26. DNA

12 0 0
                                        

Vernon's POV

shit! shit!

"Please, sit down." sabi ng Lolo ni Cyril na siya ata yung sinasabi ng Luces na 'to. Bwisit!

Nagsiupuan naman kaming lahat at nakita ko pang pasimpleng tumingin sa akin si Luces at may nakakalokong ngisi pang pinakita sa akin.

Siraulo. Bwisit.

Tumingin naman ako sa harap nang tumikhim ang lolo ni Cyril. By the way, his name is Alexander Gregory o mas kilala sa pangalang Don Xander.

Ito yung Lolo ni Cyril sa part ng Mama niya. Mabait naman 'to pero ang sabi sabi, hindi din daw. Tss.

"Good day. Gumawa ako ng meeting for all of you para ipaalam yung mga achievements niyo dito sa lugar na 'to. I congratulate all of you here for makimg thus land better that before." sabi nito at ningitian pa kami. Nagsipalakpakan naman lahat at nakipalakpak na rin ako dahil baka ano pang isipin ng iba.

Hindi ko rin alam kung kilala ba ako ng Lolo ni Cyril. Dahil, mukhang hindi nga niya ako kilala dahil sa atmosphere nito.

"Im sorry kung lahat kayo pinatawag ko ngayon pero hindi naman'to magtatagal ang meeting. May gusto lang ako sabihin sa inyo about some security measures in your schools." sabi niya at naging seryoso naman ang boses nito hanggang sa napako  ang tingin niya sa akin pero saglit lang iyon.

Those stares. It tells a warning for something.

Kinabahan ako nun. Aish.

"There is something happening around here in our place at ang gusto ko ay maging mahigpit kayo sa mga security measures niyo. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" sabi nito dito sa aming lahat at nagsitanguan naman kaming lahat.

".. all you have to do is do whatever I say. Secured everything para walang mangyayaring masama sa mga studeyante. And for the outside, my team will do the job for the safety pf everyone. Wala akong planong sabihin sa inyo kung ano ang nangyayari, just do me that favor now. And meeting ends, you can go out now." sabi ni Don Xander at nagbow muna kaming lahat sa kanya bago kami umalis.

Mauuna na sana akong lalabas dahil nauuna na rin yung sekretarya ko nang may pumigil sa akin na lumabas, isa ito sa mga body guards ni Don Xander.

Napatingin naman ako sa ibang nagsisialisan na parang hindi nila ako napansin na pinigilan ako ng isang 'to.

Pati na rin si Luces, para itong tulalang lumabas sa office na ipinagtaka ko naman.

Anong nangyayari sa kanila?

Nang nakalabas na lahat at ako na lang ang natira saka nila sinara yung pinto.

"Mr. Montero, sorry for the inconvienience pero kailangan kitang makausap ngayon." kalmadong sabi ni Don Xander at huminga naman ako para kumalma. Ayaw ko kasing maging harsh in front of him habang nandito pa yung mga bg's niya.

"Sit down, mister." sabi naman ni Don pero napatingin muna ako sa ibang bg's dito at mukhang naramdaman niya yung pagkabahala ko kaya pinalabas niya muna ang mga ito kaya kaming dalawa na lang ang natira.

Kahit napakabigat ng hangin dahil kaharap ko siya. Kailangan na hindi ako kabahan at umaktong wala lang ito.

"Please, sit down. I don't come here to cause harm. Nandito lang ako para makipag-usap sayo." sabi niya kaya umupo ako sa di kalayuan sa inuupuan niya sa akin.

"What is it about Don Xander?" tanong ko sa kanya.

"Don't be too formal, Montero. Just 'Alex' will be good and no buts for it." sabi niya sa akin na ipinagtaka ko naman.

"If this is about Cyril—" sabi ko pero pinutol na niya ako kaagad.

"Ofcourse it's about my grandaughter. But before that, I want to say something." sabi niya at napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

"Ano po yun?" tanong ko sa kanya.

"About the incident yesterday." sabi niya at napalunok naman ako dahil wala pala akong balita pagkatapos nun dahil sa paghahanap sa salarin—

"... don't worry, hindi kita sesermonan about that. Actually, I congratulate you for your honorship dahil sa ginawa mo sa lahat ng estudyante. And the security you have while the program started and until it ends." sabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero tinignan ko lang siya at tumango tango lang.

"... at wag ka na ring mag-alala sa kanila dahil yung team ko na ang gumawa ng paraan para wala silang maalala sa nangyari kagabi. Yan din ang ginawa ko sa mga dumalo ngayon kanina." sabi niya na ikinagulo naman ng utak ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Napansin mo naman silang lahat diba? Napansin mo ba yung paglabas nila?" sabi niyasa akin

"They look focused at parang wala silang pakialam sa nangyari?" patanong na sagot ko sa kanya at tumango lamang ito sa akin.

"Yes. I did some secret moves para may mainject ko sa kanila para makalimutan nila ang meeting ngayon. Dahil ang totoo ay, ikawlang talaga ang pakay ko ngayon. Ginawa ko lang silang excuse para hindi maghinala ang mga kalaban." sabi niya kaya hindi ko na mapigilan ang magtanong kung anong nangyayari.

"Ano bang nangyayari?" sabi ko sa kanya.

"Lucas. That guy. He's the one who murdered your men in Cebu." sabi niya.

"At paano naman napunta ang usapan sa tauhan namin? We all know, our families are rivals. At bakit naman ako magtitiwala na ibang mga tauhan yung pumatay sa mga tauhan ko dun?. If this is a trap, then you win." sabi ko sa kanya. Nawala na ang takot ko sa kanya dahil sa pinakawalan niyang usapan tungkol dun sa massacre na nangyari sa Cebu.

Wala na din akong pakialam kung dito na ang katapusan ko. Wala na akong dapat na ikinatakot pa.

"Look, I am here to give you some informations. This is my land at kahit anong gawin niyo alam na alam ko ang lahat ng iyon. Kaya nga hindi na ako sumalungat sa plano mong ilipat si Cyril dito sa university na nasa pamamahala mo. Her mother explained me kaya naiinyindihan ko naman. At kita ko namang ginagawa niyo ang lahat para lang maging ligtas ang apo ko. " sabi nito sa akin.

Aba dapat lang, dahil mahal na mahal ko ang kapatid ko.

"Yan lang ba?" sabi ko naman sa kanya.Bastos man iisipin pero kailangang maging ganito ako makipag-usap sa kanya para hindi niya maisip na kalmado lang ako at hindi natatakot na harapin siya

"Actually, no. Dahil sa mga oras na 'to, nasa panganib ang kasamahan ni Tristan sa kamay ni Lucas—"

"How do you know about Lucas?"

"I know him too well, his been my target for the whole time pero hindi ko lang siya magawang dakpin dahil wala kaming malaking ebidensya na siya ang gumagawa ng mga aksidente dito sa lugar ko. He uses some people para gawin yun para sa kanya. At hindi din siya madaling dakpin." sabi nito sa akin.

"... and your team might be in danger this time. Because Trevor is back." sabi nito na ikinakunot ko naman sa noodahil sa narinig ko.

What the heck is he saying? Trevor is alive! At hindi naman siya nawala kasi si Tristan yun!

Teka, if he knew about Trevor then why did he call Tristan by his alias and not Trevor itself? What is happening?.

"... hindi ba niya sinabi sayo?" nagtatakang tanong niya sa akin. 

Ang alin?

"What are you talking about?" halong pagtataka na tanong ko sa kanya.

"Maybe, mas mabuting si Tristan na ang bahalang magpaliwanag sayo about that... at habang hinihintay natin sila na dumating dito, I bet maraming mangyayaring hindi maganda." isang seryosong sabi nito na ipinagtaka ko naman.

Ano bang pinagsasabi ng hukluban na'to!? Is he insane!? At ano yung sabi niya? May hihintayin kami? At sino naman yun? Damn it!

Bakit parang hindi totoo ang mga pangyayaring 'to ngayon?

   -------  

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon