IX. The Encounter.

17 0 0
                                        

KINABUKASAN.

CYRIL's POV

"YAH! PWEDENG BILISAN MO DIYAN!?" Sigaw ng isang halimaw sa labas ng kwarto ko.

"OO NA! ETO NA NGA O!! bwisit." sabi ko at kinuha ko na agad yung bag ko at tumingin saglit sa salamin saka ako lumabas sa kwarto ko at bumaba ng mabilis sa hagdan-

"Yah! Magdahan dahan ka nga!" sigaw niya ulit.

"DI BA SABI MO BILISAN KO!? " sabi ko sa kanya at he just looked away from me.

Huh? Di kaya niya nagustuhan ang suot ko?

Black converse, black leggings , plain V-tshirt at nakalugay ang buhok. Kuya just said last night na walang pasok ngayon since bukas na yung event, at its about the preparation for tomorrow kaya walang pasok. May iba din kasing mga events na mangyayari sa umaga hanggang sa concert ng BTS. At sabi pa ni Kuya na gusto ko ba daw sumama sa kanya ngayon na pumunta sa concert hall na gagamitin ng BTS , at wala naman akong gagawin kaya um-oo naman ako. Ahahaha. ako pa ba?

"Oh sis? may problema ba?"

Napatingin naman ako sa kakababa lang na si Kuya. His in his black suit again.

Nagbihis siya dun sa kwarto ni Nerd, obviously.

"Pinaglihi ba talaga sa sama ng loob ang isang yun? Parang kagabi lang may lagnat tapos bumabalik na naman siya sa ugali niya! Argh! " sabi ko kay Kuya at he just patted my head.

"Yaan mo na lang yun. Masasanay ka din . " sabi ni Kuya sa akin.

"Makapag usap kayo parang wala lang ako dito a?" sabi ni Nerd na malapit sa pinto.

"Di ka na lang sana nakinig."sabi ko sa kanya.

"At ang sama naman ng ugali mo." sabi naman nito sa akin at sa di malamang dahilan ay hinabol ko ang isang halimaw at tumakbo naman din siya paalis-

"AAAHHHH!! PAPATAYIN KITA NERRRRRRDD!!!" sigaw ko nang makalanas ako sa Hallways at hinahabol siya.

VERNON's POV

Nakasunod lang ako sa dalawang yun.

Wondering why that two ended up like that? At parang kakaiba ang kinikilos ni Tristan towards sis?

Hmmm.. wala namang nangyari kagabi during dinner. Wala naman-

"Uhm Mr. Montero?" ??

Napalingon naman ako sa tumawag.

Isang student.

Nasa dorm pa ako ngayon.. naghagdan lang ako dahil ayaw ko sa elevator.

"Yes? what can I do for you?" sabi ko sa kanya.

"D-Dito po ba kayo nakatira?" sabi niya sa akin.

"A-ah? Nakikitulog lang ako. " sabi ko sak umalis agad dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan at baka hinihintay na ako nang kotse ko sa baba.

At tama nga ako nang makapasok ako sa kotse-

"You bastard! Bakit ang tagal mo!?" reklamo ni Tristan

"Wag ka ngang magreklamo! Mabuti nga dumating e! At bakit ba atat na atat kang pumunta dun sa Concert hall!? Staff ka ba dun!?" sabi ni Sis kay Tristan at naramdaman ko namang umandar na yung kotse.

"Bakit? Mga staff lang ba pwedeng pumunta dun!? at tsaka inimbitahan ako ng magaling mong Kuya na pumunta dun! Para namang ginusto ko to diba?!" rinig kung sabi ni Tristan.

Kunwari pa.

"At tsaka, bakit ba ganyan ang suot mo? " tanong ni Tristan kay Sis.

Nasa shotgut seat ako ngayon nakaupo tapos ang dalawa naman sa backseat.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon