bahay namin sa area 11 noong huli kong nakausap si george. Binuksan ko iyon kahit wala akonh susi ginawa ko ang lahat para mabuksan ang maliit na treasure box na iyon at ngayon lang ako nag lakas ng loob na silipin ang kung ano man ang nasa loob nito.
Umupo ako sa harap ng dresser at binuksan iyon napaawang pa ang labi ko noong mga sandaling iyon mga lumang litrato, yung iba nag fade na ang kulay siguro dahil sa mainit na teperatira noong nag apoy ang bahay.
Sa litratong iyon ay may isang bata na kitang kita ang magandang ngiti niya kasama ang may hawak ng mga banal na sandata maikli ang buhok niya at kalong siya ng isang lalaki na hindi naman gaano ka tanda, napangiti ako ng bahagya ng makita ang ang sulat sa likod ng litratong iyon galing pala kay lolo faux at siya nga ang may kalong saakin.
Palagi akong kasama sa mga litratong iyon at ang huling litrato ay natupok na nang apoy ngunit kitang kita parin ang nasa mga litrato. Si alexander, ako si alice si george pati na ang kunseho ng mga bampira ay nasa litratong iyon.
BINABASA MO ANG
He's sweet kiss (a vampire story)
VampireSheril Martines was a normal girl wasting her life to find his knight and shinning armor that save him on a vampire ambush when she was a little girl. What if mag kita silang muli ? matututunan kaya niyang tiisin ang mga pagsubok sa pagkikita nila...