VINCENT's POV (Taehyung)
"Hyung!!!!" masayang bati sa amin ni Jungkook nang makarating na kami dito sa room niya.
Niyakap niya kaming pareho ni Jimin at humiwalay naman ito kaagad nang mapansin niyang may dala kaming pagkain.
"Wow! Nag-abala pa kayo! Kamsahamnida~ " sabi niya saka niya kinuha ang mga dala namin at nilagay sa makiit na mesa sa salas dito.
Inalis naman namin ni Jimin ang mga mask sa mukha at yung coat na suot namin habang papunta kami dito. Baka kasi may makakilala sa amin kapag hindi kami nakadisguise.
Tinatamad kasi kaming mag-ala student simula nung lumabas kami sa taxi at pumasok sa isang convienience store para bumili ng makakain para dito kay Jungkook.
Si Jimin ang nakaisip nyan kaya wala na din akong nagawa pa since siya naman yung nagbayad dahil naiwan ko yung wallet ko sa dorm. Hahaha. At tsaka, alam ko naman kasimg laging dala ni Jimin yung wallet niya kaya hindi ako mamumulubi kapag naiwan ko man ang pera ko sa kung saan. Hehe.
"Hyung, Upo muna kayo." sabi ni Jungkook sa amin at umupo naman kami kaagad ni Jimin. Tapos si Jungkook naman sa sahig na may carpet umupo.
"Hoy, may upuan dito, wag ka nga diyan." saway ko sa kanya pero umiling lang ito saka binuksan yung tv.
Bigla naman akong natigilan na sawayin ulit ang batang 'to nang marinig ko ang nasa tv.
"Isang massacre po ang nangyari sa isang resort dito sa Cebu nitong mga nakaraang araw. Ayon sa mga ilang residente dito, hindi daw nila nalaman o narinig man lang ang isang putok ng baril o kaya naman sigawan. At ayun din sa kanila, napansin lang daw ng iilan dito na tahimik at may kakaiba sa loob at ito nga ang nadatnan nila."
"Wow. Grabe naman ang massacre na yan." salita ni Jungkook bago niya ito nilipat sa ibang channel.
Hindi ko alam pero napatingin kami sa isa't isa ni Jimin at ako na yung unang umiwas ng tingin.
Naramdaman ko namang kinuha niya ang celpon nito at saka siya may tinatayp. Si Jungkook naman walang kaalam alam sa kinikilos namin dahil kumakain na ito habang nakatingin sa isang pelikula sa tv.
Kukuha na sana ako nung kinakain nito nang pigilan ako ni Jimin at binigay nito sa akin ang kanyang celpon. Itatanong ko na sana kung bakit niya binigay pero may napansin ako sa screen.
Isang mensahe.
Tinignan ko siya at tinanguan niya ako bago niya tinabihan si Jungkook para siguro aliwin ito.
"Vincent, I know you know about that massacre in Cebu. Hindi ako naniniwalang lumipat ka lang sa pinapasukan kung university para maging isang student lang. Kmowing you, I know you have some plans in your minds. Siguro naman diba, sabihin mo na sa akin ang totoo kung bakit ka nandun. Are you following me, Vincent? Pinaghihinalaan mo ba ako? Kagaya ka din ba ni Trevor? Binabalaan lang kita. Kung ano man yang plinaplano mo, stop it bago pa mahuli ang lahat." -Jimin
Yan ang basa ko sa screen at tsaka ko naman siya tinignan na ngayon ay inaaliw ang batang Jungkook habang kumakain.
No, I can't tell you for now, Jimin. Kailangan ko parin ng isang pruweba at ililigtas na kita sa ganitong sitwasyon.
Ibinalik ko na sa kanya ang celpon na hindi nahahalata ni Jungkook dahil busy pa din ito sa pagkain.
*Ding*Dong
Napatingin naman ako kaagad sa pinto at saka ako tumingin kay Jungkook.
"Ako na." Pagprepresenta ko at nagpasalamat naman ang mokong.
Tss.
Binuksan ko naman kaagad yung pinto at nakita ko ang gulat sa mga mukha nung kakarating lang.
"Whoa~ V ! Buti pumunta kayo dito!" sabi ni Jhooe hyung at naunang pumasok bago yung dalawa, si Leader at Jin Hyung na binigyan ako ng bro hug bago pumunta dun sa salas.
Sinara ko naman kaagad yung pinto at pumunta dun sa mini kitchen dito at kukuha na sana ng tubig sa ref pero natigilan ako dahil sa isang presensya na hindi ko matukoy.
Nilingon ko kaagad ito at medyo napakunot ang noo nang makita ko si Jin Hyung.
"O Bakit? May problema ka ba? Hahahaha para ka namang nakakita ng multo ah." sabi nito saka niya ako dinaanan at may nilagay siya sa may lababo.
Hindi ko alam pero habang nakatalikod siya sa akin, may hindi lang ako maintindihang pakiramdam.
I shrugged it off at saka na lang bumalik dun sa salas kung saan nagkukulitan na naman sila.
"Hahahahaha, Hoy Taehyung, bakit mo naman iniwan wallet mo. Hahaha." biglang sabi ni Hopia at napatingin naman ako kay Jimin na ngayon ay may nakalalokong ngiti sa akin. Kahit alam ko namang peke ang mga ngiting yan.
"Ah. So sinabi mo na naman sa kanila? Hahaha. Sabi ngang sikreto lang natin yun!" sabi ko kay Jimin at saka pabirong dinaganan siya at pasimpleng bumulong.
"Mag-usap na lang tayo mamaya." sabi ko at saka ako umalis kaagad sa pagkakadagan sa kanya at umupo na lamang sa tabi nito.
Tumawa lamang si Jimin at pati na rin yung iba nang bumalik ulit si Jin Hyung mula sa kusina at tumabi dun kay Jungkook na nasa sahig nakaupo.
"Yah, si Yoongi na lang kulang a? Asan na ba ang lokong yun?" sabi ni Jin Hyung at natawa na naman kaming dalawa.
"Baka nandun na naman yun sa dorm niya. Alam niyo namang ang tamad tamad nun." sabi ni leader at sumang-ayon naman kami dun sa sinabi niya.
Tama nga naman. Hahaha.
"Yaan niyo nga yun, kahit tamad yun ginagawa niya naman trabaho niya e. HahaHahaha." sabi naman ni Jimin kaya natawa na lang kami sa sinabi nito.
"At isa pa, dadating yun mamaya. Magtiwala na lang tayo. " sabi ni Jungkook.
"Aba dapat lang! Alam niyo kasi, type daw siya nung kapatid nang nagorganize nang event natin dito." sabi ni Jin sa amin.
Si Mr. Montero? Kapatid? May kapatid pala yun?
"Kapatid? May kapatid ba yun?" biglang tanong ko at nakita ko namang natigilan si Jin hyung saglit pero bumawi ito kaagad nang tawa sabay sabing.
"Aba malay ko! Yan sabi nung isa sa mga staff dun sa hall kanina." sabi ni Jin Hyung at ewan ko lang kung bakit pero napatingin ako kay Jimin at pati na rin ito sa akin.
Iisa kaya yung iniisip naming dalawa?
At isa pa, malabo rin ang hinala ko ngayon. Napakaimposible-
"ARAY NAMAN!" biglang sabi ko nang may humampas na unan sa mukha ko at saka ko naman sila narinig na nagtatawanan.
"HAHAHAHAHAHA! Pasensiya na, napakaintense lang kasi nung titigan niyong dalawa eh! HAHAHAHAHAHAHA UYYYYYYYY! KAYO AH! MAG-AMINAN NA NGA KAYO!" pagbibiro ni Jhope hyung kaya binalik ko naman sa kanya yung unan sa kanya.
"Mandiri nga kayo! At isa pa, may mahal na ito eh!" sabi ko sa kanya sabay turo kay Jimin at nakita ko naman ang gulat mukha nito.
At doon na nagsimula ang biruan sa isa't isa.
Pero hindi ko maiwasang hindi maghinala sa mga nakikita ko kanina.
*sigh*
Ang hirap lang kasing paniwalaan.
Pero, gusto niyo bang malaman ang mahal ni Jimin? hihihi
----
SINO NGA BA!? HAHAHAHAHAHA.
OF COURSE, ARMYs !! HAHHDHA.
pero mahal niya din si Yoongs 😆😆 AYIEEEEEEEE~ HAHAHAHAHAHA.
WHO ARE YOONMIN SHIPPER HERE!? HAHAHA HELLO THERE 😆😆😆💕💕.
Pero next chapter na talaga. Hahahaha. Salamat!
BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...
