24. Him.

15 1 0
                                        

KOREA.

Namjoon's Pov

Katatapos lang namin sa isang variety show at ngayon ay nandito na kami sa condo namin. Si Jin Hyung nasa kusina at naghahanda ng pagkain, si Jungkook naman nasa kwarto nito at mukhang nagpapahinga, habang si Hobi Hyung naman ay nandito sa salas kasama ko na nagseselpon at ako naman ay nanonood ng ng tv dito.

Hindi ko alam pero tumayo ako at tsaka ako pumunta sa kusina pero natigilan ako nang makita ko si Jin Hyung na may kausap sa telepono nito.

Malayo man ako at hindi ko nakikita ang ekspresyon sa mukha nito ay alam kung may problema ito sa kausap ngayon.

Seeing those ears na pulang pula at mga kamay nitong parang natataranta, I bet he have a problem now. Hahakbang na sana ako para magpatuloy sa kusina nang biglang umalis si Jin Hyung at lumabas sa condo na ikinabahala ko naman.

Kahit nag-aalinlangan man na sundan siya ay sinundan ko parin ito nang tahimik palabas at nakita ko naman siyang pumunta sa Exit?

Saan kaya yun pupunta?

I heard his footsteps at bubuksan ko na sana yung Exit door nang may pumigil na kamay sa akin kaya tinignan ko naman ito kaagad at nagulat naman ako ng makita ko si Jin Hyung na may naguguluhang nga mata.

Teka, siya yung—

"RM, saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong nito.

"I-Ikaw... di ba..papaanong--" utal ku.g sambit sa kanya habang pabalik balik ang tingin ko sa kanya at dito sa Exit Door.

"Gutom ka na siguro, tara nang bumalik sa loob." sabi niya saka naunang pumunta sa condo namin at pumasok habang ako naman ay kinikilabotan sa pangyayari.

Im pretty sure, siya yung nakita ko dito! Kahit nakatalikod lang naman yun, alam kung siya yun! Pero... b-bakit— Imposible namang multo yun , eh buhay na buhay pa si Jin Hyung! Argh!

"May tinatago ka ba Jin Hyung?" tanong ko sa sarili at saka na ako nagsimulang maglakad paalis dito at pumasok sa condo.

Damn! Ano bang nangyayari? Bakit parang may kakaiba? May mali.

Philippines.

Vernon's Pov

Pagkaalis ng pagkaalis ni Trevor ay napatingin kaagad si Vincent sa akin.

"Is he referring to Jin Hyung?" tanong nito sa akin at tumango ako sabay nang pagkuha ko nang laptop ko sa ilalim nitong center table at inalis ang charger nito at binuksan kaagad para malaman kung tapos na ba yung ginagawa ko.

Vincent knew about this from the very start. Isa ito sa naging dahilan kung bakit daw siya nandito sa University at pangalawa sa dahilan niya ay si Jake. At alam.din niya ang patungkol kay Dianne.

"Do you have a certain address kung nasaan ang Lucas na 'to, Vincent?" tanong ko sa kanya na ngayon ay katabi ko na at nakatanaw sa pinagagawa ko ngayon sa laptop ko.

"Hindi ako sigurado at nakalimutan ko na. Sa pagkakaalam ko kasi, lumayas daw yan sa mga nagpalaki sa kanya dahil sa mga ugali nito. Yung pamilyang yun ang nagpatrigger sa pagiging masama niya. Yan yung sinabi nung private detective ko." sabi niya sa akin.

"Alam mo bang kakambal siya nung kasamahan mo?" tanong ko sa kanya at tumango ito.

"Oo, nung una ay hindi kapanipaniwala pero nung napunta ako dito sa Pilipinas para makita siya ay doon na talaga ako naniniwalang kambal niya si Jin Hyung. Yung ugali nga lang sila may pinagkaiba." sabi niya at nagpout pa. Kung hindi lang ito gwapo, baka nagmukha siyang kulugo ng mga taong walang ligo ligo. Hshahaha.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon