Tristan's Pov
Matapos kung makita ang footage na iyon ay tinawagan ko agad yung taong makakapagsabi sa nangyayari ngayon at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.
"Ayos ka na ba?" tanong ko kay Cyril na ngayon ay nakatotok na sa tv at nanunuod ng spongebob.
Ito yung nadatnan ko pagkatapos kung tawagan ang grupo.
Hindi ko alam pero, Iniisip ko kung anong ginawa nung Vernon na 'yun at naging ganito agad ang kapatid niya.
Pinatay naman niya kaagad ang tv nang makaupo ako at tsaka niya ako tinignan.
"Aalis ka ba?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam pero may kakaiba akong napansin sa tono nang boses nito.
"Sagutin mo muna yu.g tanong ko sayo." sabi ko sa kanya pabalik at doon ko naman nakita ang namumuong mga luha nito sa mukha.
Akala ko pa naman okay na to. Hindi pa pala."ANO BA SA TINGIN MO!? NA MAGIGING OKAY AKO PAGKATAPOS NUN!? COMMON SENSE NAMAN DIYAN! SIRAULO!" Sabi niya at saka na ito naiyak.
Napapailing na lang ako sa sinabi niti sa akin.
Akala ko ba hindi na ito bago sa kanya ang ganitong eksena? Kasi, kung hindi ako nagkakamali, sinabi na sa akin yun ni Vernon noon na hindi na daw bago sa kanya ang mga ganitong death threaths o kung ano pa man na may kinalaman sa away nang pamilya nilang dalawa.
Tss.
"Tss, para naman hindi na bago sa iyo ang ganitong eksena." sabi ko sa kanya. Hindi ko naman intensyon ang sabihin yun pero wala e, lumabas na lang bigla sa bibig ko.
Napansin ko naman ang pagtigil nito sa pag-iyak at saka pinunasan ang mga luha nito sa mukha at saka ito tumingin sa akin na walang bahid nang emosyon.
Napangiti naman ako ng pasikreto dahil sa emosyon nito na pinapakita sa harap ko.
"O ano? Nasa point na ba tayo sa storya kung saan lumabas na ang totoo mong pag-uugali? Freza Cyril Gregory Villaceran. " panghahamon na sabi ko sa kanya pero wala lang siyang emosyon na ipinakita sa akin.Ni hindi man lang ito nagulat—
Inaasahan ko na yan sa umpisa pa lang.
"Yes, tama ka nang mga sinabi. Hindi na nga bago sa akin ang mga ganitong pangyayari. Hindi naman doon yung rason bakit ako umiiyak." sabi niya at tumingin sa ibang direksyon at nagsimula ulit itong magsalita.
"... hindi lang talaga ako makapaniwalang, isang itinuring ko nang kaibigan ang siyang kumakalaban simula pa noon." sabi nito na may halong galit, lungkot at puot sa mga bawat na salitang bintawan nito—
Teka.. Papaano niya naman nasasabi ang ganyang mga bagay?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya kaya nabaling ang atensyon nito sa akin at wala pa ri.g emosyon.
Im still not afraid.
"Na alin? Na kalaban ang kaibigan ko? Kasasabi ko lang kanina diba? , hindi na bago sa akin ang mga ganitong eksena, Trevor." madiin na pagkakasabi nito sa akin na parang pinagbabantaan pa ako.
Tss. Im not afraid after all.
"Tama nga ang sabi sa akin nung kapatid mo. " sabi ko sa kanya at saka naman ako tumayo para sana bumalik dun sa kwarto at may kukunin nang magulat ako sa sinabi nito sa akin.
"Ikaw, kailan mo ba aaminin sa akin ang katotohanan, Trevor a.k.a Tristan a.k.a Min Yoongi."
p-papaano niya..?
VERNON's POV
"Tsk." tanging sambit ko na lang habang nandito parin ako sa kotse.
"Sir, saan ko po kayo ihihinto?" sabi ni manong driver sa akin. Tumingin muna ako sa labas habang umaandar ito at saka naman nahuli nang atensyon ko ang isang waiting shield.
"Doon. " sabi ko at itinuro ang sinasabi ko na agad naman niyang sinunod naman niya ito kaagad.
Pagkarating ay agad naman akong bumaba at umalis naman kaagad yung kotse.
Iba na pala ang suot ko at may mask na nakatakip sa mukha. Nilingon ko naman kaagad ang isang tao dito sa wind shield at saka siya tinabihan.
"Did you wait for so long?" kalmadong tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa mga dumadaang mga tao dito sa lugar.
"No. In fact, kararating ko lang." sagot nito at saka kami nagkatinginang dalawa at sumenyas siya na 'we have to act normal' dahil baka may nagmamasid sa amin na hindi namin alam.
Tumayo na kami at nagsimula nang maglakad paalis dun sa kinalalagyan naming dalawa. We walked and walked for long until napunta kami sa isang iskinita na walang masyadong dumadaang tao.
I roamed around my sight para kumpirmahin kung may nakasunod ba o wala.
"Walang ibang nakakapunta dito kundi tayo lang." biglang sabi niya saka niya inalis ang mask nito sa mukha at yung sombrero niyang suot.
Which reveal me his famous smirk."I.M." sabi ko sa kanya and he smiled before we have that they call 'bro-hug'
"I am glad you think of going back for us" sabi nito sa akin.
"Kailanman, hindi ako umalis sa grupo. May kailangan lang talaga akong asikasuhin." sabi ko sa kanya and we started walking.
Ngayon ko lang naalala, isa pala 'to sa mga daan na ginawa namin papunta doon sa headquarters nang walang makakaalam.
Yes, I am part of a group called Monsta X. Isang grupo na itinayo naming magbabarkada since my family is part of a mafia, so we build our own but for good terms.
Dad knows about this because I am sure he will support me with this at isa pa, he agreed because of my sister, Cyril. We build this bevause of her, protecting her at all cost lalo na nung magkalayo kaming dalawa.
I just wanted her to be well protected kahit na alam ko namang mas matibay ang seguridad sa kanya dahil sa pamilya nito.
"Si Cyril ba, ayos ba siya ngayon?" tanong nito sa akin.
"Hindi." sagot ko sa kanya at nakita ko naman itong natigilan na parang may maalala ito saka ito natawa ng konti.
"Oo nga pala, may dahilan pala yung pagtransfer niya dun." sabi nito at saka na rin ako natawa ulit.
"... and kasasagap ko lang ng balita, may threath na namang dumating sa kanya kanina. Tama ba ako?" tanong nito sa akin kaya di ko naman mapigilan ang hindi magalit kapag naiisip ko ang ganun.
Hearing my sister in pain, It' hurts me so bad na kulang na lang pumatay ako ng tao ng wala sa oras dahil sa galit.
"Yeah. At tama ang konklusyon niya." sabi ko at napatigil naman ito sa paglalakad at saka niya ako nilingon, nasa unahan kasi siya para maging guide papunta sa headquarters ng grupo.
I saw confusion in his face.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin dun? What conclusion you are talking about?" tanong nito sa akin.
"Akala ko ba binabantayan niyo ang kapatid ko? Bakit ganyan ka makatanong? May hindi ba ako nalalaman dito ?" parang naiinis na sabi ko sa kanya at magsasalita na sana ito nang bigla itong napahawak sa tenga niya— kung hindi ako nagkakamali, earpiece ito na nakakonekta sa hq.
"Yes, papunta na kami diyan.... Sige." salita nito at saka niya ako tinignan ulit.
"Malalaman mo ang lahat nang katanungan mo kapag nakarating na tayo dun. Kaya, Tara na." sabi nito at saka naglakad ulit kaya sumunod naman ako kaagad.
Anong sinasabi niya? Sana naman mali ang hinala ko sa kutob na 'to.
-------
💕😊

BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...