Twenty. Sakano.

12 0 0
                                        

Vernon's Pov (Kihyun)

Nakarating naman kami kaagad at nakita ko kaagad yung grupo.

Binati nila ako isa isa at tsaka agad silang bumalik sa kani kanilang pwesto.

"May dapat tayong pag-usapan. Magkitakita tayo sa conference room." sabi ko sa kanila at saka muna ako pumunta dun sa pwesto ko dito sa hq.

Ang pwestong pinamahala ko muna kay Jooheon.

Pumasok ako kaagad nang bumukas yung pinto at saka ako pumunta sa isang parte nang kwartong ito na ako lang ang nakakaalam.

Isang kahon.

Kinuha ko ito binuksan at nakita ko naman kaagad dun ang isang usb. Ang usb na naglalaman ng lahat ng impormasyon bago ako umalis dito.

Ibinulsa ko naman ito kaagad saka ako lumabas at pumunta kaagad sa conference room at nakita silang lahat dun.

Hindi man ako ang leader, pero dahil sa misyon na ito, parang ako yung tumatayong lead para sa kilos na gagawin.

Umupo ako sa bakenteng upuan at tinignan silang lahat.

"So, again. Nice meeting you again. Pumunta ako dito para ikumpirma ang mga natuklasan ko bago ko pa binuo ang misyon na ito noon." sabi ko sa kanila at saka ko naman tinignan si I.M

"I.M, tungkol dun sa sinabi mo kanina. Tell me kung ano yun bago ko ipakita sa inyo ang aking mga nalalaman. " sabi ko sa kanya at nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nung iba.

"Bakit? Ano ba yun?" tanong ni Jooheon sa kanya.

"It's about Cyril." simpleng sagot ni I.M sa kanila saka niya ako tinignan.

"Cyril? Is this about-" sabi ni Wonho pero pinutol na siya kaagad ni I.M sa pagsalita.

"Yes, tungkol nga doon ang sasabihin ko sa kanya. Dapat lang na malaman ito ni Kihyun, eh baka nga alam na niyang may kakaiba kay Cyril e, tama ba ako, Kihyun-ssi?" biglang patanong na sabi sa akin pabalik ni I.M

Seryoso ito at bakas talaga sa mukha niya ang hindi biro.

At ano ang sabi niya? Kakaiba kay Cyril? Kakaiba naman talaga ang babaeng yun-

"Sh*t! Oo nga pala, that brat is a techy one. Aish." biglang singhal ko at narinig ko naman ang paghinga nila na sinasabing 'That's right, yun nga'

Kahit na physically parang baliw ang isang yun o misteryoso din sa iba, no one knows that Cyril's a techy type of person. Minsan na niyang giniba ang phone nito just to insert a chip para magkaroon siya ng libreng wifi kahit saan man siya magpunta. She even invented a robot na walang paa, it just float at nakatambay pa yun hanggang ngayon sa storage room nito.

Bakit ngayon ko lang ulit naisip yan?

Pero...

"Teka nga, explain futher..." naguguluhan na tanong ko kay I.M pero tumingi. ito kaagad kay Hyungwon na ngayon ay binuksan ang kanyang dalang laptop at saka nagtitipa tipa dun bago niya ito nilapit sa akin.

May isang video- Teka, sa labas 'to nang concert hall ah! Kung hindi ako nagkakamali, dito madalas dumadaan si Trevor kapag galing siya sa dorm para walang makakita at maghinal sa kanya.

I was about to ask him why the hell is he making me watch this nang may nakita ako sa hindi kalayuan.

It's Trevor!... pero,

C-Cyril?

"Anong..." sabi ko at tsaka kinuha kaagad ni Hyungwon ang laptop nito at tinignan sila isa isa.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon