22. The Event.

14 0 0
                                    

CYRIL's POV

Kakababa ko lang nang dorm at may iilan din akong nakakasabay para pumunta sa kasiyahang magaganap doon sa concert hall.

May iilang stall naman akong nakikita sa malayo habang naglalakad ako papunta doon sa field.

Naka cap ako ngayon na itim, naka plain white tshirt, naka jean na skirt at high cut na converse high na kulay black.

May dala din akong backpack dahil may iilang gamit din akong dinala kung sakaling may mangyari man mamaya.

"Gosh~ BTS is real! Can't wait to see them! Kyaaah~ " rinig kung sabi nung limang babaeng nasa unahan ko ngayon.

"True! Hahahaha. At grabe diba? Sa lahat ba naman ng school, sa atin.talaga sila nagpaconcert! No doubt, baka totoo yung mga fake news na narinig ko." sabi naman nung isa.

Fake news?

"Saan doon? Alam mo namang ang daming toxic. " sabi naman nung pangatlo.

"Oo nga e, pero kasi sabi sabi daw, na one of the members of BTS ay dito nag-aaral, secretly." sabi nung babaeng nagsabi dun sa fake news.

"Ha!? Naniniwala ka ba dun? At isa pa girl, kung isa man sa kanila yun, malamang dinumog na natin yun no. Wag ka ngang magpapaniwala dun. Hahaha." sabi naman nung ikaapat at tumawa naman yung isang nakikinig lang sa kanila.

Si Trevor ba yung pinag-uusapan nila? O kaya yung dalawa? Hmmm.

By the way, oo, alam kung si Vincent at Jake ay si Taehyung at Jimin ng BTS. Hindi ako bobo oara hindi mapansin yun.

Ang tangi lang na tanong sa akin ngayon, sinusundan ba nila si Trevor.dito? Sa lahat kasi ng pwedeng mag-aral, bakit dito pa? Ej pwede naman sila dun sa MAS highly intellegent for artist na unibersidad.

Pangatlo lang kasi ang university na ito sa mga mamahaling university dito sa pilipinas. At isa din, may korea naman bakit dito pa sa Pinas?

Kinuha ko naman ang earpiece ko at sinuot sa tenga. Since nakalugay naman ang buhok ko kaya walang makakapansin sa suot kung earpiece.

"Sakano... are you there?" mahinang sabi ko.

(Yes)

"Nahanap mo ba si Dianne?"

(Yes. Nasa isang stall siya. Yung may kalapitan sa Concert Hall. She's with someone na sa pagkakaalam ko, isa yun sa mga kaklase niya.)

"What are they selling?"

(Some good stuffs and... milk teas's ..?) sabi niya na ikinahinto ko naman sa paglalakad at napakunot ang noo.

"Anong sabi mo?" mahinang sabi ko at dahan dahang pumunta sa isang side nang daan na walang masyadong tao.

(Milktea! Bingi lang Cy?)

"Gago. O sige, bantayan mo lang yan"

(Copy. Ikaw, saan ka ba pupunta?)

"Saan pa ba ako dapat pumunta?"

(Uh, mag-eenjoy? Pupuntahan yung Trevor mo?—)

"Shut up! Siraulo ka ba!? " inis na sabi ko sa kanya at tumawa lang ang mokong.

Siraulo nga.

"Ang saya mo.talaga kapag iniinis ako no?"

(Hahaha. Konti lang. Hehe.)

"Whatever. Now, ginagawa mo naman ang trabaho mo diba? " sabi ko sa kanya.

(Ofcourse, Ako pa! At tsaka mga halos sampu naman akong kasama dito e. Yung iba pinauwi ko muna para magpahinga, babalik din yun after 5 hrs. Shifting, parang ganun.)

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon