Fourteen. Code 110214

10 0 0
                                    

CYRIL's POV

"o? ano daw sabi?" tanong ni Kuya sa akin.

Pumunta kasi siya dito agad nung sinabi ko sa kanya yung nangyari kanina, yung nasugatan ko si Tristan. Tapos, heto nga.. nandito agad siya sa loob. Nakasuit pa rin ito at mukhang pagod na pagod.

"Walang reply. Aasa pa ba ako sa ugali nun?" sabi ko sa kanya at umupo sa tabi ni Kuya habang hawak ang phone ko.

Humingi kasi ako nang number ni Tristan kay Kuya para humingi ng Sorry dun sa sungit na 'yun at mag explayn na rin. Ayaw niya kasing sagutin yung tawag ko, palagi lang niyang nirerejct kaya ayun, tinext ko na lang. At hanggang ngayon, no response ang mokong.

Ang sungit talaga nang ugali.

"Matulog ka na lang sis, bukas mo na lang kulitin ang isang yun." sabi ni Kuya sa akin na ikinakunot ko naman ng noo.

"Eh saan ba kasi siya nagsusuot sa ganitong oras!? Nagtatrabaho? " sarkastikong sabi ko sa kanya at natawa naman si Kuya sasinabi ko.

"Yes sis,nagtatrabaho ang isang yun. Sinabi ko na kaya yan sayo. " sabi ni Kuya na ikinataas naman ng kilay ko.

Trabaho? Yung ugaling msungit na iyon nagtatrabaho!? Are you kidding me!?

"Nagtatrabaho? May nagtatrabaho bang ang daming dalang pagkain, and mostly instant pa at isang bag na puno ng damit!? may ganun bang magtatrabaho!? Ano yun? Outing?." sabi ko kay Kuya at natawa naman ulit ito kaya hinampas ko siya sa braso para tumahimik sa kakatawa, wala kayang nakakatawa sa sinabi ko!

"Basta sis, baka trip niya lang dalhin yun at isa pa... matulog ka na at babalik pa ako sa opisina." sabi ni Kuya sa akin.

"Ha? Wala kang planong magpahinga? Alas nuwebe na nang gabi oy! " sabi ko sa kanya.

"Babalik din ako ulit dito. May naiwan lang ako dun sa opisina para asikasuhin. Sige na, matulog ka na." sabi ni Kuya at wla na akong nagawa pa kaya pumunta na ako sa kwarto at natulog.

Meanwhile..

Tristan's Pov

"Sige! Pahinga muna..." sigaw nung planner dito at agad naman akong naupo sa stage at pinunasan ang mukha ko nang mahawakan ko yu.g daplis sa pisngi.

Nakapakabobo talaga. Litsi.

"Suga.." tawag ni Jin sa akin at sabay bigay nang tubig mula sa kanya at kinuha ko naman ito at ininom.

Anong oras na ba?

"Hyung, Anong oras na?" tanong ko sa kanya nang tumabi ito sa pag-upo malapit sa akin. Hindi siya sumagot bagkus ay iba ang sumagot.

"9:40, hyung." sabi ni Taehyung at umupo sa tabi ni Jin Hyung at tumango na lang ako saka ako tumayo.

"Oy, saan ka pupunta?" tanong ni Jin hyung.

"May kukunin lang ako sa bag." paalam ko at saka ako umalis at pumunta sa room kung saan ko iniwan yung bag at may kinuha doon.

Ang isa ko pang cellphone.

Ibinulsa ko muna ito at pumasok muna sa banyo at nilock ito.

Nilabas ko yung phone at saka ako may tinawagan. Mabuti na lang at sinagot nito kaagad yung tawag ko.

(Wazzup?)
"Umayos ka nga, bwisit." sabi ko at narinig ko lang tumawa ang loko.

Siya nga pala ang isa ko pang kaibigan. I'll just let you call him, No.1 ...

(Bakit ba? Ang cool kaya nun. Ayaw mo?)

"Gusto mo sapak?"

(Aish. Nagbibiro lang eh. O siya, napatawag ka?)

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon