KINABUKASAN.
Cyril's Pov
Nagising ako sa tunog ng doorbell sa labas. Arghh! Isturbo.
Bumangon naman ako kaagad at saka ako pumunta sa pinto at binuksan ito.
Saka naman bumungad sa akin ang mukha nung assistant ni Kuya sa opisina nito.
"Yes po?" tanong ko sa kanya.
"Uh. Itatanong ko lang sana if nasa loob ba si sir?" tanong nito sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.
Tsaka ko lang narzmdaman ang kaba.
"B-Bakit? Nawawala ba siya? K-Kasi wala siya dito-" sabi ko pero naputol ang pagsalita ko at yung moment ko nang biglang may nagsalita sa likuran niya.
"Nakita ko siyang pabalik na sa opisina. Kaya pwede ka nang umalis baka hinahanap ka na dun." sabi nang isang boses.
Sino pa nga ba?
"Hoy sungit! Ang aga aga, napaka ng ugali mo!" sabi ko sa kanya at nilingon naman saglit nung assistant si Tristan bago ito magalang na umalis sa harap namin.
"Tabi nga!" sabi ni Tristan at agad naman akong tabi bago pa niya ako itulak parapumasok sa loob.
Anak ng kalabaw, ARRGHH! NAKAKAINIS!
Sinara ko na muna yung pinto bago ko siya habulin papunta dun sa living area para sigawan siya pero natigilan ako nang makita agad siyang nakahiga sa sofa bed dito at mukhang pagod na pagod.
Tignan mo nga naman. Puyat na puyat. Tsk.
"Oo na! Matulog ka diyan at magpahinga! Sungit!" sigaw ko sa kanya bago ako pumunta ulit sa kwarto at matulog ulit dahil sa naungkat kung pahinga.
*sigh~*
Vincent's Pov
"Ahh~ kapagod." sabi ko agad nang makauwi na ako dito sa dorm ko. Since ako lang mag-isa dito kaya ang tahimik ng buong silid.
Napahiga ako kaagad sa sofa dito at tumingin sa kisame saka ko pinikit ang mga mata ko.
"Iho, hindi mo naman dapat na gawin ito. Sapat na ang iyong presensya." sabi sa akin ni Lola habang nag-iimpake ako para umalis at maghanap ng trabaho.
"Lola~ gusto ko pong bumawi sayo. Yung galing talaga sa akin kaya support mo na lang ako la~ gusto ko din kasing makaranas ng ganito sa buhay lalo na at malayo ako sa kanila." sabi ko sa kanya at nakita ko naman ang proud na ngisi nito sa akin.
I was referring 'kanila' to my family. Naglayas ako dahil sa kanilang maang-abusong ugali. Actually, ayos lang naman talaga sila but when it comes to business, business will be always business kahit parang ipinagtabuyan na nila ang mga sarili nilang anak para lang sa negosyo.
"Malaki ka na talaga, iho. Pagpalain ka sana ng Panginoon sa iyong paglalakbay." sabi niya sa akin saka kami nagyakapan ni Lola.
Hindi ko siya biological na Lola, inampon lamang niya ako nang makita niya akong palaboy sa kalye. Sinabi ko sa kanya ang katotohanan at tinanggap naman niya ako kahit na alam niyang pinaghahanap na ako ng mga tunay kung pamilya.
I treated her like my biological lola. Napamahal na ako sa kanya ng lubos kaya hindi rin mawala sa akin ang lungkot na mawalay sa kanya para hanapin ang sarili ko.
Napamulat nang wala sa oras ang mga mata ko nang biglang tumunog ang celpon ko sa mesa kaya kinuha ko ito agad sabay ang pagbangon sa pagkakahiga saka ko naman ito sinagot agad.
"Bakit?" tanong ko sa tumawag.
(Nasaan ka? Kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito, nabili ko ito kanina sa labas pagkatapos nating mag-ensayo. Nawala ka na lang kasi bigla.) sabi ni Jake sa akin.
BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Misteri / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...
