"So, get your notebook and copy this." sabi ni Maam at kinuha ko naman yung notebook ko at magsisimula na sanang buksan yung notebook ko nang mapatingin ako sa likuran kung saan nakaupo si Nerd- na natutulog 😒
Hindi ba yun nakatulog kagabi? Ang daya talaga ng isang yun 😒
"Psst!"
Napatingin naman ako sa katabi ko-
Si Vincent.
Oo, katabi ko siya sa oras na 'to ni Maam dahil sa sitting arrangement.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
At alam niyo? Napansin ko lang na si Vincent, Jake at yung Nerd? Ang weweird manamit.
Si Nerd .. nerd manamit. Eto namang si Vincent. May nunal sa pisngi tapos nakaglasses na malaki- pang harry potter (yung ganun) tapos yung buhok niya parang coconut pero malinis tignan , hindi gaya ni Nerd. Tapos si Jake naman- Nakasquare glasses na may makapal na frame, walang nunal at makinis lang yung balat niya. Medyo maitim yung buhok niya na parang nakaligo ng tinta..yung ganun pero malakas yung aura niya.
"Nakita ko kayo ni Tristan kanina sa Canteen." bulong niya sa akin habang nakatuon siya sa blackboard at kinakausap ako.
"O tapos?" tanong ko sa kanya.
"Narinig ko yung ringtone mo.. hehe." sabi niya na ikinagulat ko naman.
M-malapit ba siya sa kinauupuan namin kanina? o baka malakas lang talaga yung volume ng notification ko?
".. a-anong ibig mong sabihin? " sabi ko sa kanya.
"Ang ibig kung sabihin.. fan ka pala nung boy group na BTS? " sabi niya at ngumiti siya sa akin ng saglit at tumingin agad siya dun sa blackboard at pasimpleng kumokopya sa notebook niya well in fact.. kitang kita ko mula sa kinauupuan ko na iba ang sinusulat niya.
At dahil sa nakita ko siya ay sinunod ko lang yung ginagawa niya dahil baka mabuking pa kami ni Maam at palabasin sa room. Malintikan na at baka anong isipin ni Kuya kapag nabalitaan na napalabas ako sa klase. Eksaherado pa naman yun.
"Hindi masyado-"
"Bias mo si Suga?" tanong niya kaya napalingon agad ako sa kanya at magsasalita na sana ako ng biglang may pumalo sa ulo ko nang pamaypay.
"Miss Villaceran. What are you doing? Did I say-"
"Stop it Maam.. She has nothing to do with it. Its my fault. " biglang salita ni Vincent sa tabi ko.
Hindi ko alam pero napatingin ako sa likod only to find out that theNerd is staring at Maam..na parang papatayin niya ito sa tingin at nung napansin niya ata ako na nakatingin sa kanya ay tinignan niya ako with his one eyebrow and gestured 'What?' at saka inub ob niya ulit ang ulo niya sa desk niya.
Okay. Ang weird nun. Promise 😏
UWIAN
"Ms. Villaceran-"
"Just Cyril.. " sabi ko kay Vincent when he approach me nung palakad na sana ako paalis nang room.
Wondering where are those who bullies me? Nandito pa naman sila pero di na nila ako nilalapitan which is weird.
"Okay, Just Cyril 😁." sabi ni Vincent which made me look at him like seriously? This guys is dumb, tbh 😏
"Yah Vincent!" biglang sulpot ni Jake sa eksena at saka niya hinapas ng bag si Vincent sa braso.
"Bakit ba!?" inis na sabi ni Vincent sa kanya.
"You're screwed this time. Again." sabi ni Jake kay Vincent at pasimpleng tumingin kay Nerd na hanggang ngayon,nakahalumbaba parin.
BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...